We meet again

2 1 0
                                    

Nahiga na ako sa kama ko .Nakapagbihis na rin kasi ako.Wala pa si Daddy and si Mommy Darl kaya dito muna ako sa room.

Nag sscroll lang ako sa Instagram at wala akong ginawa kundi mag react ng mag react.

Nang mabagot ay bumaba nalang ako at binalak na mag swimming nalang sa pool mag isa para may pang story rin ako sa insta.

Pumunta na ako sa pool.I wear a swim wear na color light pink namay design.Its looks so simple but I know it really suits me.

Umupo lang muna ako .Hinahawakan ko lang ang tubig,it's cold pero carry naman.

Bumaba na ako sa pool at tsaka nagtake ng picture.Iba-ibang shots at post.May fears,happy,cute and sweet parang tanga ako hehehe.But after a few shot ay may naaninag ako sa phone ko na muka ng lalaki.Nasa likod ko siya.Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko.Wala naman toh kanina eh.Parang ayokong lumingon sa likod at pinataob ko na rin ang phone ko para hindi Makita ang reflection ng tao dun.Iam so scared.May multo ba dito.?

.................

Another character's POV

Kakauwi ko palang galing sa school.Wala nanaman si ate sa bahay as usual.Wala rin dito ang fiance niya .Ipapakilala daw niya ako sa fiance niya kaso baka mamaya pa yun.

Umakyat na ako sa kwarto ko.Inilapag ko na dun ang bag ko at tsaka nagbihis .Ilang Segundo lang ay tumunog ang cellphone ko .

Unknown?Shitt!Who's this?

Hello?

Hi?,malaki ang boses niya.Nagtataka ako kung sino toh at pano niya nakuha ang number ko.

Sino ka?,pasigaw ko sa kausap ko.Pero napasandal nalang ako sa cabinet ng tawanan lang ako.

Hindi mo ko kilala pero ako...kilalang kilala ka,ani ng kausap ko.Mas tumaas ang balahibo ko.At sinong gago naman to.

Sino ka ba?,nakakunot ang noo ko.

Ako to si....,pagbitin niya Ng sinasabi.

Gago kaba?Sabihin mona kung sino ka ,kung ayaw mong ako na ang magkilala sayo,pagbabanta ko pero tumawa lang siya.

Papatayin talaga kita Kapag nakilala kita,tugon ko namn.Ako tong nanggigigil na habang siya tumatawa lang.

Easy!Easy bro!,nabigla ako ng marinig ang familiar na boses.

It's a prank bro heheheh love you!Astig mo matakot ah ....ano yun?Sabihin mona kung sino ka ,kung ayaw mong ako ang magkilala sa yo hahahahba ,ani niya.Ngayun sigurado na ako kung sino iyon.

Buysit ka Arvie!sabay baba ko ng telepono.

Si Arvie lang pala akala ko kung sino.

Matutulog na sana ako kaso naisipan ko nalang na mag gym.
Dumeretso na ako sa gym .Nasa baba iyon ,parteng kaliwa ng bahay namin malapit sa pool.

Nagsuot ako ng headset at nagpatugtug.Inalis ko na rin ang t-shirt ko at inilagay sa tabi.Malaki talaga tong gym pero ako lang naman ang gumagamit nito maliban nalang kung andito sila Arvie at Mike .Sila lang kasi ang nakakasama ko dito sa gym.

Ang pader ng gym ay salamin kaya madaling Makita kung sino ang nasa labas pero hindi madaling Makita kung sino ang nasa loob.Tumatakbo pa ako ng may naaninag akong babae sa pool.Sirina ata.

Parang sirena pero sirena nasa pool?Cool!

Napagpasyahan ko nalang na pumunta sa pool at kinuha ko ang phone ko para ma vediohan yun.

Naglakad ako ng walang ingay papuntang pool.Meron pang malaking halaman na nakaharang malapit doon kaya doon ako nagtago.Saka ko lang napansin na parang nakita ko na to.Kaya kinuhaan ko nalang ng picture ang babaeng trespassing sa bahay namin.

Lumapit na ako sa kanya.Mga tatlong metro nalang ang layo ko mula sa kanya .Nakaswim wear siya at kumukuha ng picture pero Ng bigla niya akong mapansin naramdaman ko ang takot niya

Taas ang balahibo huh

Ah si-sino ka?,asik nitong babae habang nakatalikod.

Tiningnan ko lang ang katawan niya hanggang pusod lang kasi ang lalim ng pool.Ngumisi nalang ako dahil nanginginig na siya.

Lumapit na ako sa kanya at napatawa naman ako ng mahina ng mahulog niya bigla ang phone niya .

I pity you!sabi ko naman at pinag-krus ang mga braso.Siya namay abala pa rin sa pagkuha ng phone niya.

Sinisid niya ang pool para makuha ang phone niya at ng pag-angat ng muka niyay nagulat ako.

Ikaw???,sabay naming asik


Risk?Where stories live. Discover now