~°~ MUNDO NG LIBAR~°~
3RD PERSON'S P.O.V
Bumalik ng Libar ang Halimaw na siyang naging mata ni Sator. Sinabi nito na hindi nya malapitan ang nakatakda dahil lalong lumalakas ang enerhiya nito. Dumagundong ang boses ni Sator sa buong Underworld na ikina hilakbot ng mga nilalang. Pinabalik ni Sator ang kampon nya sa lupa upang subaybayan ang lahat ng kilos ng nakatakda. Pumunta siya sa pinakadulong pintuan na gawa sa kahoy na pinalibutan ng mga makamandag na ahas at sa taas ay dalawang kulay itim na dragon na siyang tagabantay sa pintuang iyon. Hindi na kailangan pang buksan ni Sator ang pintuan sapagkat tumagos na siya sa pintuan patungo sa Mundo ng Kadiliman kung saan walang buhay na halaman, puno o mga hayop. Napakatigang ng lupa at bitak-bitak ito. Tanging malalaking bato ang nakatayo sa parang. May mga lava na dumadaloy sa bawat paanan ng kalbong bundok. Nagtungo si Sator sa gitna ng bundok at pumasok. May mga malalaking bato at mga nilalang na nagbabaga ang buong katawan na nakabantay sa bungad ng pintuan patungo sa trono ng Hari ng Kadiliman, ang anino ni Sator na nagbigay ng angking kakayahan at kapangyarihan. Sinabi nya ang pakay niya dito kapalit ng pag-alay ng tatlong nilalang na dugong bughaw. Ikinumpas niya ang kanyang mga kamay at lumitaw sa harapan ng Anino niya ang tatlong bihag na dugong bughaw. Ibinigay ng Anino ng kadiliman ang kapangyarihang hinangad ni Sator. Dumagundong ang kalangitan at lumindol ang buong kalupaan. Nag-iba ang anyo ni Sator. Nakasuot siyang itim na kapa na lampas sa lupa at napapalibutan ng maiitim na tatto ang mukha nito na sumisimbolo ng pagiging isang pangalawa sa makapangyarihang itim. Naging kulay itim ang mga mata niya at nagkaroon ng bitak-bitak ang pisngi niya. Ikinumpas niya ang kamay at saka pumunta sa piitan ni Zairon, ang kaaway at karibal niya.
Nakapiit ang mortal na si Zairon sa kabilang mundo kung saan naglipana ang mga masasamang elemento. Mga elementong hindi kayang maawa at pagkatiwalaan. Tumahimik ang lugar at nahawi at nagbigay daan ang mga elementong hayok sa laman ng tao na katulad ni Zairon. Ngumisi si Sator sa nakitang kalagayan ni Zairon. Payat na ito na halatang ginugutom. Nakayuko ito sa pinakadulo ng kwarto na may nakataling pulang itim na kapangyarihan. Umangat ng tingin si Zairon ng makita si Sator sa harapan niya. Nag-ibayo ang galit niya rito pagkakita niya sa sakim na wizard.
"Hindi ko akalain na napakahina pala ng ipinalit sa akin ni Elina. Walang binatbat na mortal. Tignan mo ngayon ang sarili mo! Nag-uumpisa ng kumulubot ang mga balat mo. WHAHAHAHA. Kahit ang panatilihing maging bata ng hitsura hindi magawa ng mga mortal na kagaya mo. WHAHAHAHA!"
Dumagundong ang mala demonyong halakhak ni Sator. Humalakhak din ang mga kampon na sang-ayon sa sinabi ng kanilang panginoon. Nakatingin lang ng masama si Zairon kay Sator kasabay ng pag ngisi nito.
"Wala man akong kapangyarihan at walang kakayahang panatilihing maging bata ang anyo ngunit busog naman ako sa pagmamahal. Pagmamahal ng mag-ina ko na pilit mong inaagaw sa akin. Mabuti pang maging mahina at walang kapangyarihan basta may angking kabutihan na nanggagaling sa puso at pag-ibig sa Maykapal kesa sa maging malakas at walang pagmamahal sa puso ng pagiging wizard at mabulok sa isang walang kamatayang kaparusahan sa pinakailalim ng lupa. Maari ka pang magbago at bumalik sa iyong dating tirahan. May panahon pa para itama mo ang iyong mga nagawang kamalian. Nabubulagan ka lang ng selos at inggit."
Lumiyab ang mga mata ni Sator at kinumpas ang kamay nya. Umangat si Zairon sa ere.
"WALA KANG KARAPATANG PANGHIMASUKAN ANG MGA DESISYON KO TAGA-LUPA! AKIN LANG SI ELINA..... AT ANG PAGMAMAHAL NA SINASABI MO AY TANGING MAHIHINA LANG ANG NAKAKARAMDAM NANG GANOON! HINDI AKO NAGSISI SA PAG-ANIB KO SA KADILIMAN DAHIL NAKUHA KO ANG BABAENG HINANGAD KO NOON PA MAN! AT ORAS NA MAGTAGPO ANG LANDAS NAMIN NG MAHAL MONG ANAK! PAPATAYIN KO SIYA SA HARAPAN MO NANG MARAMDAMAN MO ANG SAKIT AT POOT NA NARAMDAMAN KO NOONG INAGAW MO SA AKIN SI ELINA! KAPAG NAMATAY NA ANG ANAK MO TAGA-LUPA! IKAW ANG ISUSUNOD KO PARA WALA NG HAHADLANG PA SA PAG-IIBIGAN NG AKING REYNA! WHAHAHAHA! WHAHAHAHA!"
BINABASA MO ANG
ZERENE's Journey and the Wizards
FantasiaAng dating normal na buhay ni Zerene ay nagbago nang mamatay ang kanyang lolo at ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Sa tulong ng kanyang taglay na kapangyarihan, natunton niya ang Underworld kung saan nakatira ang lalaking makakapagpatibok sa p...