Si Aiden Miles po 'yong nasa media :)
*************
"GOOD morning, tita Mina! Hi tito Del!" Kumaway ako sa parents ni Aideen at saka nakiupo sa hapag-kainan para sumali sa kanilang breakfast.
"Bea, rito ka maupo sa tabi ni Aideen at diyan mauupo si kuya Aiden niya. Ay teka, alam mo na bang dumating ang kuya ng best friend mo?" masigla at tuwang-tuwang saad ng mommy ni bes ko.
"Ay, opo tita, nakita ko na po siya kahapon." Nagbaba ako ng tingin kasi naalala ko na naman ang nangyari sa nakahihiyang pangyayari sa buong buhay ko, so far ay iyon pa lang ang aking most embarrassing moment in life! As in!
"Mabuti naman kung gano'n. Hala sige, riyan ka maupo sa kaliwa katabi ni Aideen at katapat naman ng kuya niya." Ulit nito.
Naupo ako at hinintay na makaupo ang lahat kahit ang totoo ay gusto ko ng lantakan ang nakahaing pritong tocino at sinangag na kanin. Naglalaway na talaga ako pero siyempre, kailangang ipakita ko na may table manners ako kahit wala ako no'n sa bahay namin.
Si mama ko kasi hindi nagluluto ng ganitong breakfast, kanya-kanya kami ng kain sa umaga dahil lahat e busy sa pagpasok sa school at kani-kanilang trabaho, unlike ng mommy ni Aideen, stay home kaya naasikaso nito ang bawat kailanganin ng pamilya nito.
"O, Aideen, Aiden, upo na kayo." Masiglang bati ni Tita Mina sa mga anak pagkapasok nang mga ito sa dining room.
"Hi bes!" bumeso si Aideen sa akin at gano'n din ako sa kanya at saka ito naupo sa tabi ko.
Sa totoo lang, nagagandahan ako sa bes ko pero ayaw kong aminin iyon, baka kasi lumaki ang ulo niya e. Medium one length ang buhok niya, maamong mga mata na kabaligtaran ng galawgaw niyang asal. Matangos na ilong na katulad nang kay kuya Aiden. Makipot na labi at kulay pink at doon ako naiinggit kasi hindi na niya kailangang mag-lip gloss para lang maging pink iyon unlike mine.
Kung si bes heart shape ang hugis ng mukha, si kuya Aiden naman ay square. Lahing shapes ang pamilya nila kasi si Tita Mina round ang face at si Tito Del e puwede ng triangle. Napabungisngis ako.
"Hoy, anong hinahagikgik mo riyan?" bulong ni bes. Hindi ko siya pinansin.
Magka-height din lang kami ni Aideen, five feet and three inches high. Pero mahaba ang hair ko, at mas maganda ako! Ngumiti uli ako sa sarili. Buti at hindi naririnig ni bes ang nasa isip ko kung hindi ay sasabunutan niya ako.
Hindi katangusan ang ilong ko pero hindi rin naman ako pango, tama lang. And my lips, plump siya, sabi ni bes bumagay raw iyon sa high cheek bones ko at bilugang mga mata at mukha. Ang lamang ni bes sa 'kin ay 'yong kaputian niya, ipinaglihi siguro siya sa gatas at ako ay sa kape, kapeng may gatas kaya light brown ako at hindi dark coffee ang skin ko.
Hindi ko sana papansinin si kuya Aiden pero ayaw ko namang masabihang inggrata. Nakikikain na nga lang ako rito sa pamamahay nila e may gana pa akong mang-isnab. "Hi kuya Aiden!" pagkukunwari kong bati sa masiglang tinig.
Tiningnan ako ni bes Aideen at saka papilyang sumiko at tinawanan ako. Siniko ko rin siya. Sa aming isip ay nagkaintindihan kaming nagkukunwari sa magandang pakikisama sa kuya niya.
Tiningnan ako nito ng pailalim mula sa suot nitong mga salamin sa mata. Nasamid tuloy ako dahil para ako nitong titirisin sa klase ng mga titig nito.
Oo na, alam ko okey! Naka-zipper na ang bibig ko kaya huwag mo akong titigan ng ganyan at baka matadtad ako sa talim ng mga titig mo! Sigaw ko rito pero sa isip ko lang.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With Mr. X
ChickLitFrom hate to love. And love to hate. Two people with the same hearts and minds. But families, circumstances, and morality stop them. For love is not just for their hearts to feel. For Love is not all about just love. When love is not enough to be...