4.4

4 3 0
                                        

📝 SCRIPTED 📝

❇🔸❇

04

Harvie's POV

Kita ko sa mukha niya na nalulungkot at nag-aalala siya.

'Michael, ano ba talagang nangyayari sa'yo?' tanong ko din sa sarili ko.

Pagkahatid ko kay Andy ay dumiretso na'ko pauwi para komprontahin si Michael. Kaso nakalock ang room niya nang kakausapin ko na sana. Never naman siyang nag-lolock ng room niya before. Ewan kung bakit hindi siya nag-lolock pero ngayon naka-lock na ito. Kinatok ko ang room niya pero hindi siya sumasagot kaya pumunta na lang ako sa room ko.

Kahit pa ganito ang nangyayari ay masaya ako dahil sa nangyari ngayon. May pagkakataon akong makasama si Andy. Sana makasama ko pa si Andy ng mas matagal.

▫ ▫ ▫ ▫ ▫

Michael's POV

"Inagaw mo na ang lahat lahat Harvie. Si Lolo, pati si Andy, pero bakit pati si Papa hindi mo pinaglapas. Ano bang kasalanan ko sa'yo?" inis kong sabi habang naririnig ang pagkatok niya sa kwarto ko. Ilang sandali lang, umalis na siya. Ang sakit sakit sa dibdib malaman ang katotohanan na hindi ka talaga isang tunay na Tuazon. Pwes, tatapusin ko na 'to bago nilunok ang lahat ng gamot na nakalagay sa malaking bote.

▫ ▫ ▫ ▫ ▫

Harvie's POV

"Sir, kakain na po" rinig kong sabi ni Aling Nida habang kinakatok ang kwarto ni Michael pero gaya ng dati wala ring sumagot.

"Ah, Manang ako na lang," sabi ko bago kinatok ang kwarto ni Michael pero wala paring sumasagot. Nabahala na ako dahil hindi naman niya ugali ang hindi sumagot at magkulong ng kwarto eh.

"Bubuksan mo 'to o sisirain ko," banta ko pero wala pa ring sumasagot kaya pinakuha ko na kay Manang ang duplicate ng susi ng mga kwarto. Pagkabukas ko ay napabulagta ako sa nakita ko.

Nakita ko si Michael na nakahandusay sa sahig. Agad ko siyang nilapitan at niyugyog ko siya pero hindi siya gumigising kaya dinala na namin siya sa hospital.

"Doc, okay lang po ba siya?" nag-aalalang tanong ni Tito Oscar sa doctor.

"Wag po kayong mag-alala Mr. Tuazon. Ligtas na po siya. Marami lang po siyang nalunok na Vitamin C kaya nag-over dose," sagot naman ng doctor.

"Vitamin C, bakit?" tanong ko kay Tito Oscar na siyang dating ni Lolo.

"Kumusta na siya?" nag-aalala ring tanong ni Lolo.

"Maayos na po ang kalagayan niya, Lo," sagot ko. Napabuntong hininga siya bago naupo sa upuan.

"What happened?" tanong ulit niya.

"Na-over dose po siya sa gamot na vitamin C," sagot ko ulit.

"Ano?! Bakit?" tanong na naman ni Lolo.

"Hindi ko po alam pero inubos niya yung isang garapon ng vitamin C, Lolo," paliwanag ko na naman.

"What?! Magpapakamatay ba siya?" saad ni Lolo na ngayon ko lang nagets. Ano bang problema niya at humantong sa ganitong pagpapakamatay?

Kinaumagahan, pumasok ako sa school para sabihin kay Andy ang nangyari. Pagkasabi ko ay nakiusap siya para puntahan si Michael. Hindi ko naman siya matanggihan kaya pinaalam ko na siya sa mga teachers bago kami pumunta sa ospital.

SCRIPTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon