VII

421 4 0
                                    

He makes love.. That's his words that made me speechless. Ang tagal bago ko madigest 'yung sinabi niyang 'yun. Why did he hire me if he wanted to make love? And why would he challenge me if that's his way of fvcking?

"Tatawa na ba ko, Mr. Apollo? You make love, huh?" I asked while rolling my eyes.

"I'm serious. Sabi ko nga, you're the first whore I hired," he repeated.

"Is that a compliment? Should I thank you kasi ako pala ang unang pokpok na paparanasin mo ng make love chuchu mo, gan'on? Wow, nakakaflatter," I answered sarcastically.

He smiled a bit by that words. Nakakaloka 'tong lalaki na 'to. 'Di ko ma-take ang mga pinagsasasabi.

"Honestly, you should. Well, 'di naman sa niyayabangan kita but siguro naman mas angat ako sa mga naghire sa'yo. I must say na ako ang hinahabol ng mga babae. Pero sad to say, pihikan ako. I don't make love with just any woman. I always pick the best," he explained.

"So you think I am the best? And that's the reason why you hired and challenged me? Sa totoo lang, nakakachallenge ka nga talaga. But to think that I would be your sex slave in anyti----"

"Sex slave? What? Is that what you think all along? You will be my sex slave?" he interrupted.

Sa itsura niya, mukha siyang gulat at nainsulto. Di ko ma-explain pero parang na-guilty naman ako dahil gan'on nga ang iniisip ko sa kanya. Sa totoo lang, iba siya sa mga kliyente ko. Feeling ko, safe ako sa kanya. Although he paid for my body, 'di ko maramdaman na bababuyin niya lang ako. Pero 'di ko gusto 'yung plano niya, para kasing gusto niyang ibreak ko yung own rule ko. And honestly, ayoko talaga ng attachments. Kaya gusto ko one-time agreement lang.

"Yes. Ano pa nga ba? E 'diba gusto mo paulit-ulit mo kong gagamitin hanggang sa gusto mo if ever na matalo ako sa'yo? Edi 'yun nga 'yon, you want me to be your sex slave," sabi ko naman.

He laughed hard. 'Yung para bang nagjo-joke ako. Pero seryoso naman sinabi ko. Ano ba nakakatawa? I sipped a little in my wine glass. Nakakabanas na 'tong si Rogales. Kanina pa tawa ng tawa sa'kin eh.

"Ano bang nakakatawa? Kanina ka pa tawa ng tawa. Sa tingin mo nakakatawa 'tong usapan natin?" tanong ko na may halong pagkairita na.

Tumigil siya ng pagtawa at uminom rin sa wine niya.

"Sorry kung naoffend kita sa pagtawa ko. Pero kasi nakakatawa ka talaga. 'Di lang pala beauty, body and performance ang meron ka, may sense of humor ka rin pala. Mas lalo tuloy akong nagiging interesado sa'yo," he confessed.

Interesado? Pinagsasasabi na ba nito?

"Interesado talaga, huh? Haha. O come on. Anyway, I don't like the deal. Palitan mo ang pusta mo. Anything 'wag lang 'yang pagiging parausan mo," sabi ko na naman.

Linagok ko ang natitirang wine sa baso ko after kong sabihin 'yon. 'Di ko tinignan ang mukha niya kung ano ba reaksyon niya sa sinabi ko. E ayoko n'on, ayoko maging parausan niya. Nang napansin kong 'di siya nagsalita ay tinignan ko na siya. And I saw him staring at me intensely. Nakakakilabot ang tingin niya. Natakot ako bigla. Pero 'di pwede, 'di ko pwedeng hayaang ma-intimidate ako sa kanya. Labanan mo siya Jewels, kahilangan mong ipakita na hindi ka affected sa mga pagtingin-tingin niya ng ganyan. I thought.

"What? Why are you staring at me like that?" I asked as my one brow risen.

Mukhang 'di ko siya natakot sa pagtaas ng kilay ko. Nakatingin pa rin sya sa akin na para bang disappointed siya at nainsulto sa mga sinabi ko.

"Sex slave, parausan. Ganyan ka ba talaga? Ganyan ba talaga tingin mo sa akin? O ganyan ka talaga ka-rude?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin.

I looked at him intently. Yes, I saw pain in his eyes. Nasaktan nga yata siya sa mga sinabi ko. Gan'on nga ba talaga tingin ko sa kanya? O sadyang gan'on na nga talaga ako katigas? Actually, hindi ko alam. Ayoko na kasing magtiwala. Ayoko na maniwala na may rerespeto pa sa tulad ko. Kaya ako na mismo ang bumababoy at nang-iinsulto sa sarili ko para hindi na masyadong masaket kapag narinig ko sa iba.

"E ano bang tamang description sa gusto mo? Lover? Seryoso ka d'un? Sige nga, sabihin mo sa akin kung paano magiging lover 'yon? E root word pa lang, hindi na tugma. How can I be your lover if we don't love each other? How can we make love if there isn't love at all? Sige nga, enlighten me, Mr. Rogales, kasi hindi ko talaga magets 'yang pinupush mong lover lover at make love na 'yan," pagsagot ko naman sa mga salita niya sa akin kanina.

Natahimik siya bigla. 'Kita mo na? Paaandaran mo pa ako e alam ko namang binobola mo lang ako. I thought to myself. Maya-maya ay kinuha niya ang bote ng wine at sinalinan niya ang wine glass ko at pati na rin ang sa kanya. Tumungga siya ng kaunti sabay balik ulit ng tingin sa akin.

"I get what you mean. That's why we're talking about this right now, Miss Evangelista. The lover matter is serious. Alam ko ibig-sabihin n'on. Kaya nga 'yun ang gusto kong mangyari. If you win in our deal, you'll get what prize that you want from me. But if I win, I will have you. Not a sex slave, not my whore, not my bedtime woman, but a lover. You'll be mine, only mine. Just mine," he said as he leaned closer to me and kissed me passionately.

Goddess of BitchesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon