******THIS CHAPTER IS UNDER REVISION
SA bahay nina Aideen ako uli natulog. Matagal -tagal na din mula ng huli akong matulog dito. Iniwasan ko na kasi si kuya Aiden dahil iyon naman ang gusto niya. And tonight Aideen requested it because of her broken heart.
Nag-movie marathon lang kami since Saturday naman bukas habang ngumunguya ng pop corn. At kung bakit mga broken hearted movies ang pinili nitong panoorin eh broken herted na nga ito kaya hayun, iyak kami ng iyak sa pinapanood. Tinawan kami ni Tita Mina dahil para daw kaming mga sira ulo, iniiyakan yung mga movies. Hindi ko lang masabi na paraan ni Aideen iyon para ilabas ang sama ng loob sa kanyang heartaches.
Nakatulog ito sa kaiiyak pagkatapos. Hindi namin natapos ang ikatlong dvd na isinalang niya kaya pinatay ko na yung player at tv. Lumabas ako ng kuwarto para magbanyo at uminom ng tubig. Madilim sa ibaba at ang liwanag lang ng buwan ang tanging tanglaw sa may veranda sa sala. Maingat akong bumaba ng hagdan. May narinig akong boses sa may veranda. Nagkubli ako sa dilim at sinilip kung sino iyon. It was kuya Aiden. May kausap ito sa phone and for the first time, masigla at napaka-warm ng boses nito. Nakita ko rin kung paano itong ngumiti na nasisinagan ng buwan.
Nangiti ako sa sarili, marunong pala itong ngumiti. Nakasandig ito sa pader at nakatingala sa buwan habang mahinang kinakantahan ang kausap sa phone. Aah, may boses siya at masarap sa pandinig. Naalala ko ang gitara nito sa kanyang kuwarto, marunong din siguro itong maggitara. Marami pa pala akong walang alam kay kuya Aiden.
"Ok, I love you too." I heard him say. Napadiresto ako sa kinatatayuan. I love you too? Wait, may girlfriend ito?
"Oo na, I miss you too, sobra sobra!" his soft laughter suprised me. He can laugh!
"Oo sabi. I can't wait to see you. Muaah!" halik pa nito sa cellphone.
I couldn't move. Ito ang Aiden na hindi ko kilala, maging marahil si Aideen ay hindi alam ang side na ito ng kuya niya. Hindi ako makakilos. Pinipigilan ko ang sarili na huwag huminga nung papaakyat ito sa hagdanan na pinagkukublihan ko. I heard his door shut at doon lang ako huminga.
Who is she? Tanong ko sa sarili. Siguradong wala ring alam si Aideen kahit pa tanungin ko siya. Ah, I want to know. I have to know. I must know.
"Bes, sino girlfriend ng kuya mo?" tanong ko kay Aideen. We just woke up and it's almost lunch time. Pinapababa na kami na Tita Mina para makapag-lunch.
"Anong girlfriend? Iyun, may magkakainteres, bubuka muna ang lupa." She rolled her eyes.
"Nagbanyo kasi ako kagabi pagakatapos narinig ko siya sa may veranda na may sinasabihan ng I love you at I miss you tapos tumawa pa." nagsusumobong kong sabi. Napatingin siya sa akin at saka ngumiti.
"Hmm, tara, lets find out." excited nitong sabi sabay hila sa aking braso para pumanaog ng hagdan.
Ito ang gusto ko minsan kay Aideen, nosy ding tulad ko. Umupo kami sa mesang nakahain na at tulad ng dati, katapat ko si kuya Aiden. I stole a glance from him but as usual, deadma lang ako sa kanya. Hindi pa man kami nakakalahati sa pagkain ay bumuka na ang bibig ni Aideen sa pagtatanong, na siya naman kanina ko pa gustong marinig.
"Dad, kilala mo ba ang girlfriend ni kuya?" she asked.
Aideen is so smart. Alam niyang mas makakakuha siya ng sagot kapag idniretso nito ang tanong kay Tito Del. Napatingin ang lahat kay kuya Aiden na medyo nagulat sa tanong ni Aideen.
"Sino ang girl friend mo, Aiden Miles?" tanong ni Tito del.
Sa sobrang excited kong marinig ang sagot mula dito ay hindi ko napansing ang mainit na sabaw ng sinigang na bangus na hinigop ko kaya hayun napaso ang dila ko, ang sakit! Palihim akong nagmura.
"Talaga? Anong pangalan ng girlfriend mo anak ko? Naku, imbitahan mo siya sa fiesta natin at excited kaming makilala siya." Tugon naman ni Tita Mina. Umokey na agad ito eh hindi pa naman niya nakikita yung girl. Parang ipinagtutulakan pa ang anak sa pakikipagrelasyon.
"Sino kuya? Kilala ba namin? Teacher din ba sa school? Anong pangalan niya? Maganda ba?" sunod-sunod na tanong ni Aideen.
Yeah! Sino siya? Sabihin mo! Sigaw ng isip ko. Ako ang mas excited sa sasabihin nito at hindi inalis ang tingin dito.
Ibinaba nito ang hawak na kutsara at itnidor at saka tinignan ang magulang gayon din ang kapatid. Nanatili ang tingin ko sa kanya kasi hindi naman ito titingin sa akin dahil deadma ako sa kanya pero nagulat ako dahil sa akin huminto ang kayang paningin. Napigilan ko tuloy ang huminga. Napapaso ako sa mga titig niya. Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan. Ang tagal ng hindi ako nito tinignan.
"Beatriz." He said.
"Ha?" sagot ko. Napatingin din sa akin ang lahat. Bakit ako nito tinawag? Ano na naman ba ang ginawa ko? Nakatingin lang ako dito. Teka, alam ba nitong ako ang nagsabi kay Aideen tungkol dito? Teka lang, nakita ba niya ako kagabing nakikinig sa usapan nila? Oh no!
"Her name is Beatriz, Bea for short." Ulit niya.
"Aah." sabay sabay nilang sabi..
"Kapangalan mo bes." Siko ni Aideen sa akin.
"Naku, dalawa na ang Bea sa pamilyang ito." Natutawang saad ni Tita Mina.
"Aba, kelan mo siya balak dalhin dito at ng makilala namin?" Tanong ni Tito Del.
Patuloy sila sa pag-uusap at ako, hindi ko sila maintindihan. Kasi iba ang gumugulo isip ko.
Hindi na ako interesado sa kinakain ko. Nakatingin lang ako kay kuya Aiden na hindi na uli tumingin sa akin. Beatriz...kapangalan ko ang girlfriend niya. What a coincidence. Naaalala niya kaya ako kapag tinatawag nito ang girlriendd niya? Naiisip ba ako nito kapag iniisip nito ang Bea na iyon? Who cares diba, bakit ba niya kailangang gawin iyon eh hindi naman ako iyon. May mahal itong ibang Bea at ako na Bea naman ay kinaiinisan nito.
Nagpaalam na ako pagkatapos mag-lunch at umuwi sa amin. Dumiretso ako sa kuwarto ko at tumingin sa kisame. Bakit parang ang hirap huminga? Nngingitii ako sa tuwing maaalala ang ngiti at tawa ni kuya Aiden sa ilalim ng maliwanang na buwan. Paulit ulit rin na parang batingaw na naririnig ko ang mga katagang binitiwan nito sa kasintahan. May ibang Bea na nagpapangiti dito. May ibang Bea itong sinasabihan ng I love you.
Haah! And so what? Anong paki ko? Mabuti nga iyon! At least hindi ito bakla dahil may girl friend na matatawag.
"Kuya Aiden.." I called out.
"Aiden..." bigkas ko sa pangalan niya.
Parang mas kumportable akong tawagin siyang Aiden lang.
Aiden?
Aiden.
Aiden...
Pinahid ko ang luhang pumatak sa aking pisngi.
Author's Note:
Hey peeps, pls vote, comment and share if you would if you like this chapter, it will be greatly appreciated.
Salamat,
KhimeLime
BINABASA MO ANG
Falling In Love With Mr. X
ChickLitFrom hate to love. And love to hate. Two people with the same hearts and minds. But families, circumstances, and morality stop them. For love is not just for their hearts to feel. For Love is not all about just love. When love is not enough to be...