📝 SCRIPTED 📝
❇🔸❇
05
❇
Andy's POV
Hindi ko alam pero matapos ang insidenteng pag-amin ni Harvie sakin parang naliwanagan ako, na mahal ko rin siya. Nag-usap kami na itago ang relasyon namin kay Mikay, so to conclude naging two timer ako. Hangga't hindi naaayos ang gulong ito, itatago muna namin ang relasyon namin ni Harvie.
Lumipas ang isang taon, at hindi pa rin naging maayos ang gulong napasukan ko. Hanggang ngayon girlfriend pa rin ako ni Mikay at girlfriend din ako ni Harvie.
Hindi ko alam kung kailan matatapos ang problemang ito pero napapagod na akong magtago pa kay Mikay pero hindi ko rin kayang aminin na si Harvie ang mahal ko. Michael has always been my best friend at kahit pilit kong subukang mahalin siya ay hindi ko talaga kaya. Bestfriend lang talaga ang tingin ko sa kanya.
"Happy first anniversary babe," bati ni Harvie sabay abot sa akin ng isang bouquet of pink roses.
Dismissal ngayon at nasa rooftop kami. Absent si Mikay at saktong anniversary na namin ni Harvie.
"Happy anniversary din babe, I love you," nakangiting bati ko rin sa kanya bago siya hinalikan sa pisngi.
"Sa pisngi lang?" reklamo niya.
"Ayaw mo? Eh di babawiin ko," sagot ko. Ikikiss ko sana ulit yung pisngi niya nang halikan niya ako sa labi.
▫ ▫ ▫ ▫ ▫
Michael's POV
"Malapit na Harvie! Makakaganti rin ako sa iyo! Malapit na ang araw na hinihintay ko, ang kamuhian ka ng taong mahal mo," tiim bagang sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan sila Harvie at Andy.
Matagal ko nang alam na sila Andy at Harvie ay magkasintahan pero hinayaan ko para umayon ang lahat sa plano ko. Kung iniisip ninyo kung bakit ako nagkakaganito sasabihin ko.
~Flashback~
"Asaan na ba yung baklang Andy na yun?" bulong ko habang hinahanap si Andy.
Lunch break na namin pero nauna silang lumabas eh. Hindi kasi kami sa classroom nag-klase kundi sa AVR (Audio Visual Room) kami.
"Mister Tuazon, pwede bang pakidala 'tong files sa office ng Dad mo," pakiusap ni Ms. Cruz sa akin.
Kinuha ko naman ito para ipunta sa opisina ni Dad. Nang makarating ako sa opisina niya ay hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila. Tumapat ako sa may pintuan upang pakinggang mabuti kung ano ang pinag-uusapan nila at laking gulat ko sa aking narinig.
"Dad, si Harvie na ang pagmamanahan ko ng school na ito," sabi ni Dad kay Lolo.
"Paano si Michael?" tanong ni Lolo.
"You know that Michael isn't my real son! Anak siya sa labas ni Magda. Harvie is my real son," sabi niya kay Lolo na ikinagulat ko.
"But Michael is still part of the family, alam mo yan," sabi naman ni Lolo.
"Pero siya ang bunga ng panloloko ni Magda at Francis sakin, Dad. Si Michael ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng ituring ni Harvie na ama niya," walang pakundangan niyang sagot.
"Michael is also my grandson, Oscar. Oo, hindi mo dugo ang dumadaloy sa pagkatao niya pero mahal ko din siya bilang apo kaya sa kanya dapat mapunta itong school. Matalino si Harvie, kaya niyang mabuhay kahit wala tayo pero si Michael? Wala siyang alam na hirap sa mundo," naiinis na sabat ni Lolo.

BINABASA MO ANG
SCRIPTED
Roman d'amour[Completed] Have you ever felt like you're in the middle of something that you don't know what to do? Well if you have, then you can relate much to our main lead, Andy, who's stuck between two important people in her life. How will Andy face the tr...