-The Other Bea- Siya po 'yong nasa media ")
********THIS CHAPTER IS UNDER REVISION
Papunta kami galing sa bahay namin pagkatapos magpaalam kina Mama at Papa na sa bahay nina Aideen ako matutulog. It's the town's fiesta at pupunta kami sa carnabal mamayang gabi para maglaro at sumakay ng mga rides. Darating din kasi yung girlfriend ni Aiden galing Manila para ipakilala sa magulang nila. At ako siyempre, hindi palalampasin ang pagkakataong makita ang itsura ng babaeng nagpapangiti sa masungit na mukha nito at nagtiyaga sa boring nitong pagkatao.
"I'm excited kung ano itsura ni ate Bea." Aideen exclaimed. Pa-ate ate na ito ngayon samantalang kanina lang ay nag-iisip kung paano susupladahan ito. Ako, hmm, nag-iisip kung paano ito pahihiyain!
Gabi na silang nakarating tamang tama sa dinner time. Nakahain na ang hapag kainan at doon dumiretso ang lahat pagkatapos magpakilala sa isat isa ng mga ito. Feeling outsider ako for the first time. Maging si Aideen kasi ay sobrang maka-welcome at makangiti sa babaeng iyon.
"Naku iha, ang ganda ganda mo naman. May kahawig kang artista." Puri ni Tita Mina.
"Ate Bea, here try this, masarap ito, paborito ni kuya." Abot ni Aideen sa igado.
Ako rin paborito ko ang igado! Gusto kong sabihin kay Aideen pero alam na nito iyon.
"Thank you pero hindi kasi ako kumakain ng red meat." Tanggi nito.
Haah! Maarte sa pagkain. Namimili pa ng grasya.
"I'm sorry Mom, Dad, Mae, allergic kasi sa red meat si Bea kaya itong chicken na lang at veggies ang kakainin niya." Pagtatanggol ni Aiden.
Hmp! Allergic ha. Kinuha ko yung ulam na hawak ni Aideen at saka ako sumandok ng marami para ilagay sa plato ko at saka iyon nilantakan. Hinayaan ako ni Aideen sa halip ay kinuha nito yung afritadang chicken at saka inabot uli dito.
"Thank you, this is my favorite." Maarteng sabi nito. Ang sarap pilipitin ang dila nitong maarte sa pagsasalita.
"Naku eto, chopsuey, masarap iyan. Wala akong isinahog na karne diyan. Ikaw naman Aiden sinabi mo sanang hindi kumakain ng red meat si Bea para nakapagluto ako ng iba." Sermon ni Tita Mina.
"Naku okey lang ako Mommy Mina." Ngiti nito.
Mommy Mina? Pak ka! Wala kang 'K' ma-mommy si Tita Mina!
"Bes, baka mabulunan ka. Hindi ka naman mauubusan ng igado, dahan dahan sa pagsubo. Lumolobo na ang bunganga mo sa bilis ng pagsubo mo eh." Sita ni Aideen.
Matalim ko siyang tinitigan. Bakit ako napansin nito eh yung maarteng Bea na iyon ang nakakainis!
Nakitulong ako sa pagligpit ng kinainan. Dalawa kami ni Aideen ang natira sa kusina para maglinis.
"Naku Bea, salamat sa pagpunta dito ha." Narinig kong sabi ni Tita Mina sa babaeng iyon.
"Bes, mababali ang leeg mo sa kauunat sa pakikinig sa usapan sa sala." Sita ni Aideen na katabi ko sa paghuhugas ng mga plato.
"Shhh!" marahas kong saway sa kanya.
"Ang ganda ni ate Bea noh?"
"What? Bulag ka ba? Pango kaya!"
"Hindi ah, mas pango ka nga eh."
"O sige, eh yung mukha sobrang laki sa bilog parang ibinabad sa formalin sa pamamaga."
BINABASA MO ANG
Falling In Love With Mr. X
ChickLitFrom hate to love. And love to hate. Two people with the same hearts and minds. But families, circumstances, and morality stop them. For love is not just for their hearts to feel. For Love is not all about just love. When love is not enough to be...