Chapter 24

0 0 0
                                    

Chapter 24

I miss you

Tumulo ang luha ko dahil sa kikitang kong kaseryusohan sa mga mata niya. Namumula ang gilid ng mata niyang hinalikan ang kamay ko sabay na ngumiti.

"Don't worry next month pa naman bago matapos ang site, I want you to think really hard Isha, hindi kita minamadali, alam ko din nawalan ka ng tiwala sa'kin kaya I do anything para muli kang maniwala at magtiwala sa'kin."

Binitawan niya ang kamay ko. Ginawa kong paraan 'yon para punasan ang luha sa kabilang pisngi. Tumayo siya at ngumiti sa'kin.

"I should go first, dinaan ko lang talaga itong lunch mo at makasabay ka... Salamat."

'I-ihahatid na kita sa labas." Sang ayon ko. Binigil kong lumuha ulit dahil ayoko ng makita niya.

"Mauna na ko." Ngiting paalam niya.

"Ryan..." Pigili ko sakanya. Nakangiti siyang bumaling ulit sa'kin.

"Mmm?"

I sigh.

"W-wala, mag-ingat ka."

Lumapit siyang biglang hinalikan ang noo ko.

"Salamat, alis na ko."

Pilit ngiting akong ngumiti at kumaway. Nanatili ako sa labas kahit wala na ang sasakyan niya.

Iniisip ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Masaya ba ko dahil sa wakas narealize niya kung gaano ako kahalaga sa buhay niya. Na sa wakas nakita na niya akong makasama ng pang habang buhay. Matagal kong hiniling na makasama siya ngunit alam kong meron sa puso kong natuldokan na ang mga 'yon.

Matagal ko siyang minahal at nakasama kaya ayokong siyang masaktan sa maaring sabihin ko.

Nanatili sa isip ko buong gabi ang nangyari kanina. Nakatanggap ako ng text galing sakanya sinabing nakauwi na at magpapahinga na. Masaya ako doon dahil meron nagbago sakanya.

Tinulog ko ang pagod sa pag-iisip. Tinupad nga ni Royce ang sinabi niya tumawag siya at nag-ayang makipagkita dahil gusto niyang mag-usap ulit kami tungkol sa suit na ginawa ko. Gusto niyang sa malapit na restaurant kami magkita kaya ito ako ngayon gumagayak para mapuntahan siya.

"O-oh, okay ka lang?" Takang tanong ko kay Diva nang parang nakita siya ng multong pumasok sa kwarto ko.

"Gosh! Royce is here! Akala ko sa restaurant na kayo magkikita?" Hingal na salita niya.

Kumunot ang noo ko at nabitawan ang suklay na hawak ko. Dali dali akong tumayo at lumabas ng kwarto. Nasa hagdan pa lang ako naramdam ko na agad ang presensya niya.

Kumakalabog ang puso ko nang makita ang likod niya. Nakatalikod siya sa'kin ang isang kamay ay nasa kanyang bulsa. I clear my throat before speaking.

"Anong ginawa mo dito?" Malamih na tanong ko.

Nagulat siyang lumingon para malaglag ang bouquet flowers na hawak niya kanina. Nagbaba ako ng tingin sa bulaklak na galing kay Ryan kahapon. Nakagat ko ang labi dahil nakalimutan ko 'yon ilagay sa kwarto ko.

Basungot ang mukha niya. Walang reaksyon akong nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan at inagaw sakanya ang bulaklak. Nilagay ko 'yon sa kabilang table malapit sa Tv.

"Bakit ka nandito?" Walang reaksyon ang mukha kong humarap sakanya.

Basungot pa din ang mukha niya na parang bad trip sa kung ano man pinoproblema niya.

"Galing 'yan sa ex–"

"I'm asking you anong ginawa mo dito? Usapan natin ay magkita sa restaurant." Taas ko ng kilay.

"Sinusundo kita, maaga ako natapos kanina kaya naisipan kong sunduin ka." Kunot noo niya.

Natigilan ako at napakurap kurap.

"Hindi mo naman kailangan  gawin 'yon may sasakyan na naman ako–"

"Gagamitin ko pala yung sasakyan mamaya Isha, hindi ko ba nasabi sayo?" Sabat ni Diva.

Bumaling ako sa hagdan. Wala siyang sinabing aalis siya dahil linggo at pahinga niya sa trabaho. Mas gusto niyang matulog kaysa lumabas ng bahay ganun ang gusto niya yung pahinga time niya kaya hindi ko magets kung anong sinasabi niya.

Pinangutungan ko siya ng kilay habang bumababa ng hagdan. Ngiting ngiti siyang humarap kay Royce na lalong nagpakunot ng noo ko.

"Hi! I'm Diva Rosalez." Abot niya ng kamay kay Royce na ngayon ay nakangiti din. "Best friend ako ni Isha."

"Nice to meet you Ms, Rosalez." Abot niya ng kamay.

"Ano ba! Diva na lang! Royce! Para piling close ako!" Tawa niya.

Umirap ako dahil halatang may ginawa na naman siyang kalokohan. Tinalikuran ko silang dalawa para lumabas na ng bahay. Narinig ko pa ang nakakalokang tawa ni Diba.

"Ay..."

Agad kong naramdaman ang presinsya ni Royce sa likod ko.

"Ingat kayo huh!?" Nang aasar na sambit ni Diva.

Pinagbuksan ako ni Royce ng pintuan saglit ko pa siyang nilingon bago pumasok. Tumango ako kay Diba at binuka ang bunganga na walang boses na nadidinig.

"Mamaya ka sa'kin!"

"Mauna na kami thanks Diva." Paalam ni Royce bago umikot sa kabilang side ng sasakyan.

Iniwas ko na ang tingin ko sakanya dahil nakikita ko sa gilid ng mata ang paglingon niya sa'kin. Kabado na ang puso ko sa presinsya niya. Kailangan ko na yatang pagpatingin sa doktor dahil sa sobrang kabog nito.

Mabilis na lumapit ang mukha niya sa'kin na parang mabilis na oras para mas lalong lumakas at tumakbo ang puso ko. Hindi mapakali ang mata ko dahil masyado siyang malapit.

"A-anong gagawin mo?" Kabadong at nauutal na sabi ko. Umiinit ang pisngi ko.

Nakita ko kung paano na form ang mga labi niya at pisngi sa pagngiti. Nakita ko din kung paano niyang kinagat ang mga ito.

"Yung seatbelt... Ikakabit ko lang." Bulong niyang usal.

Lumunok ako dahil biglang napahiya. Kinabit niya ito kaagad at saglit na tumingin sa mga mata ko. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tignan ang kislap sa mata niya.

Umayos siya ng upo bago pinaandar ang makina ng sasakyan. Malayo na kami sa bahay ngunit ganun pa din ang kaba sa puso ko. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko. Aalalayan ang puso masyado kasing masaya.

"So, live in kayo ni Diva?"

Lumingon ako sakanya ng may napili na siyang topic sa tahimik namin sandali. Gustong gusto magsalita ng labi ko dahil hindi pa namamaster ang pagiging tahimik.

Mukhang kanina pa din niya gustong magsalita ako na parang hindi siya sanay na tahimik at walang kibo. Tila bumalikdad ang mundo namin dalawa. Kung noon ako ang maingay at maraming bagay na gusto malaman sakanya. Siya naman ang tahimik na ayaw na yaw marinig ang boses ko. Ngayon ay ako na ang tahimik halos ayaw siyang makausap.

"Close na close siguro kayang dalawa." Lingon niy kinagulat pa ang paninitig ko.

I sigh.

"Kapatid na ang turing namin sa isa't isa dahil sa tagal namin magkasama, bakit? Interesado ka ba sa kaibigan ko? Puwede ko naman ibigay sayo ang number ng sakanya ka na magtanong."

"Ayoko! It's not like that..." Ngiting ngiti niya na tila sobrang may nakakatawa sa sinabi ko. "I just wanna talk to you."

"Tss, bakit ba kasi gusto mo ko makita? Magkikita naman tayo sa event next sunday, kung nag-aalala ka dahil sa suit mo at sa gown ng fiance–"

"My sister." Madiin na pagtatama niya sa'kin.

"Wag kang mag-alala dahil ginawa ko ng maayos–"

"I know." Tawa niya.

"Oh, alam mo naman pa lang busy ako kaya bakit gusto mo pang pag-usapan yung trabaho ko–"

"I miss you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Paradise Under Leaves ( On Going )Where stories live. Discover now