📝 SCRIPTED 📝
❇🔸❇
07
❇
Andy's POV
Gising na ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nagulat ako nang malaman kong boses ni Harvie ang naririnig ko. Balak ko sanang gumising kaso na-freeze ako sa hinihigaan ko. I knew I was at the hospital dahil sa amoy ng mga alcohol, at kung ano pang gamit sa ospital.
"Babe, gising na please. Patawarin mo ako sa ginawa ko. Mahal na mahal kita at ayokong nakikitang nasasaktan at nahihirapan ka. Nagawa ko lang ang bagay na iyon dahil hindi ko na kayang tingnan kang nagtitiis sa ganoong klaseng relasyon. Ayokong makitang niloloko ka because all I wanted was the best for you. I didn't mean to hurt you in any way. God knows how much I love you and waited for you all this time," rinig kong sambit ni Harvie.In all honesty, I have already forgiven Harvie. Kasi kung hindi dahil sa kanya baka nga hindi ko pa matutuklasan ang panloloko sakin ni Miguel. Kahit pa may dahilan kung bakit ako nagawang lokohin ni Miguel, hindi pa rin sapat iyon para paglaruan niya ang damdamin ko.
Naiintindihan ko kung bakit nagawa iyon ni Harvie. Iyon lang siguro ang tanging magagawa niya para mamulat ako sa katotohanan.
Hindi ko lang alam ay kung bakit nagkakaganito si Mikay. Kahit anong pilit ko na intindihin kung anong dahilan kung bakit biglaan na lamang siyang nagbago subalit wala kong mahanap na dahilan.
Hanggang sa dumating siya sa date namin ni Harvie. Doon ko napagdugtong dugtong ang mga pangyayari. I just wish bumalik na ang dating Mikay na kilala ko. Miss na miss ko na siya.
Ilang sandali pa ay naisipan kong idilat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ko si Harvie sa tabi ko at mahimbing na natutulog. Gusto ko siyang gisingin pero nang masdan ko siya ay halatang pagod na pagod na ito dahil sa mga dark circles na namumuo sa gilid ng mga mata niya.
Umayos ako nang upo at doon ko napansin ang sugatang kamay niya. Hinawakan ko ito at doon ko naalala kung paano niya pinambubugbog si Mikay. Nag-alala tuloy ako kung ayos lang ba siya.
Habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Harvie ay hinahaplos haplos ko ang buhok niya. Napapaisip tuloy ako kung paano siya nagtiis na hindi ako lapitan kung gayong matagal na pala niya akong mahal. Napangiti na lang ako nang wala sa oras habang inaalala ang mga oras at panahon na kami ay nagkasama.
Isa siyang napaka-caring na lalaki. Gagawin niya lahat mapasaya ka lang. Kahit naging ganoon na nahahati ang oras ko sa kanya ay hindi siya nagreklamo dahil sa sitwasyon namin nila Mikay. Napakamaunawain niya talaga. May mga flaws naman siya pero nakikita kong tanggap niya ang mga iyon at sinusubukan ang lahat ng makakaya niya to make it up for those flaws.
Ilang sandali pa ay naisipan kong lumabas para magpahangin kaya kahit masakit ang sugat ko ay ininda ko para makapunta sa rooftop. Nang makarating ako sa rooftop ng ospital ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Michael na nakaupo sa gilid ng building na ito.
'Magpapakamatay na naman ba siya?' tanong ng isip ko.
Hindi na ako nagdalawang isip at agad lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Bahagya siyang nagulat sa biglaan kong pagyakap.
BINABASA MO ANG
SCRIPTED
Любовные романы[Completed] Have you ever felt like you're in the middle of something that you don't know what to do? Well if you have, then you can relate much to our main lead, Andy, who's stuck between two important people in her life. How will Andy face the tr...