FINALLY, our high school life is almost over. Gumaan ang pakiramdam ko sa isiping hindi ko na uli makikita ang mukha ni Aiden kapag nagtapos na kami. Kahit hindi na siya ang teacher namin sa fourth year madalas ko pa rin siyang makita sa school and its really breaking my heart because it only reminds me of one thing, that whatever my heart wants could never be granted. It is against all odds, sa prinsipyo ng pamilya namin, at sa moralidad ng lipunan.
Sabi nga ni Papa, just because other people do it, you don't have to follow. You must not sacrifice other people's happiness just to get your own heart's desire. There may be unfairness in life but don't be unfair yourself. Siguro ganon kahirap maging anak ng isang professor sa college at ng isang legal assistant, pinalaki kaming hindi dapat lumalamang sa kapwa kahit malamangan man kami. A selfless act my parents practice everyday and also became our daily mantra in life, sa amin ng ate ko.
"Bes, antagal mo ng hindi nagpupunta sa bahay, may problema ba?" siko ni Aideen habang nasa rest area kami.
"Wala. Marami lang kasing ipinapagawa sa bahay si Mama kaya hindi ako makapuslit."
Mataman niyang pinakatitigan ang aking mukha, kinakabisa ang aking reaksiyon. Pagkuwan ay nagpakawala ng hininga at saka mahigpit akong niyakap na ipinagtaka ko. Nang kumawala siya sa pagkakayakap ay nakangiti na uli ito.
"Ah basta, namiss na kita. Pati nga sina Mommy ay nagtatanong kung bakit hindi ka na daw nagagawi sa breakfast, miss ka na rin nila." Natawa ako sa ginawa nitong pagpapacute sa harap ko.
"Sige kapag feel ko ng pumunta uli sasabihin ko okey?"
"Did something happen during the last time you were there na hindi ko alam?"
"Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag, bes. Basta ang alam ko lang, it hurts."
"Saan? Bakit? Kanino ka nasasaktan?"
I smiled. Kahit gusto kong sumagot hindi ko magawa dahil parang may pumipigil sa aking dila.
"Dahil ba kay ate Bea? Dahil ba hindi na lang ikaw ang nag-iisang Bea sa bahay namin? Ito naman, mas masaya nga dahil dalawa na kayo pero hindi ibig sabihin na mas pabor kami sa isang Bea. Sabi nga ni Mommy, the more, the merrier. At alam mo ba, mukhang seryosohan na talaga si kuya kay ate Bea dahil mukhang nagbabalak na silang magpakasal." Alanganing ngiti nito.
Napatingin ako sa kanya, trying to digest what she just said.There it is again, the familiar pinch in my heart. Bakit ito pakakasal eh ang babata pa nila? Bakit ba siya nagmamadaling magpakasal eh kauumpisa pa lang ng career nito as a teacher? No, bakit ba ako nangingialam sa kung anong balak nila sa buhay nila?
"Overnight ka sa bahay tonight para ma-try natin yung gowns na binili natin para sa JS prom next week." Agaw niya sa atensiyon ko.
Tumikhim ako, pilit hinahananap ang boses para makasagot.
"Bes, tulog ka sa bahay tonight. Ako na ang bahalang ipagpaalam ka kina Tita at Tito." Tukoy niya sa parents ko.
Lumunok muna ako at saka pinilit magsalita. Pero parang frozen pa rin ang aking dila at maging ang aking bibig ay ayaw bumuka para magsalita.
"Ano ba, Beatriz Dizon, ayaw mo ba? Miss na kita bestfriend." Ngumuso ito at nagpacute malapit sa mukha ko.
Tumango ako. Iyon na lang ang ginawa ko dahil hindi makasagot ang aking bibig.
Pagkauwi ko ay sinabihan ako ni Mama na tinawagan nga siya ni Aideen at sinabing pwede akong matulog ngayong gabi sa kanila basta uuwi ako right after lunch bukas. Kumain muna ako ng dinner at saka naligo. Tinignan ko uli ang oras, seven na ng gabi. Usually ay six pa lang na kina Aideen na ako at doon nagdi-dinner pero ngayong gabi ay hindi ako ganoon kainteresadong pumunta sa kanila. My heart just feels so heavy.
BINABASA MO ANG
Falling In Love With Mr. X
ChickLitFrom hate to love. And love to hate. Two people with the same hearts and minds. But families, circumstances, and morality stop them. For love is not just for their hearts to feel. For Love is not all about just love. When love is not enough to be...