Chapter 9 Sudden Attack Pt. 1

119 13 1
                                    

Asteria's POV

Mabilis na lumipas ang isang lingo, sabado ngayon at walang masyadong gagawin, naisipan namin nila Wren na pumunta sa volleyball court ngayon para maglaro ng volleyball, obviously. Kasama namin sila Elrys, Isaac, Zaki, Xeno, Harvey, Zaven at Tyker. No'ng una ay nagulat ako na sumama si Xeno ay Tyker, pero ang sabi ni Tyker ay mag r-referee lang siya sa laro namin, gano'n din si Xeno si Harvey naman ay manonood lang dahil takot daw siya sa bola.

Nakarating kami at nagkampihan, naisipannaming maglaro ng 3v3. Ang naging kakampi ko ay sina Isaac at Zaven at si Wren, Zaki at Elrys naman ang kalaban nong grupo.

"Sandali! Kulang tayo ng isang referee na hahawak ng flag," sabi ni Zaven.

"Ayan si Harvey! Xeno turuan mo nalang siya kung paano gamitin ang flag at mga rules sa court,"

Nang matapos iexplain ni Xeno kay Harvey ang mga  basic rules ay agad na kaming nagsimula. Nasa receiving side kami at ang ma seserve ay si Elrys.

Natapos ang 3 sets game namin sa score na 10-15, nanalo kami nila Isaac. Sa unang set ay nanalo sila Elrys at sa mga sumunod ay kami na ang nanalo.

"Namiss ko tuloy mag laro sa mga 'Tournament'. Ang saya no'n na may kaunting kaba!" sabi ni Isaac habang nakatingin sa court.

"Sandali......player ka talaga ng volleyball!?" gulat na tanong ni Wren.

"Ah, Oo, hehe," sagot niya, kaya pala ang galing niya mag serve and sa mga techniques!

"Ang cool, turuan mo ako, kuya!" kumikinang na mata na sabi ni Harvey.

"Sige ba, pag may free time tayo, tuturuan kita," nakangiting sabi ni Isaac.

"Tara kain tayo sa labas, pwede namag lumabas ngayon diba?" tanong ni Elrys.

"Pwede tayong lumabas ngayon, pero mag paalam pa din tayo para sigurado," sabi naman ni Zaki.

Matapos naming mag paalam kay sir ay dumiretso na kami sa dorm para makapag handa.

"Guys! gusto niyo bang sumama, lalabas kami ngayon," aya ni Wren sa kanila

"Sama ako! Kailangan kong mamili ng ilang gamit ko para sa study table ko! Leiah, sumama ka na din!" sabi ni Evie at hinila ni Leiah kahit hindi pa nakakasagot papunta sa taas.

"Sabay na din kami Ion, sakto may bibilhin kaming bagong game," sabi ni Nixon na nakabihis na, di ko man lang napansin!

"Isasama ko nalang ng sapilitan si Asher para naman sumaya kahit papaano ang buhay niya!" natawa ako sa sinabi ni Isaac, napaka seryoso kasi sa buhay ni Asher, nagulat nga ako na napipilit ni Isaac na makihalubilo minsan sa amin si Asher, e.

"Ikaw Luca sasama ka ba?"tanong ni Elrys kay Luca.

"May choice ba ako ha? kita mo nang bago tayo umalis sa compound grabe yung pagbabanta sa akin ni mama para lang bantayan yung asungot!" si Harvey ang tinutukoy niyang asungot. Iba-iba nga ang tawag ni Luca kay Harvey e, nasanay nalang kami sa pagbibiruan nila.

"Tinatanong lang Highblood agad!" ani ni Elrys sabay ikot ng mata.

"Bago pa mag ka gera mag ayos na kayo para maka alis na tayo at maagang maka uwi," sermon ko at umakyat na akong papuntang kwarto ko.

------

Nakarating kami sa mall, nagkagulo muna bago kami maka alis ng dorm. Una sa pamimilit ni Isaac kay Asher, kailangan pa talagang gumamit ng ability para lang mahila palabas ng dorm si Asher! Sunod naman ang magpinsa na sila Luca at Harvey. Pinaiyak muna ni Luca si Harvey bago kami umalis, ayon nag tampo ang bata! Ang iba naman ay di pa inaawat, tinatawanan lang nila, kasama na doon si Ion ang sarap niyang ibalibag!

Gifted Potectors :Class 1-X (Temporarily on Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon