2.2

9 3 7
                                    

📝 SCRIPTED 📝

❇🔸❇

02

Andy's POV

"Gising na anak! Tanda tanda mo na hirap ka pa ring bumangon sa umaga," panggigising ni Mama sa akin. Nasa labas siya ng kwarto ko at kumakatok. Napilitan na akong bumangon.

"Oo na po," inaantok kong sagot. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo para maligo.

"Ma! Pupunta po pala ako sa mall," sigaw ko ng maalala ko na gagala pala kami ni Mikay ngayon. Saturday kaya enjoy enjoy naman.

"Hindi pwede! May lilipat ditong bagong boarder kaya kailangan malinisan mo na ang bakanteng kwarto!" sigaw ni Mama kaso ayoko.

Pinaparent kasi namin ng second floor ng aming bahay kaya masasabi mong isang boarding house ang bahay namin. Pero ayokong maglinis. Pasaway po ako kaya pagkatapos kong maligo at kumain ay maglalayas ako. Ako lang ata ang taong lumalayas at bumabalik 'pag hapon na.

Pagkatapos na pagkatapos kong kumain lumayas na nga ako, malinis  pa naman yung kwartong pinapalinis ni Mama kaya gora na'ko.

Nagsimula kaming magpaupa ng kwarto at 'yun na ang naging kabuhayan namin simula nung mamatay si Papa dahil sa sakit sa baga. Sumakay na'ko ng jeep papuntang mall.

"Usapan 9:00 tapos wala pa yung baklang 'yon," sambit ko habang ginagala ang paningin ko.

Tutal wala pa siya gumala gala muna ako. Isang oras na 'kong gumagala pero wala pa rin siya saka ko naalalang i-text kung nasaan na siya. Babalik na sana ako sa tagpuan namin ng mahagip ng paningin ko si Miguel. Nagtago ako habang pinapanood sila, oo sila ng ex niya. Nagkabalikan na naman sila. Gusto ko tuloy isigaw ang 'WALANG FOREVER, MAG-BEBREAK DIN KAYO!' Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa kanya at sinaktan niya 'ko ng ganon na lang. Hindi ko alam kung paano ba mag-move on dahil ramdam ko pa rin ang sakit. Biglang may tumakip sa mata ko. Naistatwa tuloy ako sa pinagtataguan ko.

"Alam mo na ngang nasasaktan ka pinipilit mo paring tignan," sabi ng taong tumakip sa mata ko. Nang tanggalin niya kamay niya na nakatakip sa mata ko, tumalikod ako para tignan kung sino siya. Nagulat ako dahil si Mr. Important lang pala.

▫ ▫ ▫ ▫ ▫

Harvie's POV

Nasasaktan ako habang nakikita siyang nalulungkot. Gusto ko tuloy tadtarin ng bala ang sarili ko. Kasalanan ko ang lahat kaya babawi ako. Hindi niya napansin ang paglapit ko sa kanya hanggang sa takpan ko ang mga mata niya.

"Alam mo na ngang nasasaktan ka pinipilit mo pa ring tignan," sabi ko habang nakatakip parin ang kanang kamay ko sa mga mata niya. Konting lapit ko na lang ay mayayakap ko na siya mula sa likuran. Tumalikod siya para tignan ako tapos ginala niya ang mata niya.

"Hindi pala makakarating si Michael kasi may aasikasuhin lang siyang importante kaya ako ang pinapunta niya," sabi ko sa kanya.

"Ganun ba?" malungkot niyang sabi.

"Ice cream, gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo ba!" mabilis niyang sagot habang nakangiti ng malapad. What a 180 degree personality change. Pumunta na kami sa isang ice cream shop.

"Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa menu.

"Ah eh, ah eh, ikaw na lang pumili kahit ano," nakasimangot niyang sagot.

SCRIPTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon