📝 SCRIPTED 📝
❇🔸❇
06
❇
Harvie's POV
Everything seems to break down. I've hurt her deep enough that I can't even look at her directly.
"Alam ba ni Mikay 'to!?" pang-uulit niyang tanong.
"Oo" honest kong sagot habang nakayuko.
"Andy, I'm so-" paumanhin ko nang biglang may kumalapkap sa likuran ko kaya liningon ko. Laking gulat ko nang makita ko si Michael.
"Pasensya na at naistorbo ko pa kayo. Maganda ba ang palabas na ginawa ko?" pasimple niyang sabi bago naupo sa isang silya.
Gusto ko siyang upakan pero pinigilan kong sarili ko.
"Ano ba talagang gusto mo?" tanong ko habang pinipilit kalmahin ang sarili ko.
"Well, gusto ko lang namang manood ng drama," mapaklang sagot niya.
So, this was why you insisted to record that video. This was why you suddenly changed. I should've known. Michael you've really done it.
"Poor Andy kung sana-".
"Sana ano?! Hindi ko alam kung anong kasalanan ko pero ang alam ko isa kang hayop, mga hayop kayo! Isa naman akong tanga, ang tanga tanga ko," umiiyak habang dinuduro ni Andy ang sarili niya.
Lumapit naman ako para yakapin siya pero tinulak niya ako. Lumapit siya kay Michael at lumuhod.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?" umiiyak pero malumanay niyang tanong kay Michael. Bigla namang nanikip ang diddib ko.
"Ba't di mo tanungin sa pinakamamahal mong si Harvie?" sagot niya habang nakatingin sakin.
"Si Harvie ba ang dahilan kaya sinasaktan mo ako ng ganito? Hahaha! Masaya ka na ba, Mikay? Dahil nagawa mo na nga ang balak mo. Hindi ko man maintindihan kung bakit nagawa ni Harvie ang bagay na iyon pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon para saktan ninyo ako ng ganito!" hikbing sabat ni Andy habang nakaluhod pa rin kay Michael.
"Eh, ano naman kung nasaktan ka?" seryosong sagot ni Michael.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinila ko si Andy palayo sa kanya at binigyan ko siya ng isang malakas na suntok dahilan para mahulog siya sa kinauupuan niya.
"Hahahahaha...." tawa niya habang hinihingal.
Tatayo pa sana siya pero sinuntok ko ulit. Nang matumba siya sa sahig ay agad ko siyang dinambahan ng suntok at paulit-ulit kong pinagsusuntok si Michael hanggang sa pigilan na ako ni Andy.
"Tama na! Tama na Harvie..." hinihingal niyang sigaw.
"Bakit kailangang umabot pa sa ganito ang lahat? Bakit?" umiiyak na naman niyang tanong. Lupaypay kong binitawan si Michael.
"Hahahahaha...Ganoon talaga Andy kaya kung ako sa'yo hiwalayan mo na si Harvie. Bumalik ka na kay Miguel dahil pinagla-," di na naituloy ni Michael ang sasabihin niya dahil sinuntok ko ulit siya.
BINABASA MO ANG
SCRIPTED
Romance[Completed] Have you ever felt like you're in the middle of something that you don't know what to do? Well if you have, then you can relate much to our main lead, Andy, who's stuck between two important people in her life. How will Andy face the tr...
