Asteria's POV
"WAHHHH" sigaw namin nila Elrys at Wren kasama si Harvey.
"Goodmorning sir Villa!" magalang na bati ni Zaki kay sir? Teka si sir? Ay hala!
"Pa-pasenya na sir!" sabay naming sabi nila Elrys at Wren si Harvey naman ay nakayuko lang, nahiya yata.
"That's all right, pumasok na kayo sa loob para naman makapagsimula tayo agad," sabi ni sir kaya dali-dali kaming pumasok sa loob ng room, halos lahat pala nandito na. Humanap kami ng bakanteng upuan at umupo na din. Ang upuan ko ay nasa 3rd row, 2nd column ang katabi ko ay si Wren at si Harvey, si Elrys at si Zaki naman ay nasa 1st column.
"Goodmorning, I'm Timothy Villa, your adviser," pagpapakilala niya sabay higop sa dala niyang kape.
"Please to meet you sir. Villa!" sabay-sabay naming bati pabalik kay sir habang nakatayo. May kumatok naman sa pinto kaya napatingin kaming lahat sa kanila
"Goodmorning sir, pasensya na po at late," nangangamot batok na sabi ni Isaac kasama niya si Nixon.
"Get inside at maupo na kayo kung saan man ang vacant." sabi ni sir kaya naman agad silang pumunta sa mga vacant seat sa likod namin.
"In my list you're 17 in total, correct?" tanong niya.
"Yes sir!" sagot agad ni Zaki, napatango-tango naman si sir at humigop muli siya ng kanyang kape.
"Very well, let's do a roll call," sabi ni sir.
"I'll start with the girls."
"Alcantara!"
"Here," sagot ni Leiah.
Fuentavela!"
"Present!" sabi ni Elrys.
"Greyson!"
"Present, sir!" sagot ko nang tinawag ako, sumunod naman sa akin si Wren at sunod si Evie. Dahil lima lang kaming babae ay mabilis na natapos ang pagtatawag sa amin.
Sunod niya namang tinawag ang boys, simula kay Asher hanggang kay Harvey.
"We'll asign your seat plan today," sabi ni sir pagtapos niyang magtawag.
"Everyone stand up and go at the back." agad naman kaming sumunod at nagtungo sa likod.
"Your seats will be determined by the numbers here," sabi niya at pinakita ang isang box na maliit.
"Kumuha kayo ng isang papel kada tao," sabi ni sir. Pinagpasahan namin ang box at kumuha ng tag isang papel.
Ang nakalagay sa nabunot kong papel ay seat#12.
"If everyone already got your seat number please proceed on your respective seat," sabi ni sir sabay ulit uminom ng kanyang kape.
Agad akong umupo sa seat 12 at napansin kong katabi ko ay si Harvey at Asher, isang maingay at isang walang kibo ang nakatabi ko!
"All done?" tanong ni sir.
"Yes sir!" sabay-sabay naming sabi, napansin ko lang, hindi man lang nagsalita si Asher kanina.
"Well then let's start our training!" agad niyang sabi. Ano daw? Training? Agad-agad?
"Ang mga P.E. uniform niyo ay nasa locker rooms, room 606-607, dalawang room kasunod nito, ang 606 ay para sa mga babae at ang 607 ay para sa mga lalaki." sabi niya.
"Ano pang hinihintay niyo pasko? Go to the locker room!" agad-agad kaming tumayo at lumabas para pumunta sa locker room at makapagbihis na.
"Ang bilis ng flow natin, training agad tayo!" excited na sabi ni Wren.
BINABASA MO ANG
Gifted Potectors :Class 1-X (Temporarily on Hiatus)
FantasySa society ng mga tao ngayon ay may roong iilang bagay na hindi maipaliwanag, tulad ng paglabas ng mga Gifted. Ang mga Gifted ay ang mga taong may kakaibang hindi pangkaraniwang kakayahan. Hindi alam kung paano nagkaroon nito dahil isang araw mataga...