CHAPTER 11

12 1 0
                                    

ZERENE P.O.V


"Huwag mong sisihin ang sarili mo Ren-ren." sambit sakin ni Ronin. 

Buo na ang pasya ko.  Ililigtas ko sila sa kamay ni Sator.  Hindi ako maaaring magmukmok at umiyak lang sa isang tabi.  Kailangan kung kumilos at gumawa ng plano para mabawi ang mga kasama ko. 

"Kelangan natin makabalik sa Samir ngayon din.  Nagtagumpay man si Sator sa pagdukot sa mga kasama natin.  Ngunit, hindi ang itinakda ng propesiya ang nadukot nya.  At sa oras na magkaharap kami, pagbabayaran niya lahat ng mga kaguluhang ginawa nya sa pamilya at mga kaibigan natin." Niyakap ako ni Ronin at hinalikan sa noo.

"Huwag mong pamahayan ng poot at galit ang puso mo upang makaganti kay Sator.  Alalahanin mo ang sinabi ni Lolo Isko, huwag kang gagawa ng hakbang na pwedeng ikapahamak ng mahal mo sa buhay.  Bago palang ang taglay mong kapangyarihan, kailangan sa pagsanib ng puting buwan at pulang araw kabisado muna ang taglay na kapangyarihan mo." Mahabang litanya ni Ronin.  Tama siya, hindi ako pwedeng magpadalus-dalos ng desisyon.  Kailangan kong mahasa ang kapangyarihan na ipinagbuklud-buklod ng walong mandirigma.

"Kelan ako mag-eensayo?" Tanong ko kay Ronin.  Napangiti ito at saka ako hinalikan sa noo kasabay ng paglaho namin at naglakbay sa mundo ng Samir.

"Talasan mo ang pakiramdam at isipan mo.  Ang bawat impakto at halimaw na makakasagupa mo ay pawang mga mapanganib.  Isa ito sa pagsubok na kailangan mong lagpasan. Lagi mong tatandaan, kailangan mong pakinggan at makiisa sa kapangyarihang nasa katawan mo.  Kung kinakailangang gamitan ng meditation ay gawin mo upang magkaisa kayo. Pag aralan mo ang bawat kakayahan ng mahika na meron ka.  Ang pinagsama-samang mahika at taglay ng walong mandirigma ay may kanya-kanyang isip at galaw na kailangan mong kontrolin."mahabang paalala sa akin ni Ronin.

Mag-isa akong nag-eensayo sa pagsagupa sa mga Halimaw.  Naririnig ko ang bawat instraksyon ni Ronin sa pamamagitan ng telepathy.  Nasa Samir sya samantalang nasa ibang bahagi ako ng Mundo.  Kelangan kong sanayin ito dahil bahagi ito ng kapangyarihan na meron ako.

Nagpalipat-lipat ako sa sanga ng mga puno tsaka lumundag sa lupa at sa mismong harapan ng mga halimaw na akma sanang gigiliitan ng leeg ang babae.

"Ang itinakda!" Napalingon silang lahat sa direksyon ko at sabay-sabay na sumugod.

Nailagan ko ang  bawat pag atake nila.   Inutusan ko ang pinuno nila na patayin ang mga kampon niya at pagkatapos kitlin ang sariling buhay niya gamit ang isip ko.  Mabilis na kumilos ang pinunong Halimaw at isa-isang inasinta at pinagsasaksak ng kanyang galamay ang mga kampon nito at pagkatapos giniliitan niya ang kanyang leeg kasabay ng pagsirit ng berdeng dugo nito sa leeg niya.

"M-maraming salamat at niligtas mo ang buhay ko." Nangangatal pa sa takot ang babae habang nagpapasalamat sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinakalma ito.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya ng mahimasmasan ito.

"O-opo." Base sa hitsura nya.  Hindi siya taga-Underworld.  Isa siyang mortal at hindi ko alam kung paano siya nakapunta dito.

"Paano ka napadpad dito?"

"Hindi ko alam? Ang pagkakatanda ko, hinahabol ko ang magandang paru-paro hanggang sa napadpad ako sa talon.  Nang biglang sinunggaban ako ng mga halimaw at nag-iba ang paligid sa di ko malamang dahilan. At ito ngang paligid ang tinutukoy ko." Pinakiramdaman ko siya kung nagsasabi ba siya ng totoo at nakumpirma ko na tama ang salaysay niya base sa nakikita kong nakaraang nangyari at kakayahan kong makabasa ng isip ng tao. At base sa emosyon nya, takot na takot ito at nagkaroon ng trauma dahil sa nangyari.

ZERENE's Journey and the WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon