Chapter 2 Results

102 16 3
                                    

Asteria's POV

Nagising ako nang napaka aga ngayong araw sa kadahilanang ngayon ilalabas ang resulta mula sa entrance exam ng K U.

"Tara na, Aster! excited na akong malaman 'yong result!" Ito namang kasama ko mas excited pa kaysa sa akin.

Nakarating kami sa KU at madami ng tao kahit 8 A.M pa lang.

Pumunta kami sa building kung saan ako nag-test kahapon dahil doon daw namin makikita ang resulta.

May nakita akong malaking mga papel na nakadikit sa pader kung saan ako nag-test kahapon. Ang bilis ilabas ng resulta, kung sa ibang school o sa mga normal school, umaabot nang isang linggo o higit pa, pero sa K.U. isang araw lang may result na! siguro may system na ginawa ang mga support tech na gadget para rito.

Sa dami ng tao sa tapat ay hindi ako makasingit kaya hinihintay ko na mabawasan sila, si Yumi naman ay nasa ground floor at kausap ang mga kaklase niya, kaya sabi niya na mauna na ako rito, pumayag naman ako. 

Nang makalapit ako sa result paper ay agad kong hinanap ang pangalan ko.

Hmmm… Greyson…

Greyson…

Greyson…

Greyson, Asteria Haven N.

Nang makita ko ang pangalan ko ay tiningnan ko agad ang remarks para sa written exam .

92% out of 100! Pass!

Nang makita ko ang una ay nawala ng kaonti ang kaba ko, tiningnan ko naman ang sa Actual performance.

76% out of 100%! Pass!

Paano nangyari 'yon? e, naka fifty five points lang ako sa actual performance? o baka may ibang rubrics o criteria pa para sa test na iyon at hindi lang siya tungkol sa combat?

So, that means...

Oh my God! I passed !

Tiningnan ko naman ang rankings ko overall.

I am 9th in overall rankings sa buong first year!

Tiningnan ko ang section ko sa mga level ng first year.

CLASS 1-X, Hmm… cool, I guess. Hindi ko na tiningnan kung ilan kami o kung sino ang mga magiging kaklase ko dahil malalaman ko rin naman sa paglipat ko at isa pa hindi ko rin naman sila kilala kahit pa tingnan ko ang pangalan nila.

Bumaba na ako para hanapin si Yumi pero nakasalubong ko siya habang pababa ako at paakyat naman siya sa building.

"Oh anong resulta? pasado ka ba?" tanong ni Yumi sa akin habang nakahawak sa balikat ko.

Gifted Potectors :Class 1-X (Temporarily on Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon