📝 SCRIPTED 📝
❇🔸❇
01
❇
Andy's POV
"How can I love you when you're not pretty, not even cute and don't even have a sexy body? Worst di man lang tumuntong sa 5 feet ang height. And you dream to be loved by someone like me that is handsome and tall? Wake up freak! I'm scared of you!" 'yan ang linyang tumatak sa isip ni Andy matapos siyang saktan, pahiyain at lokohin ng boyfriend niyang si Miguel.
Naaalala pa niya ang pangyayari na iyon. February 13, Monday. First monthsary nila ng boyfriend niya at naisipan niyang regaluhan ito ng isang picture album na puro memories nila ang nakalagay doon. 4:00 pm na ng tumawag ang boyfriend niya. Pumunta daw siya sa school canteen at doon daw sila mag-date. Kinikilig siyang nag-ayos ng sarili bago pumunta sa canteen. Nadatnan niya ang bf niya sa labas ng canteen na may hawak na panyo. Piniringan siya papasok sa canteen.
"Pagbilang ko ng tatlo tanggalin mo na yung piring mo," sabi ng boyfriend niya at napapangiti naman siyang umoo.
"1, 2, 3!" bilang ng bf niya at agad naman niyang tinanggal ang panyong nakapiring sa kanya.
"Surprise!" sigaw ng maraming tao. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang nakasulat sa tarpaulin na hawak ng ex-girlfriend ng bf niya 'BREAK NA TAYO!'
"Go!" dinig niyang sigaw ng bf niya then all started to throw eggs and tomatoes into her. Napapaluha siyang naupo sa sahig habang binabato ng kung anu-ano pa at habang sinisigawan ng assuming girl, freak, monster, at pinagtatawanan. Ang sakit sakit isipin na pinaglaruan ka lang pala at ang pinakamasakit ay 'yung mahal mo pa ang nanakit sa'yo mismo kaya sumumpa siya na hahanap siya ng mas gwapo pa kay Miguel ng isampal niya sa mukha ng lalaki na mas may deserve siyang better.
"Bakla!" putol ni Michael Tuazon a.k.a. Mikay sa pagmumuni muni ko.
"Move on na! 3 weeks na oh. Sabi ko naman kasi sa'yo wag siya ang patulan mo. Ang kulit mo kasi," pagmamaktol ni Mikay sa kaibigan niya.
"Pasensya ka na ha, wala ako sa tabi mo nung nangyari 'yun pero wag kang mag-alala nagawan na ng paraan yung video mo a.k.a. Breakup scandal mo," pagpapatuloy niya.
Haayy!! Kung di lang dito kay bessy baka matagal na akong nag-transfer ng school. Buti nalang wala na yung video.
"Teka bessy, di mo pa sinasabi sakin kung sino yung pinsan mong tumulong sakin. Sabi mo close kayo saka nag-aaral siya dito. Ba't di ko siya nakikitang kasama mo. Siguro pangit 'no?" sunod sunod at nagtataka kong tanong. Pinektusan naman ako ng baklang Mikay na ito. Nagpout naman ako sa kanya sabay hawak sa noo ko.
"Anong pangit? Excuse me wala sa lahi namin ang pangit di tulad mo 'no," nakapameywang pang sagot niya habang nakataas ang kilay. Sabagay gwapo naman 'tong baklang 'to kahit bakla habulin parin. Swerte niya di siya tinutukso na bakla.
"Sino ba siya saka pakilala mo naman ako," pakiusap kong sabi habang pinupulupot ko ang aking kamay sa kanyang braso. Nandito pala kami sa rooftop, lunch break namin at dito ang laging tambayan naming dalawa.
Si Micheal ang tumayong bestfriend at tagapagtanggol ko dito sa school. Isa lang naman akong scholar ng school na 'to. Pasalamat ako at bestfriend ko ang anak ng Head ng school na 'to kaya yung boyfriend ko at yung kasabwat niya na bumully sakin ay suspendido. Serves them right.
BINABASA MO ANG
SCRIPTED
Romance[Completed] Have you ever felt like you're in the middle of something that you don't know what to do? Well if you have, then you can relate much to our main lead, Andy, who's stuck between two important people in her life. How will Andy face the tr...
