Chapter 1 Asteria Haven Greyson

184 15 0
                                    

Asteria's POV

"Kuya, sa tingin mo ano ang magiging ability ko?" tanong ko kay kuya Yuan.

"Malalaman natin bukas, Haven," sagot ni kuya habang nakangiti sabay gulo ng buhok ko.

"Kuya naman!" saway ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako.

"Happy Birthday Haven!" bati sa akin ni mommy at daddy.

"Thank you, mom, dad!" sabi ko sabay yakap.

"Tara na! it's your big day, naghintay na ang mga kuya mo sa baba," nakangiting sabi ni mom.

_

"She's not a gifted," sabi ng chronicler.

Sa oras na sinabi niya iyon ay parang huminto na ang mundo ko sa pagtakbo.

_

"Kuya sandali!" sigaw ko habang humahabol ako kay kuya Felix.

"'Wag na 'wag mo akong tatawaging kuya, naiintindihan mo ba?" madiin niyang sabi. Habang sinasabi ang mga katagang iyon ay walang emosyon siyang nakatingin sa akin.

"P-pero-" naputol ang sasabihin ko nang sumigaw siya.

"HINDI KITA KAPATID! Naiintindihan mo ba?! Wala akong kapatid na katulad mo!" bulyaw niya, at doon tumalikod na siya mula sa akin at nagsimulang maglakad paalis habang ang luha ko naman ay nagsimula na ring tumulo.

_

"I don't want her to be a Greyson! She's a disgrace in this family!" rinig kong sigaw ni dad na kausap si mommy, mukhang nag-aaway sila.

"Siguro aalis na lang ako kaysa naman ganito ang nangyayari," bulong ko sa sarili ko.

And that night, I ran away from home...

(Present Day)

"Asteria, lumabas ka na riyan!" narinig kong sigaw ni Yumi mula sa labas ng apartment ko.

"Ang ingay mo, ang aga aga, 'di ka na nahiya sa mga katabi kong apartment," sabi ko pagbukas ko ng pinto.

"Ano ka ba naman, Asteria? Kilala na ako ng mga kapit-bahay mo, like duh?! They adore me kaya!" sabi niya sa akin habang nagpapaypay.

"Malamang kilala ka nila, anak ka kaya ng may ari ng buong building na :'to!" sabi ko sabay irap ko sa kanya.

"At lease they still adore me," sagot niya pa.

"Wala lang silang choice," pang-iinis ko.

"Ang bad mo talaga, Asteria!" reklamo niya. Hinayaan ko na lang siya at pumunta na sa banyo.

Meet Ayumi Cortez, my one and only bestfriend. Siya ang tumulong sa akin noong umalis ako sa amin. Sa paglalakad ko noon ay hindi ko na alam ang nilalakaran ko, at sa kabutihang palad, napunta ako sa harap ng isa sa mga property ng mga Cortez at nakita niya ako roon. Sinabi ko sa kanya kung anong nangyari sa akin at bigla niya na lang akong hinila papasok sa loob ng building kung saan niya ako nakita, at doon pinakilala niya ako kay tito Hernando, ang tatay niya, napag-isipan niyang kupkupin ako at binigyan niya pa ako ng apartment! Kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanila. Mga gifted din sila, si Ayumi ay may ability na illusion at si tito naman ay may ability na projection. Ang mommy naman niya ay namatay noong ipinanganak siya.

"Kunin mo na nga 'yong bag mo. Doon na lang tayo sa cafe ko mag-breakfast," sabi niya sa akin. Kinuha ko naman ang bag ko dahil nagugutom na rin ako.

Lumabas kami ng apartment ko at sumakay sa elevator, habang palabas kami ay may mga nakasalubong kaming mga empleyado rito sa building na binabati si Yumi.

Gifted Potectors :Class 1-X (Temporarily on Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon