CHAPTER 5

20 0 0
                                    

ZERENE P.O.V

Nasa tuktok kami ngayon ng bundok kung saan mas malawak ang ilog at ang nakakamangha nakakalakad kami sa ibabaw ng tubig, mapa wizards, mortal, lamang lupa, insekto, at kahit ano.  May mga bahay din na nakatayo sa ibabaw ng tubig ngunit kasinlaki lang ito ng doghouse.  Nakakapagtaka dahil maraming nilalang ang labas pasok sa munting kubo.  At ang mas nakapagtataka mga malalaking nilalang ang labas-pasok.  Tinignan ko sina Ronin at Emir na may halong pagtataka. 

"Katulad ng sinabi ko sainyo ang lahat ng nakikita nyo sa paraisong Nisno ay pawang mahiwaga.  Sakop ito ng Nisno isa itong munting bayan ng mga Ungro.  Sila ang mga nilalang na mabait at masasama.  Kaya mag-iingat kayo sa bawat pakikitungo at pakikisalamuha sa kanila.  Maliliit na nilalang sila at kulay itim ang anyo nila." saad ni Ronin.  Kumapit sa braso ko si Bhez.  Knowing bhez masyado syang madaldal at padalos-dalos sa mga desisyon. 

"Haizt, bhez ang hirap ng mga challenge na binibigay satin." pagmamaktol ni Bhez. 

"It's not just a challenge ang lahat ng ito ay totoo kung paano nabubuhay at nakikipaglaban ang mga nilalang dito sa underworld ay parang pakikipagsapalaran ng mga mahihirap sa lungsod ng maynila.  Ang bawat pagsubok na kinakaharap nyo ay may kaakibat na panganib dahil walang pause o re-start dito.  Kapag natalo ka game over.  Tapos ang pagsubok, tapos rin ang sanlibutan." mahabang litanya ni Emir at saka inilabas ang kakaibang damit.  Hulaan ko basahan 'to.  Aanhin kaya nya yan?

"Hindi ito basahan kung yun ang iniisip mo Miss beautiful. Ito ay isang bagay na pananggalang sa mga Ungro.  Kailangan natin lahat ng ito dahil mapaglinlang sila.  Kahit sinong nilalang na makahawak o mahawakan nila ay nagkakaroon ng maraming pantal at nanghihina.  Iisipin nyo na simpleng pantal ito pero hindi, dahil lakop nito ang buong katawan mo at hindi ito nagagamot ng simpleng gamot sa botika o kahit ng mahika.  Kahit anino nila na madaanan o  maapakan mo ay magdudulot ng pangangati at pamamantal ng buong katawan." isa-isa nyang binigay samin yung damit na longsleeves at may hood. 

"I don't need this hindi naman totoo yun e. Kagat ng langgam lang ang nagkakapantal o kaya ng putakte." sabi ni Bhez.  At nauna ng lumakad papasok ng munting kubo. Dali-dali naming sinuot ang damit na binigay ni Emir at mabilis na sinundan si Bhez.

"Your friend is a hard-headed woman, delikado sa lugar na ito tsk!"  Saad ni Ronin at tumakbo ito sa kinaroroonan ni Bhez. Nakita namin sya na nakatingala at manghang-mangha sa paligid.  Hindi ko napansin na napakalawak at napakaganda ng loob na ito.  Hindi mo aakalaing isang munting kubo lang ang nakatayong bahay sa labas.  Isa itong palasyo na halos lahat ng bagay sa loob ay puno ng ginto at dyamante.  Napakataas ng tore at maraming mga fairy butterflies ang sumasayaw sa ere. 

"Tama na ang sight-seeing, hindi ba alam ng Bhez mo na delikado ang makisalamuha sa Ungro.  Fvck!" Hinila nya ako at nakasunod lang samin si Ronin.  Nilapitan namin si Bhez at saka inilayo sa Ungro.

"Alam ko ang binabalak mo Maru! Wag na wag mo syang pakikialaman dahil ako ang makakalaban mo!"banta ni Ronin sa maitim na lalake.  Ang pangit nya.  Kulay uling ang hitsura nya at puno ng buhok ang mukha at katawan.  Mahaba rin ang buhok nya pati na rin ang balbas nito.

"O! Ang prinsipe ng Samir andito pala at may kasama ka pa palang isang mortal." sabay tingin sakin ng masama.  Hindi ako natatakot sayong unano ka.  Dahil kayang-kaya kitang tirisin.  Ganito pala ang hitsura ng mga ungro.  Mukha silang mga dwende pero maiitim sila.  At oras na mahawakan mo sila magkakaroon ka na ng pantal-pantal sa katawan.  Ganito kasi ang nangyari sa pinsan ko.  Ngunit malas mo dahil alam ko kung anong bagay ang makakagamot sa gagawin mo.

FLASHBACK

Sampung taong gulang palang ako at kasalukuyan kaming naglalaro ng pinsan kong si Amira dito sa mini-forest.  Sya ang nagtatago at ako ang taya.  Halos isang oras  na akong naghahanap sa kanya ngunit di ko sya makita.  Kaya napilitan akong bumalik sa bahay para sabihin kay Lolo na nawawala si Amira. Mangiyak-ngiyak na ako habang pabalik sa bahay.  Kasalanan ko 'to.  Kapag may mangyaring masama sa pinsan ko hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

ZERENE's Journey and the WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon