Chapter 10 Sudden Attack Pt. 2

79 11 3
                                    


Asteria's POV

Pinauna ko na muna sila Zaki doon kung saan nag mula yung pagsabog at binalikan ko sila Wren at Harvey para i-inform sila tungkol sa nangyayari.

Nang makita ko sila kasama na nila zi Elrys na mukhang kararating lang, agad ko silang tinawag
"Wren, Elrys, Harvey! Dito!" Agad naman nila akong napansin at pinuntahan ako.

"Ayon sa nakita ko ang pinakaligtas na lugar ngayon sa buong mall ay ang supermarket area, dahil naka sara lahat ng entrance at exit, maski mga daanan ng employees sa mall ay sarado din," pagpapaliwanag ni Elrys.

"Harvey, kaya mo bang hanapin ang mga kaklase natin mag isa? Lalo na si Uziel, sa pagkakaalam ko ang ability ni Uziel ay pag gawa ng portal kaya malaki ang matutulong niya sa pagpapalabas ng mga tao sa mall. Tapos sabihin mo sa kanila kung anong nangyayari, then pumunta ka sa supermarket area ng mall, Wren ikaw naman scan every store para makita kung may mga na trap ba dalhin mo sila sa supermarket area din, sa ngayon ang area na 'yon ang pinaka safe dahil malayo ito sa center ng mall,"mahabang sabi ko sa kanila Harvey at Wren. Agad-agad naman silang kumilos at sinunod ang sinabi ko. Nag shapeshift si Harvey bilang isang ibon(sparrow), si Wren naman ay tumakbo papunta sa mga store na malapit sa gulo.

Tinignan ko ang phone ko para makita kung may signal ba, pero walang signal!

"Elrys, may signal ba ang cellphone mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala, parang may humaharang sa signal ng phone ko!" sabi niya

"Kaya mo bang lumipad papunta sa pinakamataas na bahagi ng mall? Then pag nakahanap ka ng signal, call anyone. Kung may number ka ng isang protector call them, kailangan natin ng tulong ngayon," kalmado kong sabi. Dahil kung mag papanic ako magiging aligaga rin si Elrys at mahihirapan siyang mag focus.

"Sige ako nang bahala!" agad siyang lumipad pataas at ako naman ay bumaba papunta sa market area, sinigurado ko na stable ang lupa sa ilalim at pinatibay ko ang mga nasa paligid na gawa sa bakal gamit ang ability ko. Ginawa ko 'to para masigurado na ligtas talaga ang paligid ng gagawin naming safe zone.

"Asteria! Nasabi na sa akin ni Harvey ang nangyayari, natawagan nyo na ba sila sir?" tanong ni Ion, kasama nya si Uziel at Leiah.

"Si Evie ay nasa second floor pa, nagpaiwan siya dahil gusto niya daw na mag spy mula sa itaas, panigirado naman na ligtas sya dahil sa ability niya, hindi siya makikita nang kung sino man," sabi ni Leiah.

"Leiah, kaya mo bang gamitan ng ability mo ang isang hoodlum kahit sa malayo?" tanong ko.

"Hindi ko sigurado pero susubukan ko. Ang mga posibleng maaari ko lamang makita ay ang susunod na tatlong minuto ng buhay nila o gagawin nila," kalmadong sabi ni Leiah.

"Ayos na 'yon, malaking tulong iyon!" sabi ko.

"Nais kong tumulong sa labas ng mga tao dito sa mall, ang abilidad ko ay kayang gawin iyon," saad ni Uziel, tama! Ngayon ko lang naalala ang ability niya pala ay portal. Pwede siyang gumawa ng portal palabas ng mall!

"Sa exit nito may malawak na space pwede kang gumawa ng portal doon!" sabi ni Ion " ako nalang ang bantay dito sa entrance, kung sakaling may hoodlum na lumapit at pumigil kay Uziel sa paggawa ng labasan.

"Nandito na ako, kumuha rin ako ng ibedensya na may mukha ng mga hoodlum, para kung sakali ay ma trace sila," biglang sulpot ni Evie. Mabuti nalang at matatalino ang mga kaklase ko! Dahil sa sinabi niya maaaring mas mapabilis ang operasyon sa kasong ito.

"Good timing Evie, tulungan mo si Uziel!" sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya

"Ako nalang ang aalalay kay Uziel!" sabi niya, tumango naman ako

"Kayo na ang bahala sa mga i rerescue namin!" Sigaw ko at tumakbo na, nakita ko pang naghanda na si Ion at ginawang parang malaking bato ang mga kamay niya. Iyon pala ang ability niya.

Pumunta ako sa source ng kaguluhan at nakita ko doon sila Luca, Zaki, Asher at iba ko pang mga kakalase. Mukhang nakakaya naman nila ang mga hoodlums dahil mukhang mga nasa level 1-2 lamang ang mga lakas nila, subalit masyado silang madami at iilan lang kaming may ability na kayang gamitin sa paglaban agad-agad. Kaya kailangan naming magtulungan at ibigay ang lahat ng makakaya namin para makaligtas dito. Mabuti nalang at may naka toka na upang matulungan makalabas ang mga civilian na narito sa mall. Kailangan nalang naming mag hintay sa reinforcement na sana'y natawagan ni Elrys.

May sumugod sa aking hoodlum at agad ko itong hinarang gamit ang aking braso, nangangailangan ako ng lupa bago ko magamit ang land manipulation ko at wala rin akong makitang mga bakal para magamit ang Iron Manifestation ko. Kaya nakasalalay ako ngayon sa physical strength ko.

Ginamitan niya ako ng mga torn nya sa kamay, mukhang ito ang ability niya, spike hands. Depende sa kanyang lakas ang pag gana ng ability niya. Hindi ako dapat mabahala dahil hindi siya gano'n ka pwersa.

Agad ko siyang napatumba nang matamaan ko ang weak spot niya, sa kanyang leeg.

Matapos ay humanap ako ng plant box para sana magkaroon ng direct contact sa lupa upang magamit ko ng maayos. Nakakita ako sa harap ng isang make-up store, kaya mabilis akong tumakbo doon at humawak sa lupa nito. Gumalaw ang lupa at agad ko itong pinarami at pinalaki. At inihulog ko sa mga hoodlum na papalapit sa akin ng may malakas na pwersa, may nakita akong bakal sa mga pinto ng mga store kaya naman ginamit ko 'yon para ipalupot sa kamay at paa ng mga hoodlums para masigurado ko na di sila makakatakas.

   
"Kayong mga bata kayo, wag na kayong lumaban sa amin! Wala din kayong mapapala, masasaktan at matatalo lang din namin kayo!" sigaw ng isa sa kanila.

"Kaya kuha ko sa inyo sumuko-" hindi niya natuloy ang sasabihin niya nang sipain siya sa batok ni Asher.

"Tsk! Puro dada lang naman pala," ani niya

"Wala pa lang mapapala ha?! Heto sa inyo!" Nakita kong sumugod si Luca sa dalawang hoodlum at kahit hindi niya ito ginamitan ng ability ang mga ito ay agad niya silang napatumba.

"Hey! Little missy let's play!" Naka ngising sabi ng isang hoodlum sa akin sabay niyang dinilaan ang labi niya, mukha siyang hindi taga dito, kaya siguro english ang pananalita niya. Makikita mo sa kanya na isa siya perverted na tao, isang creep!

"Nang siya'y makalapit sa akin, sinubukan niya akong hawakan pero agad ko siyang nasuntok sa ilong kaya napahawak siya rito.

"Now, now, that's not how a lady should act," naka ngisi pa rin siya habang binabangit niya ito.

"Well sorry to burst your bubble I'm not a lady like!" Sabi ko dito ata agad siya sinipa sa kanyang pinakaiingitingatan na parte. Nang mapayuko siya ay kinuha ko ang pag kakataon na gamitin ang tuhod ko sa ulo siya.

"Malanding, creep! Wala naman palang ibubuga, hmp!" Tinilikudan ko na siya nang makita kong wala na siyang malay.

Nakita kong iilan nalang ang natitirang hoodlums, at mukhang wala ring taong nadamay, kailangan nalang naming mag hintay ng mga pulis o mga protectors.

"ASTERIA!" narinig kong may tumawag sa akin. Tumingin ako sa taas nakita ko si Elrys habang hawak ang cellphone niya.

"Padating na sila! Natawagan ko na sila sir at tinawagan niya na ang mga pulis at papunta na sila dito!" Ani niya

"Mabuti naman! Ilang hoodlum nalang ang natitira at siguradong bagsak na lahat pag dating nila kaya mahuhuli nila agad ang mga ito!" sagot ko "mabuti pang pumunta ka muna kila Harvey at hintayin sila sir doon," tumango naman siya at tumungo na doon.

"Ha! Peste ka tapang-tapang mo kanina tumba ka rin pala!" rinig kong sigaw ni Isaac nang mapatumba niya na ang huling hoodlum.

"Mabuti naman at natapos na...hayyyy," sabi ko at naupo.




Ice_Charm 🦋

____________________________________________________________

Pasensya na kung matagal ako mag update, naging busy lang sa school works (specifically sa defense namin na kailangan kong paghandaan this past months) .

Hindi ko alam kung kailan uli ako mag uupdate pero Thankyou for waiting!

Susubukan kong mag update sa oras na free ako, thankyouu

-Ice_Charm 🦋


Gifted Potectors :Class 1-X (Temporarily on Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon