3.3

8 3 2
                                    

📝 SCRIPTED 📝

❇🔸❇

03

Harvie's POV

'Wala naman siyang sakit ah. Bakit ba siya namumula?' tanong ko sa isip isip ko.

"O-okay lang ako s-sabi eh," nauutal niyang sabi. Bigla ulit  siyang tumalikod, I feel awkward.

"Gusto mong maglaro?" bigla niyang tanong habang nakatalikod parin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Tara na," tuloy niya at mabilis na tumakbo kaya sinundan ko na lang siya.

Napunta kami sa game section ng mall. Nangunot na naman ang noo ko. Aren't games for kids? Bumuntot lang ako sa kanya hanggang sa pumunta kami sa isang area na may mga bola. May hinulog siya sa ibabaw noon.

[a/n: Ang tinutukoy niya ay 'yung basketball sa arcade game.]

"Game!" bigla niyang sabi.

"Ha?" kunot noong tanong ko.

"Game, mag-shoot na tayo ng bola. Paramihan," sagot niya habang nag-sushoot ng bola, ginaya ko na lang siya.

I never thought this would be fun. It was my first time playing with this kind of game. Naglalaro ako ng basketball pero I feel happier playing this kind of game especially with her. Naglaro pa kami ng iba pang laro, basta yung may pinapalo pag lalabas yung parang mouse, sunod naman ay yung may inaapakan. Ang dami naming nilaro as in ang saya! This is the best day ever!

"Hala, 2:30 pm na pala. Ambilis ng oras," bigla niyang sabi. Tinignan ko rin ang orasan ko, tama siya 2:30 pm na, ambilis nga ng oras.

"Pasensya na pero kailan ko ng umuwi. Tara ipalit na natin 'tong naipon nating tickets," sabi niya.

"Tickets?" takang tanong ko.

"Oo kaya tara na," hila niya sakin. Kaya pala pagkatapos ng game namin kinukuha niya yung papel na lumalabas kasi pwedeng ipalit.

"Anong gusto mong premyo?" tanong niya sakin.

"Teddy bear," sagot ko sabay turo sa malaking teddy bear na nakadisplay.

"Para sa'yo?" tanong niya.

"Nope, for you," nakangiting sagot ko. Marami nakong napanood na ganitong eksena na dahil sa tuwa ng babae ay yayakap siya at baka pa halikan ang lalaki. So damn lucky!

"Ang dami ko nang teddy bear eh, kaya sawa na'ko sa teddy bear mas malaki pa nga diyan napanalunan ko eh," sabi niya na ikinadismaya ko. Sayang.

"Gusto mo key chain na lang," suhestiyon niya. Teddy bear ipapalit sa isang napakaliit na key chain? I don't understand it pero umoo na lang ako.

"Maganda ba?" tanong niya habang pinapakita ang dalawang key chain, umoo naman ako.

"Sa'yo 'tong isa, sakin naman yung isa," nakangiti niyang sabi.

"Wow naman! Ang cute naman po ng pinili niyo pang couple tulad niyo," nakangiting sabi ng nagbabantay.

"Ha?" sabay naming sabi.

"Sabi ko po ang cute niyo tignan," sabi ulit ng babaeng nagbabantay.

"Ah, salamat," nakangiti kong sabi. Alangan namang kontrahin kong katotohanan. Tumingin ako kay Andy para makita ang reaction niya at heto na naman, namumula na naman siya.

SCRIPTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon