Chapter 8 Truth and Peace

130 13 1
                                    

Asteria's POV

Katatapos lang naming kumain sa cafeteria, ngayon naman ay papunta kami sa likod ng building namin, may nakita daw kasing tambayan doon si Harvey kaninang naghihintay siya sa amin na mag bihis.

Ang kasama ko ngayon ay sina Harvey, Wren, Elrys at Zaven. Ang iba naman ay may kanya-kanyang pinuntahan, tulad nalang ni Zaki na pinuntahan si sir para daw manghingi ng class sheet or so whatever.

"Ano ba 'yan Harvey, ang layo naman!" reklamo ni Elrys.

"Mahirap kase talagang makita ang sinasabi ko, dahil sa tago ito!" sabi naman ni Harvey. Kami naman ay patuloy lang sumusunod sa kanya.

"Ayan! Nandito na tayo!" sabi ni Harvey sabay lihis ng mga baging na nakaharang.

Pagpasok dito ay mapapa-wow ka nalang dahil sa ganda nito at malinis din, may mga puno din ng iba't-ibang klase ng prutas dito, at may fountain sa gitna.

"Sabi sa inyo maganda e," proud na sabi ni Harvey.

"Paano mo pala nahanap ang lugar na ito?" tanong ko.

"Dahil sa mga kaibigan kong ibon! Tinuro nila sa akin ito, tinanong ko din sila kung ayos lang ba na dalhin ko kayo dito, ayos lang naman daw," sabi ni Harvey, kaya napatango nalang kami sa sagot niya.

"Pwedeng pag tambayan ng buong klase natin ito, sana sa susunod kasama natin sila!" masiglang sabi ni Harvey.

"Sa oras na ka-close na natin silang lahat, lahat tayo dito nalang mag lunch, ayaw ko ding mag lunch sa cafeteria dahil naroon ang Section Z (Elite Section) nakakasira sila ng araw sa kayabangan nila!" sabi ni Wren.

"Kaya nga, bukas isama natin ang Class X dito, para maiwasan natin ang mga mayabang na iyon!" sabi ko

Lagi nila kaming pinagbubuntungan sa kadahilanang mas mataas daw ang antas nila kaysa sa aming mga nasa Section X, kung pwede lang sabihin ang totoong status ko noon nako nasabi ko na talaga, kaso mag mumukha naman akong mayabang pag nangyari 'yon kaya mas mabuti nang umiwas nalang kami sa kanila.

"Napansin ko lang, madalas na nangunguna sa pangungutya ay yung babaeng may headband na kulay pula," sabi ni Elrys.

"Ang tinutukoy mo ay si Veinnie Andres, isa siya sa mga anak ng congressman, pangalawang anak kung baga, siya'y 18 years old at ang nanay niya ay isang kabit lamang pero isa siyang spoiled brat, ang ability niya ay Poison Ivy, " sabi ni Zaven, nakalimutan kong kasama din namin ang isang ito.

"Saan mo nakuha ang mga impormasyong 'yan Zaven?" tanong ko.

"Nag conduct ako ng research tungkol sa mga nilalang mula sa Section Z dahil naiinip ako kagabi," chill niyang sabi, grabe naman pala mainip ang isang ito.

"Ang nangunguna sa klase nila ngayon ay si Zachariah Buea Vasteria, nag iisang anak ni mr.Vasteria, na CEO ng VASTERIA LANDS, siya rin ang tagapagmana ng mga ari-arian at kumpanya ng kanyang ama, 19 years old siya sa ngayon. Ang ability niya naman ay Dust," nakakatakot naman ang isang ito ang daming alam tungkol sa iba.

"Ang pangalawa naman ay si Aiden Gu, ang anak ng chairwoman ng GWENIVALA AIR, pang apat siya sa kanilang magkakapatid, 18 years-old at ang ability niya naman ay black smoke," dag-dag niya pa.

"Sa ngayon sila pa lang ang kilala ko, inantok kase ako kaya nakatulog ako at di natapos ang pag research ko sa kanila," nakangiti niyang sabi.

"May lahi ka bang FBI? Ang dami mong nakuhang info!" sabi ni Wren.

"Wala, sadyang trip ko lang mag research tungkol sa kanila, kayo nga din may kaunting information akong nahanap, napaka interesting ng sa iba nating kaklase, pati na nga ang kay Asteria e," sabi niya habang nakatingin sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Alam niya ba? Paanong nalaman niya tago lahat ng impomasyon tungkol sa pagkatao ko, sariling pamilya ko pa mismo ang nag tago.

"Asteria, ayos lang ba kung may itatanong ako sayo?" tanong sa niya sa akin.

"A-ano ba ang itatanong mo?" medyo nautal ako sa unang parte ng pagsasalita ko.

"Bakit di ka umalis?" Tanong niya na nakapagpabigla at nagpakaba sa akin. Wala kang maitatago sa kanya, parang may lahing agent ang isang ito, alam niya yata lahat ng tungkol sa amin.

"Ano naman ang tungkol doon sa pag alis mo ate? Saan ka umalis?" curious na tanong ni Harvey.

"A-ano a-ah kase ano ahm..." hindi ko alam ang isasagot ko, ngayon ay nakatingin na sila sa akin.

"Wag ka mag alala Asteria, kung hindi mo kayang sagutin ayos lang," sabi ni Zaven "alam ko namang masyadong personal na iyon e," nagngangamot uli niyang sabi.

"Umalis ako kase hindi ko na kaya," mahina kong sabi sakto lang na maririnig nila. Napatingin naman sila nang sinabi ko 'yon.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Elrys. Sasabihin ko nalang, kaming lima lang naman ang nandito dahil nag paiwan ang iba, may pupuntahan pa daw. Sana lang ay manatiling sekreto ito sa amin.

"Naalala niyo ba ang sinabi ni Isaac, na kamukha ko 'yong sinasabi niyang Felix, ying kaibigan niya raw, ang totoo niyan ay kapatid ko ang tinutukoy niya, galing ako sa pamilya ng mga Gifted mula sa pampanga, kilala ang pamilya namin doon dahil sa impluwensya ni Papà at dahil sa mga businesses ng mga Greyson. Ang kaso ay may malaking discrimination akong naranasan sa loob mismo ng mansyon na tinutuluyan ko," pagpuntol ko sabay hinga ng malalim.

"Bakit ka naman nakaranas ng discrimination sa bahay niyo? 'Iyon ba ang dahilan kaya ka umalis sa inyo?" tanong ni Wren.

"Ang akala nila at akala ko din dati ay hindi ako isang gifted kagaya nila, dahil sa pagtungtong ko sa tamang edad ay walang ability na lumabas sa akin. Simula no'n ay nabago ang tingin nila sa akin at nagbago din pati pakikitungo nila sa akin, lalo na ang dalawa kong kuya, ni ayaw nilang hawakan ko sila, kahit man lang tawagin ko silang kuya. Ang naging kakampi ko lamang sa bahay na iyon ay si mamà..."

"Ang kaso dahil sa akin ay lagi silang nag aaway ni papà, ayaw ko namang nakikita na nagaaway sila at dahil pa iyon sa akin. Kaya minabuti kong umalis nalang, dahil doon at isa pa hindi ko na kaya ang pakikitungo nila sa akin...Mabuti nalang at may tumulong sa akin, kinupkop ako nila at pinaaral. Simula noon ay hindi ko na nakita pa sila mamà," malungkot na kwento ko.

"Hindi ba sabi mo ay wala lang ability, pero paano mo na kontrol ang sahig kanina sa Hallway?" tanong ni Wren

"Well isa akong late bloomer," sabi ko. "Hindi ko nga na expect na may magiging kaklase akong kaibigan nila Felix e," sabi ko.

"Don't worry Asteria, nasa Class X ka na, kami na ang bagong pamilya and yung tumulong sayo, ng mga Cortez ba iyon? Kasama sila mas malaki na ang pamilya mo ang expect a lot of fun moments with us," nakangiting sabi ni Zaven.

"Wag ka nang maging sad ate, nandito naman na kami!" masiglang sabi ni Harvey sabay yakap sa akin.

"Salamat sa inyo! Sana wag niyong ipagsabi ang sekretong ito sa iba, hindi pa kase ako handa," sabi ko sa kanila, nag si tango naman sila.

"Zup!" rinig naming boses mula sa likod namin.

"Oh Ion, Zaki, mabuti at nakarating kayo," bati ni Zaven.

"Mabuti nalamang at may sense magturo ng direksyon si Harvey kaya medyo hindi kami nahirapan," sabi ni Zaki.

"Kuya, parang insulto 'yon ah!" sabi ni Harvey.

"50%" sabi ni Zaki, kaya natawa kami.

_________________________________________________________________________

Chapter 8 Uploaded!

Ice_Charm
🦋








Gifted Potectors :Class 1-X (Temporarily on Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon