UMUPO si Aideen sa tabi ko at saka sumandal din sa dingding katulad ko. Nagpakawala siya ng hininga at saka nagsalita.
"Alam mo ba kung bakit magpapakasal agad sina kuya at ate Bea?" mahina niyang tanong.
Hindi ako umimik. Ayokong magtanong dahil ayoko ring marinig ang sagot. Para kasing iyon ang magiging dahilan para itulak ang sarili kong gumawa ng desisyong ayaw kong gawin.
"Ate Bea is pregnant."
Nakagat ko ang labi para huwag mapasinghap. Pero hindi madali dahil gusto ng sumabog ng aking dibdib. Kahit ilang ulit kong ipikit-dilat ang mga mata, walang katapusan ang pagbalong ng aking mga luha.
"I'm sorry if I forced you to come here. Akala ko...akala ko ay simpleng crush lang ang nararamdaman mo kay kuya. I'm sorry if I am too insensitive of your feelings. And I'm sorry kasi, kasi ipinakita ko sa iyo kung ano ang totoo sa damdaming inililihim mo. I want you to see this reality, na walang patutunguhan ang nararamdaman mo para sa kanya. I know it's breaking you right now and I'm really really sorry that it has to be me who has to tell you all these. Lalo ka lang masasaktan kapag itinuloy mo, bes. Hindi pwede, hindi sa pamilya natin lalong hindi kay kuya."
I continued sobbing. My heart feels like being pierce a thousand times. I can literally feel the song's lyrics, 'My heart keeps bleeding.' Hindi na niya kailangang sabihin ang mga iyon dahil alam ko na iyon kaya nga hindi ako makagawa ng hakbang para ipaalam kahit kaunti lang ang nararamdaman ko kay Aiden dahil hindi pwede. It's a big NO.
"Why do we have to have our first love broken in a painful way like mine and yours?" mapait niyang ngiti.
"Because we're pasaway?" I smiled back though my tears keep coming.
"No, because there's someone out there better, waiting for us." Humikbi siya.
I burst out laughing and crying at the same time. Para kaming mga baliw na umiiyak at tumatawa sa aming kasawian sa aming unang pagibig.
"Alam mo ba kung gaano mo kahawig ang kuya mo?" muli ko siyang tinitigan, waring kinakabisa ang buong parte ng kanyang mukha.
"I know, kaya nga love mo akong titigan."
New tears came. My voice started shaking.
"A-at alam mo bang...kung minsan...ang sakit ng makita ka?"
"I know...I know bes." hers too started shaking.
"I can't stay here anymore. It's too painful to watch him and be so helpless about what I feel."
"I understand... kahit anong desisyon ang gawin mo maiintindihan ko. But always remember that whatever happens, we'll still be bestfriends, forever and ever, naiintindihan mo? You can forget everything else but not me, not out friendship."
I wildly nodded, at saka kami nagyakap ng mahigpit. Ibinuhos namin ang luhang mauubos ng gabing iyon. At saka kami nahiga at nagkuwentuhan ng nagkuwentuhan ng buong gabi na para bang wala ng umagang darating. Binalikan namin ang mga kalokohang ginawa, at mga nakaraang nagpangiti, nagpasaya, nagpaiyak, nagdulot ng palo sa mga puwitan namin at sermon mula sa aming mga magulang. To the times when we were most happy, and to the times when we were so down and upset, just like when Zac broke her heart, and tonight, when I broke my heart and cries our hearts out. Just like how she bravely said goodbye to Zac, her first love, I too, will say goodbye to mine.
I cried one more time, giving all my heart. And as my good best friend, sinabayan niya ako at sinaluhan.
I love you, Aiden... and goodbye.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With Mr. X
Romanzi rosa / ChickLitFrom hate to love. And love to hate. Two people with the same hearts and minds. But families, circumstances, and morality stop them. For love is not just for their hearts to feel. For Love is not all about just love. When love is not enough to be...