"You're looking for a job, bro?" Tanong ni Sandro at niisang lagok ang alak.
Tumango ako habang tutok ang mga mata sa cellphone, waiting for a message from my little sister.
Bryce gives me a shot glass pero umiling lang ako dahil hindi ako mahilig uminom. Sumasama lang ako sa inuman ng barkada but I'm not drinking with them. I don't like the taste of alcoholic drinks.
"You have a background sa martial arts, right? A friend of my father is looking for a bodyguard."
Kinuha ko ang baso ng malamig na tubig at uminom. I think I know where this is going.
"Parang kilala ko 'yang kaibigan ng papa mo." Naging interesado naman ang dalawa sa sinabi ni Wren maliban kay Quest at Sandro.
"Is it Rei Avila?" Biglang sali ni Quest sa usapan at tinaboy ang kalandian na babae paalis sakanyang tabi.
Napailing kaming lahat sa ginawa niya habang hindi makapaniwala ang babaeng kahalikan niya lang kanina at nagdadabog na umalis.
"Itigil mo na 'yang pagiging babaero mo." Sita ko kay Quest. Hindi na ako magugulat kung ilang babae ang iiyak ngayong gabi dahil sa malandi na kaibigan ko.
"Hindi!" Halos mabitawan namin ang mga hawak na baso dahil sa biglaang pagsigaw ni Wren.
Baliw.
"Oh," Dismayadong reaksyon ni Quest. "Hindi si Rei Avila?"
"Hindi ka nagkakamali!"
Halos batuhin ng hawak na baso ni Quest si Wren dahil sa katarantaduhan nito. Minsan ay napapaisip ako kung ano ang alam ng utak ni Wren at kung paano 'yon gumagana, pakiramdan ko ay may mali.
"I want to be jobless bigla. Palit tayo pwesto, man." Naiinggit na sambit ni Quest at hinawakan ang balikat ko habang nagpapa-awang tumingin sa akin.
"Same, pre. Gago, ang ganda nung nag-iisang anak niya." They started talking about the man's daughter. How gorgeous and sexy she is.
"Sino ba 'yang tinutukoy niyo?" Biglang tanong ko dahil hindi ko kilala kung sino ang pinag-uusapan nila.
"Bro, seryoso ka ba? Hindi mo kilala si Astrid Avila?"
"Bakit ba nagulat ka pa? Alam mo naman na sa isang babae lang umiikot mundo niyan."
"Vernon's only interested in Kyra." Kyra's my girlfriend but I prefer calling her Hara.
Inubos ko na lamang ang laman ng basong hawak ko dahil nakakahiya naman sa mga kaibigan ko kung paano nila ako pag-usapan na parang wala ako dito.
"'Di na kailangan, pareng Sandro." Tumayo si Wren at pumunta sa gawi ko bago ako akbayan. "Ni-recommend ko na siya kay Boss Rei. Kausapin nalang daw bago kuning bodyguard ni Ms. Avila."
"Angasan mo, pare. Huwag mo ako ipahiya, alam kong parehas tayong gwapo ngunit mas lamang ako pero galingan mo bukas."
Tinanguan ako nito at binigyan ako ng isang thumbs-up bago tinungo ang mga babaeng kanina pa siya tinitignan.
"Is he drunk?"
"Hindi ko rin alam kung tinamaan na ba ng alak 'yon o hindi. That's his normal state."
"Baliw 'yang kaibigan niyo."
"Parang hindi mo din kaibigan, ah."
Hindi ko pinansin ang tatlong maiingay sa lamesa namin.
"Teka. Ano?! Anong galingan ko bukas? Bukas kaagad?!"
"NASA'N ka, pare?" Tanong ni Wren mula sa kabilang linya.
YOU ARE READING
Always By Your Side
Romance1st book of Del Acosta Trilogy. Adrianna Astrid Avila is a drop dead gorgeous supermodel born with a silver spoon in her mouth. She gets what she wants and won't take 'no' as an answer. All men that takes a glance at her immediately swoons for her e...