CHAPTER 4

34 2 0
                                    

ZERENE P.O.V


Nagpatuloy kami sa paglalakbay, hindi ko alam nagsisimula na pala ang pagsubok. Muntik na naman akong mawalan ng kontrol. Sumakay ulit kami sa giant bumble bee. Nakahawak lang ako sa balahibo habang nasa likod ko si Ronin na nakahawak sa beywang ko. Nung magising ako nakita ko sa mga mata nya ang takot. Siguro dahil ako ang nakatakda kaya ganun nalang ang takot na mawala ako, ang tagapagligtas ng sanlibutan.

"Ba't ang tahimik mo?" saad ni Ronin. Nilingon ko sya saglit.

"Wala, may iniisip lang ako."

"Buti nakatakas ka sa kapangyarihan ng bruha, ikaw palang ang tanging nakatakas sa kamay nya ang lahat ng nakita mong alagad nya na isda ang ulo ay syang nabihag nya at ginawa nya itong tauhan. Upang may makasama sya sa kaharian nya." natahimik ako sa mga sinabi nya. Ba't kailangan nya pang mandamay ng mga inosenteng nilalang.

"Ang akala ko nga, hindi na ako makakatakas sa bruha."

"You look beautiful in your outfit." napalingon ako ng di-oras sa kanya. Arrghh! Ba't ba ako nagbablush? Marami na akong natanggap na compliment sa kalalakihan but when it comes to him parang ang sarap sa pakiramdam.

"T-thanks." tumigil ang bumble bee sa isang malaparaisong gubat. Bumaba na si Ronin at inalalayan ako. Nilibot ko ang paningin ko may nakasulat na letra na gawa sa kawayan.

"NISNO?"

"Isa syang paraiso na mahiwaga. Ang bawat bagay at nilalang sa loob ng paraisong ito ay kamangha-mangha." lumapit samin sina Bhez at Emir/Daryll.

"Bhez, pasok na tayo." hinawakan nya ako sa kamay. Pagpasok namin bumungad samin ang mga halamang gumagalaw at nagsasalita?

"Magandang binibining mortal." nakangiting mga bulaklak ang bumungad samin at kasing laki ito ng palanggana.

"Oh my gosh! Bhez, they can talk? For real?" Halos hindi makapaniwala si bhez kahit naman ako hindi rin makapaniwala.

"Oo, nagsasalita sila pero wag kayong mag-alala harmless living things sila." pagpapaliwanag ni Emir samin.

"Pero hindi lahat ng nandito harmless kailangan hindi natin magising ang isang dambuhalang fern na nakabantay sa ilog ng Nisno." babala samin ni Ronin.

"Bakit naman?" Tanong ni bhez.

"Dahil sya ang tagapagbantay ng paraisong Nisno. Oras na madakip ka nya maaari kang mapatay o gawing bihag nya." saad ni Emir.

"Pero don't worry babe, i won't let anybody hurt you." at kinindatan ito si Bhez na ikinapula nito. Lakas talaga ng tama ng Bhez ko sa casanovang to.

"Tss. Halika na." hinila na ako ni Ronin at saka ako sinuotan ng kwintas.

"Para saan to?" Sabay hawak ko sa kwintas na sinuot nya sakin.

"Hindi yan ordinaryong kwintas, ginawa yan ni Lolo Isko at binigay nya yan sakin."

" E, bigay pala sayo, ba't mo binibigay sakin?" takang tanong ko sa kanya.

"Dahil ang kwintas na yan ay may taglay na kapangyarihan. Oras na maramdaman nya na nanganganib na ang may suot sa kanya kusa itong lumalabas ng kakaibang kapangyarihan. Kapag nagkulay asul na ang mga dyamante na nasa kwintas lalabas ang kapangyarihan ng kwintas. Tulog, nasasaktan o wala kang mang malay poprotektahan ka nyan. Ibinigay ko yan sayo dahil sya ang pangalawang guardian mo kapag wala ako sa tabi mo o kung mapatay man ako ni Sator." pagpapaliwanag ni Ronin. Pero mas kailangan nya 'to at isa pa bigay ito ni Lolo Isko sa kanya.

"Panu ikaw? Mas kailangan mo ang kwintas na'to." maganda ang kwintas may apat na dyamante ito at kulay puti ito na kumikinang. Pero sabi ni Ronin kapag naging asul ang mga dyamante may sarili itong isip para protektahan ang may suot nito.

ZERENE's Journey and the WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon