It has already been five days since that dinner meeting na hindi naman ata meeting. That Parker!
"That's enough, Ventura. You scared him to death." Tinapik ko ang balikat ni Vernon at hinila palapit sa akin. "He peed on himself."
Hindi naman binugbog ni Vernon ang lalaking nasa harapan namin. He just talked to him calmly but there, si Mr. Velasco ay naihi sa sobrang kaba. As I've said, I'm not a fan of violence.
He certainly knows na iniisa-isa ko na sila. Well, he's the second to the last guy on my list.
"Pa, we're home!" A cheerful voice yelled. Natigilan kaming dalawa ni Vernon.
Lumingon si Vernon sakanila ngunit nanatili ang tingin ko kay Mr. Velasco. He looks frightened at the sight of his daughters. Napangisi ako kasabay nang pag-angat ng tingin niya sa'kin.
Umiling ito na para bang sinasabi sa akin na huwag ang mga anak niya.I turn around to face his daughters. Wala akong makitang bakas ni Mr. Velasco sakanila. They inherited their mother's characteristics.
May halong pagtataka at pag-aalala sa mukha ng panganay na anak ni Mr. Velasco habang hawak ang kamay ng nakababatang kapatid.
Base from that man, Malory Velasco is sixteen years old while the little girl beside her is Leticia, a six years old kid.
"What's happening, Ate Malory?" Inosenteng tanong ni Leticia sa kanyang ate.
"Leticia," Itinago ni Malory si Leticia sa likod niya.
Hindi ako mahilig sa bata kaya sinenyasan ko si Vernon na siya nang bahala sa dalawa. Lumapit si Vernon sa dalawa at kinausap ang mga ito. Napipilitan naman ang mga ito na umakyat sa mga kwarto nila.
Hinarap ko si Mr. Velasco nang makaalis ang kanyang mga anak.
"'Wag mo sila galawin, Ms. Avila. Nakikiusap ako. Wala na ang ina nila. Ako nalang ako natitira sakanila. Ang bata pa ni Leticia. Pakiusap!" Lumuhod ito sa harapan ko habang malakas na umiyak.
What a pity.
I kneel para magpantay kami. Inilapit ko ang bibig sa tainga niya at bumulong.
"But isn't it your fault why your wife died? You sold her, right? Malaki ang utang mo sa mga Crawford at ang asawa mo ang pinambayad mo." Ngumisi ako nang nanlaki ang kanyang mga mata at dahan-dahang lumingon sa akin.
"S-Saan mo n-nalaman yan?" Utal na tanong nito. "Paano mo nalaman 'yan?!"
Yumuko ako habang umiiling. "Tsk, tsk, you underestimated me, Mr. Velasco."
"Sinong nagsabi sayo niyan?!" Lumayo ito sa akin habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. "Sabihin mo!" Kinuha niya ang bote ng wine at binasag.
Tinapat niya ito sa amin habang nagbabanta ang mga tingin. "Sagot!"
Humarang sa harapan ko si Vernon para protektahan ako. "Take it easy, Luke Velasco." Tumatawang sambit ko.
Tinapik ko ang likod ni Vernon sa inis, harangan ba naman ang kausap ko. Nang hindi ito umalis ay kumapit ako sa braso niya at sumandal. Finally, I saw Luke Velasco na nasa ganoon parin na posisyon.
Hindi sinasadyang napatingin ako sa second floor ng bahay. I saw some movement there.
Napabuntong-hininga ako. Those two girls can't see this.
"You're blocking the wonderful view, Ventura." Nakangiti ngunit madiin kong sambit. Inirapan ko si Vernon bago mahinang tinulak sa gilid.
"Ako dapat ang nagtatanong, Mr. Velasco." I sat gracefully on his comfy long sofa and gave him a fake smile. I gestured for him to sit in front of me. "Now, let's get down to business. You have wasted some of my time. I should be eating my lunch by now."
YOU ARE READING
Always By Your Side
Romance1st book of Del Acosta Trilogy. Adrianna Astrid Avila is a drop dead gorgeous supermodel born with a silver spoon in her mouth. She gets what she wants and won't take 'no' as an answer. All men that takes a glance at her immediately swoons for her e...