Kabanata 2

0 0 0
                                    

Naalimpungatan ako sa ingay na galing sa cellphone ko na nasa side table. Napahikab ako bago kunin ito at antok na sinagot ang tawag.

"What?" Namamaos na bungad ko sa tumawag.

"Iyak na."

Nagising ang diwa ko at napalitan ng inis. Ang aga mambwisit.

"Shut up, Tavi."

Narinig ko ang malakas niyang halaklak sa kabilang linya. Tuwang-tuwa sa sitwasyon ko ngayon.

"Wala kanang magagawa kapag si Tito Rei na ang desisyon. Himala nga at hindi naging marupok kay Tita Nicole." She said in a sad tone pero halatang nang-aasar.

"I really want to put some tape in your mouth para tumahimik ka. Isang tawag ko lang kay Tito Robert, ikaw ang iiyak."

"Hindi ka na mabiro. Parang 'di magpinsan ha. Pangit mo ka-bonding." Kinakabahang tumawa pa ito.

I shake my head because of what she said. Baliw talaga.

"Go here." Utos ko sa kausap habang naglalakad patungo sa banyo.

I want to take a bath. Pinatay ko ang aircon at napahikab ulit. Ang aga naman kasing dinistorbo ni Tavi ang tulog ko.

I miss my bed. Napalingon ako sa kama ko na inaakit ulit akong mahiga roon. Kahit humiga pa ako ay hindi na talaga ako makakatulog pa muli.

Last night, I didn't know what Dad told Mommy pero pumayag din ito na magka-bodyguard ako. Mommy even requested na gawing tatlo and Daddy, na under sakanya, agreed. Because of that ay nawalan ako ng gana kumain at maagang natulog na lamang dahil na rin sa pagod ay nakatulog ako kaagad.

Muntik na ako magwala dahil sa gusto nilang mangyari. Ni isa nga na bantay ay ayaw ko tapos gagawin pa nilang tatlo. My goodness!

Wala nagagawang pumayag na lamang ako. I bargained with them last night. Hahayaan ko sila na magkabodyguard ako basta't hindi na nila dagdagan pa bodyguard ko.

"Ayoko nga. Baka gawin niyo akong thirdwheel ni papa Vernon." I cringed at her words.

"What are you saying? Thirdwheel? That's my bodyguard not boyfriend. Ayan kakaiwas mo umuwi sa Del Acosta nabobo kana." Kung kasama ko lang siya ngayon ay siguradong nagmamaktol na ito na parang bata.

"Bahala ka diyan. Harapin mo yung bodyguard mo mag-isa." May himig ng pagtatampo sa boses niya. When will I be happy sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Tavi?

John called last night at binalita na Tavi signed a contract with them. He's super about it na pinatayan ko lang ng tawag. The freak. He disturbed my sleep just for that? I'll eventually know that dahil madaldal ang pinsan ko.

"You signed the contract last night, diba? Go here, sabay tayong magwork-out."

I'm sure for the past years ay nakahilata lang ito sa kama at sarap na sarap sa marangyang buhay.

"Hala! Oo nga pala. Bakit ko pa ba pinirmahan pa 'yon?"

Is my cousin stupid? Bakit ako ang tinatanong niya when she's the one who signed!

"Kasi ayaw mong umuwi sa Del Acosta?" Patanong na sagot ko kahit na konti nalang ay gusto ko nang hampasin ang pinsan ko sa katangahan niya.

Napagdesisyon ko na mamaya nalang maligo. I'll workout nalang muna. I excused myself at nagpaalam na magbibihis lang. She didn't end the call and that's a sign na may gusto pa siyang sabihin. Lumabas ako sa kwarto ko pagkatapos magpalit ng suot. I can't wear my nighties while exercising. That's uncomfortable and it's not the appropriate attire duh. Nagtungo ako sa third floor since we have our own gym dito sa bahay.

Always By Your SideWhere stories live. Discover now