Asteria's POV
Ngayong araw ang official first day namin as a training protector. Excited ako pero kinakabahan din ako, na kilala din namin kahapon ang adviser namin na si sir. Timothy Villa, isa siyang protector, not only a protector pero isa siya sa mga top protector sa bansa! Ang cool diba?!
"Handa ka na ba Asteria? Excited na ako! Official first day natin ngayon!" patalon-talon na sabi ni Wren.
"Medyo kinakabahan ako pero excited din ako," kalmado kong sabi.
"Sana mabait ang mga subject teachers natin, lalo na ang teacher sa mga major subjects!" sana nga, lalo na sa subject na 'Science Enrichment', medyo mahirap pa naman ang subject na iyon!
"Sa pagkakaalam ko ay mga top teachers sa syudad ang magtuturo sa atin, tapos ang mga major subject naman natin na tungkol sa pagiging protector ay mga totoong protector ang mag tuturo!" masayang bangit niya, kung gano'n ay masasabi ko na talagang ang K.U. ang pinakamaganda with high-quality services pagdating sa pagtuturo sa pilipinas. Oo may ibang Gifted School's pero ang K.U. ang naunang itinayo sa bansa.
"Bumaba na kayo! Kakain na tayo!" rinig kong sigaw ni Zaven.
"Tara na, nagugutom na din ako," sabi ko kay wren, tinanguan niya naman ako kaya bumaba na kami.
"Hoy bata! Mag hintay ka nga wala pa yung iba!" rinig kong sermon ni Luca kay Harvey.
"Kuya, nagugutom na ako!" maktol niya naman.
"Ang aga-aga ang gulo niyong dalawa!" sermon sa kanila ni Elrys.
"Goodmorning!" bati ko sa knila
"Anong ganap?"singit ni Wren, napatingin naman sila sa amin.
"Ate Wren! Ate Asteria!" tawag ni Harvey sabay takbo sa amin at niyakap kaming dalawa.
"Hoy isip bata! Bumalik ka nga dito, para sabihin ko sayo 14 ka na, hindi 10!" sigaw ni Luca.
"Mga ate inaaway nanaman ako ni kuya Luca!" sumbong niya sa amin. Napatawa naman ako sa kanya at sa reaksyon ni Luca na halos di na maintindihan.
"Nakakaloko naman kayo ang aga niyong nag aaway," natatawa kong sabi sa kanila.
"Kumain na tayo, nagugutom na ako!" reklamo ni Zaven.
"Nasaan na pala yung iba?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa dining area.
"Ahhh, si Zaki kinausap ni sir, si Jett at Isaac naman lumbas, nag jogging ata? Tapos sila Evie naman lumbas din may tinawagan siya, then sila at yung iba nasa kwarto pa nila," paliwanag ni Zaven
"Sabi ni Zaki mauna na daw tayong kumain, nagugutom na din ako kahihintay kaya kumain na tayo!" dagdag niya pa.Nakarating kaming anim sa dining area at naabutan namin doon si Xeno na abala sa pagaayos ng mga plato at kubyertos sa lamesa.
"Goodmorning, Xeno!" bati ni wren sa kanya .
"Morning," kalmado niyang bati pabalik.
"Anong almusal natin?" tanong ni Harvey.
"Bacon, egg, fried rice and sausages," sagot ni Xeno, nanakam naman ako sa sinabi niya.
"Magandang umaga sa inyong lahat!" biglang sigaw ni Uziel sa likod namin.
"Uziel naman, wag kang mangulat!" sabi ni Zaven.
"Goodmorning." parang walang ganang sabi naman ni leiah mula sa likod ni Uziel. Ang creepy niya talaga!
"Pasenya na kung kayo'y aking nagulat," panghihinging paumanhin ni Uziel.
BINABASA MO ANG
Gifted Potectors :Class 1-X (Temporarily on Hiatus)
FantasySa society ng mga tao ngayon ay may roong iilang bagay na hindi maipaliwanag, tulad ng paglabas ng mga Gifted. Ang mga Gifted ay ang mga taong may kakaibang hindi pangkaraniwang kakayahan. Hindi alam kung paano nagkaroon nito dahil isang araw mataga...