Dear Diary,
Promise! Promise hindi ko talaga sinasadya! Hindi ko naman kasi akalaing may tao sa kuwarto ng kuya ni Aideen Mae. E kasi no'ng huling punta ko sa bahay nila wala naman 'yong kuya niya, nasa Manila kaya malay ko bang dumating na pala ito at nakita kong hubo't hubad! Ohemgee DD talaga, tama bang wala itong saplot kapag nasa kuwarto niya? Ano siya, bold star?
Pero DD, natawa ako kasi mas nahiya siya sa 'kin. Dahil sa gulat ay hindi ako nakatalikod agad at napagmasdan tuloy ang hindi dapat makita. Hindi ko natakpan agad ang mga mata ko. Siya? Hayun, laughtrip kasi halos nagkandarapa nang gawin nitong isang hakbang sa paglaktaw ang limang hakbang na kinaroroonan ng kanyang shorts. Grabe, nauntog 'yong ulo niya sa kabinet dahil sa bilis ng ginawa niyang pag-dive sa kanyang damit. Tapos nasaludsod pa 'yong 'ano' niya sa sahig. Gahd, hindi ko tuloy napigil mapahalakhak kasi sumigaw siya sa sakit, dumugo pa yata, hahaha!
Pero DD, pulang pula 'yong mukha niya na parang pinahiran ng lipstick at 'yong mga mata niya na hindi ko malaman kung puputok ba sa pagkapahiya o sakit doon sa 'ano' niya o ano e hindi ko matanto. Pero isa lang ang sigurado, iba na ang magiging reaksiyon namin sa isa't isa sa tuwing magkikita kami. Awkward na, as in, dedmahan na!
Pero wala sigurong pagkakaiba sa dati pa, noon pa kasi itong walang pansin sa akin kahit halos araw- araw ako sa bahay ng best friend kong si Aideen Mae. Six years ang gap nilang magkapatid at dadalawa lang sila bukod sa hindi pa yata sila close dahil sa agwat nang kanilang edad. Sa Manila nag-college ang kuya niya at nagtapos ng kursong education. Kami naman ni Aideen Mae ay third year high school na this coming enrollment.
Ayoko rin sa kuya ng best friend ko, bukod sa napakaboring na e napaka-conservative pa, dapat pagpapari ang bokasyon nito at hindi teaching. Kung ganito ba naman ang magiging teacher namin ay naku, wala na, mamatay kami sa boredom. Wala rin siyang dating sa sports, mas feel pa niya ang magkumpuni ng kung ano-ano sa garahe nila o sa kuwarto niya. Kung 'yong mga ka-batch niya nga e nagkakasayahan sa lakwatsa, basketball at pakikipag-girlfriend, siya e nakakulong sa kuwarto, nagbabasa ng libro, nanood ng Animal Planet o History o kaya National Geography. Hay naku, iyon ang palaging complain ni Aideen Mae sa 'kin kaya walang nagawa ang parents nila kung hindi bumili ng isa pang TV para sa kuya niya.
Isa lang ang puri na palaging sinasabi ni Aideen sa akin, magaling magluto ang kuya niya bukod pa sa pagbi-bake. Iyon din ang gusto ko rito kasi palaging may dalang mga cookies at pastries sa school si Aideen para meryendahin namin. Iyon lang.
"LABAS!" Iyon ang isinigaw niya DD, halos nabingi ako. Kaya tumakbo ako palabas ng kanyang kuwarto pabalik sa kuwarto ni Aideen Mae. Nagtanong si best friend ko kung ano raw iyon pero sa halip na sumagot ay nahawak ko ang tiyan sa katatawa. Kahit anong kulit niya ay hindi ko sinabi. Secret ko na iyon kasi nahihiya rin naman ako 'no!
Ayaw nga akong patahimikin ni Aideen sa kakukulit kung ano raw iyon kasi 'yong kuya niya halos umusok ang ilong na pumasok sa kuwarto ni Aideen Mae at sinabing huwag na huwag papasok sa kuwarto nito kaya matalim akong tiningnan ni best friend. Sinabi ko naman na hindi ko sinasadya at balak ko lang hiramin iyong gitara nitong nakatambay lang sa kuwarto ng kuya niya dahil gusto kong mag-aral mag-gitara. E malay ko bang naroon pala siya kaya hayun, 'yon lang ang sinabi ko kay Aideen at mukhang naniwala naman pero pinagsabihan akong huwag ko na raw uulitin. Kasi raw, si kuya Aiden Miles niya ay back for good na dahil dito na raw ito nakakuha ng school na pagtututuruan.
Pero DD, hindi na ako inosente. Nakuha na ni kuya Aiden Miles ang aking innocent eyes, pati innocent mind ko ay na-violate na rin. Pa'no ba 'yan, ano na ang gagawin ko? Kahit ipikit ko ng mariin ang aking mga mata at ipilig ang aking ulo ng paulit-ulit, ayaw talaga mapaglit sa isip ko iyong nakita ko. Kainis naman kasi DD, bakit hindi ba nag-lock ng pinto ang weirdo na iyon hayan tuloy, nakita ko ang gumugulo sa aking inosenteng pag-iisip, nakakinis talaga!
Dapat kasi itigil ko na rin ang pagiging nosy ko e, hayan tuloy, ito napala ko. Argh! Gusto ko na matulog! It's one after midnight at heto, kinukuwentuhan pa rin kita, aish!
Goodnight na talaga DD, pipilitin kong matulog, ta-ta!
Sincerely,
B ;-b
A/N:
**ATTENTION:
Some chapters were in private, to get full access, please follow this account.
If it still doesn't show up, refresh your page by:
- logging out/log back in
- remove story from your reading list/add againThat should do the trick, if it's still not working, please contact wattpad support. Thanks!
MICXRANJO
BINABASA MO ANG
Falling In Love With Mr. X
ChickLitFrom hate to love. And love to hate. Two people with the same hearts and minds. But families, circumstances, and morality stop them. For love is not just for their hearts to feel. For Love is not all about just love. When love is not enough to be...