ELAINE P.O.V
I was surprised nung pinakilala samin ni Ronin si papa Daryll ko. At first, nabigla talaga ako nung malaman kung isa syang wizard from star player ng basketball biglang naging wizard. Ang galing diba? Total package na, gwapo, player ng basketball at mahusay na wizard and I'm so excited para turuan nya. Nagsimula na kaming mag ayos ng mga gamit ni Bhez. Tinulungan din namin sila Papa Daryll at Ronin sa paghahanda ng mga pagkain at sandata na dadalhin namin sa pag-eensayo. Sabi kasi ni Ronin mas mabuti na rin ang handa napakamisteryoso at mapanganib ang pag-eensayo na gagawin namin. Nagsimula na kaming maglakbay may dalawang wizard ang lumapit samin na nakasakay sa napakalaking bumble bee. Waaahh! Ang laki talaga parang ang sarap nyang sakyan per-
"Hindi ba nangangagat yan?" tanong ni Bhez.
"Harmless siya Miss Beautiful." (wink) nairita ako sa inakto ni Papa Daryll. Sabagay, sikat na playboy o sabihing casanova sa Hernberg University. Kaya malayong mapapansin nya ang beauty ko.
"Sakay na." utos ni Ronin kay Bhez.
Ang cute talaga nilang tignan. Para kasi silang aso't pusa kung mag-irapan.
"Tss." inalalayan ni Ronin si Bhez sa pagsakay sa giant bumble bee. Sumakay din sa likod nya si Ronin.
"Hey, cutie. Wanna ride?" lumabas ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin ni papa Daryll. He never fails to make me amuse. Napakagwapo nya talaga. Hinawakan nya ang kamay ko at sa isang iglap lang nakaangkas na ako sa ibabaw ng bumble bee.
"WAAAHHH! Ang lambot ng balahibo." manghang sambit ko.
"Of course babe, her name is BAM-BAM." sabay kindat nya sakin. omo. Kinikilig ako! Lumapit samin si Lolo Isko at ikinumpas ang kanyang tungkod ng pabilog sabay nagwika.
"Nawa'y pagpalain kayo ng puong Maykapal sa paglalakbay nyo. Humayo kayo at pagpalain na magtagumpay laban kay Sator." usal ni Lolo Isko.
ZERENE P.O.V
Maraming unfamiliar places kaming nadaanan. Maraming mga animals at plants na hindi pangkaraniwan kumpara sa mundo namin. Naglalakihan at mukhang may sariling mga isip ang bawat nilalang dito sa Underworld. Meron ding mga pulang wizards at fairies ang nakatira sa puno, ilog, ulap at bulaklak. Luntian at nangigintab sa kinang ang mga halaman at puno. Marami ding mga talon ang nag i-sparkle sa sobrang linaw. Hindi ko alintana na nasa likod ko si sungit.
"Napakayapa ng lugar na ito at kapag sinakop ito ni Sator mawawalang parang bola ang mala-paraiso at makulay ng HAMIS. Ito ang mundo ng mga fairies. Kapag sinakop ito ng kapangyarihan ni Sator maaaring gawin silang kampon nya. At yun ang ikinababahala namin dahil oras na maging kampon ng kadiliman ang mga fairies uubusin nila ang kapangyarihang meron sila para lang maprotektahan ang panginoon nila at yun ang iniiwasan namin sapagkat ganoon ang ginawa nila nung manganib ang lugar ng Samir mabuti na lamang at nakontrol sila ni Lolo Isko kasi yun ang magiging sanhi ng kamatayan nila." Malungkot na litanya ni Ronin. Kaya pala ganun nalang ang takot nilang masakop ang mabubuting lugar dito sa Underworld. Hinayaan ko lang siyang mag demo kasi alam kung mamaya pagdating namin sa Asgard sungit mode na naman yan.
"Yan ang mundo ng mga wind fairies sa ulap sila naninirahan." Pansin ko nga kasi gawa sa ulap ang mga tirahan nila, mga kasangkapan at iba pa. Parang ang sarap naman kumain ng cotton candy. Nakakamiss din pala ang pagkain ng mortal. Napansin siguro ni Ronin na naglalaway ako sa cotton candy kaya inutusan nya yung alaga nya na lumapag kami saglit.
"Anong tawag dito?" habang nilalantakan ko ang cotton candy.
"Wind- freeze candy." ang astig naman. Nextime pag-uwi ko samin hihingin ko ang recipe nito. Hehe. Ang sarap kasi for sure, magiging patok ito sa mga tao. Lumapit sakin si Bhez at kumuha din ng wind-freeze candy. And as expected, sarap na sarap din sya.
BINABASA MO ANG
ZERENE's Journey and the Wizards
FantasyAng dating normal na buhay ni Zerene ay nagbago nang mamatay ang kanyang lolo at ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Sa tulong ng kanyang taglay na kapangyarihan, natunton niya ang Underworld kung saan nakatira ang lalaking makakapagpatibok sa p...