Mysteriously handsome
Xyra's POV
Na sa dalawang oras na kaming bumibyahe papuntang Arcenia at hanggang ngayon ay na sa gubat parin kami ng Helvian.
"Miss Xyra, pwede bang magtanong?" Napalingon naman ako kay Lucan nang bigla itong nagtanong.
"Xyra nalang, ano nga palang itatanong mo?"
"Saan kayo nagmula at napadaan pa kayo sa Helvian?" We almost flinch in his question but we still managed to keep calm.
"Oh. Uhh. Bakit pala?" God! How am I suppose to answer his question kung wala naman akong alam tungkol sa Peldovia.
"Dahil bibihira lang ang mga taong mula sa ibang lugar na bumibyahe papuntang Arcenia para lang pumasok sa academy." Sagot niya.
"Yes, we're from the land of West. A small city named Barine." Nabigla naman ako sa pagsagot ni Krystel kaya bahagya ko itong nilingon. She's calm but I know na kinakabahan din siya.
"My brother and Xyra's father sent us to Arcenia because they wanted us to enter Alpheus Academy." Pagpapatuloy niya.
"I was asking Miss Xyra but still thank you." Sagot ni Lucan sakanya. Pinaghihinalaan ba kami ng lalaking 'to? I think, meeting him was not a good idea after all.
"Bakit hindi na ba ako pwedeng sumagot para sa kaibigan ko?" Tanong sakanya ni Krystel. Hindi na siya nakasagot at napakamot nalang ng batok.
Tama rin naman na hindi talaga kami mula rito dahil mula kami sa ibang mundo na hindi ko na alam kung paano pa babalik. Mukhang kailangan na ata naming pag-aralan ni Krystel ang mga bagay na kailangan naming malaman tungkol sa mundong to kung hindi ay madali lang nila kami mahuhuli.
---
Lumipas ulit ang isang oras at natanaw na namin mula rito ang isang syudad na puno ng mga taong nagtitinda, mga batang nagtatakbuhan, mga karwaheng pinapatakbo ng mga kabayo.
The city is wide and unlike Veldea where people are starving and the place is almost dying, Arcenia's people are lively and the place is noisy, all its people are busy with their work.
"So, we already arrived. Ladies, this is Arcenia, the city blessed by the Goddess; Aria." Lucan introduced the City of Arcenia to us.
Hindi naman kami agad nakasagot ni Krystel dahil parehas kaming busy sa pagsilip sa bintana. Ang laki! The city is so beautiful and peaceful. I can see people going around with smile on their faces.
Pagkatapos naming tingnan ang mga paligid sa labas ay tinanong ko na si Lucan kung paano kami makakapunta sa Alpheus Academy.
"So, paano nga ulit tayo makakapunta sa Academy?" Tanong ko sakanya.
"Hindi tayo dideretso sa Alpheus Academy, Mi– Xyra. We first need to pass the examination in departments we'll register. Ang alam ko ay na sa dulo ng Central ang lugar kung saan gaganapin ang examination." Sagot ni Lucan. Examination?
YOU ARE READING
Alpheus Academy
FantasiNo matter how much we ignore our past, it will keep coming back to us. Past that erased what we were before and made us who we are today. -- Two ladies who kept ignoring the truth in front of them were suddenly approached by danger. At an unexpec...