ZERENE P.O.V
Pumasok kami kina-umagahan sa school. May apat na araw na kaming hindi pumapasok sa school simula nung pumunta kami ng Sta. Rosa. Naiwan sa bahay ang kambal at si Glend. Pero dahil mapanganib sa kanila ang lumabas ng bahay binudburan ni Emir ang palibot na bahay ng binhi pananggalang sa masasamang nilalang ng underworld. Hindi kasi sila pwede sumama sa school dahil mga bullies at tarantado ang mga estudyante sa University. Kasama namin si Ronin dahil gusto nya rin mag-aral.
Humarang sa daan namin ang Mean Girls. Hindi na ba ito nadala? Malamig ko silang tinignan at napa stiff ang leader nila. Tss. Weak.
"Well! Well! Well! Akala mo ba mapapalampas ko ang ginawa mo sa akin, Witch!. Nakaligtas ka man sa apat na araw na nawala ka dito sa University pero sisiguraduhin ko magiging talunan kang witch ka! Kaya humanda ka sa gagawin ko sayo." banta sa akin ng leader ng bullies girl. Hindi ko sya kilala at wala akong balak kilalanin ang isang inahin na putak ng putak.tss.
"Do you reallt think I'm scared. Beat me if you can." lalo syang naiinis sa sinabi ko.
"Walang hiya-" akma nya akong sasampalin ng pinigilan sya ni Bez.
"Try to slap her baka makalimutan kung tao ka pa." nag-smirk lang ako.
"Arrggghh! Makakaganti rin ako sainyo! Bitch!"
"Talking to yourself eh?" Napatawa ng malakas si Bez at saka marahas na binitawan ang kamay nito. Saka kami umalis dahil baka mainip na yung dalawa kakaantay sa amin.
Hindi namin kasama sina Emir at Ronin dahil magkaiba sila ng section. Papunta kami ng cafeteria nang harangin kami ng mga bullies girl.
"Nakita mo yun Bez! Mukha na ngang espasol yung mukha sa kapal ng harena na nilagay nya. Nagmukha pa syang umuusok na pancake sa inis sa atin. Hahaha. Grabe talaga! Laughtrip." napailing nalang ako.
***
"Bez! Ngayon na ba tayo mag-eensayo?" tanong sa akin ni Bez.
Andito kami ngayon sa mini-forest. At si Ronin ang trainor ko habang si Emir/Darryl naman ang trainor ni Bez. Ang kambal at si Glend ay nag-eensayo na rin.
Ang kapangyarihan ni GLEND ay kalikasan. Isa syang green fairy na tanging nakakapag-utos sa kalikasan. Kaya nyang utusan ang mga puno at pakilusin ang mga ugat at gawing kawal ang mga matatandang puno. Kaya niya ring pigilin ang bagyo, patilahin ang ulan, painitin ang panahon at kung gugustuhin nyang bumagyo sa isang pitik ng daliri nya kaya nyang pagunawin ang mundo. Kaya delikado na maging kakampi ng kadiliman si Glend dahil maraming mapapahamak kapag ginamit nya ang angking kakayahan. Ngunit hindi nya kayang talunin ang kapangyarihan ni Sator sapagkat ang bawat pagkumpas ng mahika nya ay katumbas ng pagpigil ng itim na kapangyarihan ni Sator.
Si BUBBLES ay isang butterfly fairy. May kakayahan syang utusan ang mga hayop at kontrolin ang mga isip nito. May kapangyarihan syang pasunurin at ihipnotismo ang kaaway sa pamamagitan ng telepathy. Kung sasabihin nyang patayin nya ang kakampi nya ay agad itong susunod. Kahit anong iutos nya sa pamamagitan ng isip ay makakaya nya. Katulad sya ni Bhez na kayang pasunurin ang mga nilalang. Nakakabasa sya ng isip katulad ni Glend maging ang pagbasa ng emosyon ng bawat nilalang katulad ng kambal nyang si Sunshine. At katulad ni Glend hindi nya magagapi si Sator sapagkat hindi nasasakop ng telepathy ang isip ni Sator sapagkat malakas ang kapangyarihan nito pananggalang sa bulong.
Si SUNSHINE ay isang butterfly fairy na nagmula sa fairyland. Hindi sya katulad ng fairy na sinliit ng hinlalaki. Isa syang hindi pangkaraniwang fairy na naninirahan sa higanteng bulaklak na kahit kaming mortal ay kayang dalhin ng bulaklak ganundin ang kambal niyang si Bubbles. May kakayahang siyang gumawa ng iba't-ibang klase ng antidote. Marunong sya mag-imbento ng mga malalakas at matitibay na sandata. May kakayahan siyang pigilin ang oras at ibalik ang mga pangyayari sa ibang panahon at mangyayari sa kasalukuyan. Kasimbilis sya ng kidlat kung kumilos. May kakayahan din syang basahin ang emosyon ng bawat nilalang ngunit hindi sya nakakabasa ng isip katulad nina Bubbles at Glend.
BINABASA MO ANG
ZERENE's Journey and the Wizards
FantastikAng dating normal na buhay ni Zerene ay nagbago nang mamatay ang kanyang lolo at ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Sa tulong ng kanyang taglay na kapangyarihan, natunton niya ang Underworld kung saan nakatira ang lalaking makakapagpatibok sa p...