ZERENE P.O.V
Namimitas kami ng mga prutas na makakain ngayon sa gitna ng kakahuyan. Tinignan ko ang kambal at mukhang sanay na sanay na sila sa adventures. Hindi mo sila makikitaan ng pagrereklamo instead nag eenjoy sila na kasama sila sa paglalakbay.
"Hindi ako masyadong maalam sa mga prutas dito sa underworld, imbes na prutas baka nakakalason na prutas ang mapitas ko." sabi ko nalang kay Ronin na kasalukuyang namimitas ng kulay kahel na prutas.
"Ito tikman mo." binigay nya sa'kin ang isang piraso nito saka ko ito kinagatan. Masarap sya, wala itong buto.
"Anong tawag sa prutas na ito?" tanong ko sa kanya.
"Yan ang tinatawag na kahel."
"Pero kahel naman talaga sya e."
"Kaya nga kahel sya." giit ni Ronin. Hindi nalang ako nakipagtalo puno na rin naman ang mga sisidlan namin. Ubos na kasi yung mga pagkain na baon namin. Hindi ito kakasya saming lahat pero ok na rin ito atleast may makakain kami sa paglalakbay.
"Bhez! Tignan mo oh! my tao na nakadikit sa puno para syang puno sa unang tingin kung hindi lang nakausli yung ulo nya sa sanga ng punong yan di namin mapapansin na may tao pala dyan." nilapitan namin ni Ronin yung tinutukoy ni Bhez. Tama nga sya! Kulay berde ang kulay nya kakulay ng puno.
"Fairy din sya pero sa mga puno sya naninirahan. Anong pangalan mo?" Nilapitan ito ni Ronin. Nasa sanga ang lalaking fairy kaya ulo lang ang nakikita namin. Lumipad sina bubbles at sunshine at saka sila humagikhik.
"Glend." tumayo ito at saka tumalon mula sa puno. Kanina ang mga paa nya nakadikit sa puno. Ang cute nya.
"Salamat po."ngumiti si Glend. Nababasa nya iniisip ko?
"Tama po kayo nababasa ko po iniisip nyo. Ano po pangalan nyo?" Nagpakilala ang bawat isa sa pamamagitan ng isip nila. Mga loko e. Purki nakakabasa ng iniisip di na nagsayang ng laway.
"Hindi nyo po ba alam na nakakabasa rin kami ni bubbles ng emotions ng bawat nilalang maliban lang sa kakambal ko at ganun rin sya." napatingin ako sa sinabi nya.
"Natatakot si Glend ngayon. Hindi sa'tin kundi sa mga paligid. Dahil natatakot sya sa mga naglilipanang elemento dito sa kagubatan. Nararamdaman nya iyon dahil kakabit nya ang puno, ugat, stems, vines, bulb, leaves at kahit anong uri ng halaman na kaugnay sa kapangyarihan nya." dagdag ni bubbles.
"Tama sila Ate Zerene. Nag iisa rin ako dito sa kagubatan at ako nalang ang natitirang fairy dahil pinaslang ng mga maligno amg mga kalahi ko." nauna na syang naglakad at bawat matapakan nya ay nagiging daan na gawa sa vines at dahon. Nagkakaroon ito ng tulay pataas hanggang himpapawid. Kung nyebe kay Elsa, mga makukulay na berde rin kay Glend.
"Paano ka nabuhay?" tanong ni Bhez.
"Dahil isa akong lagalag na green fairy. Nasa kabilang mundo ako nung patayin ng mga maligno ang mga kapatid at magulang ko. Wala akong nagawa dahil wala ako sa tabi nila nung mapatay sila, at pinagsisisihan ko kung bakit di ko sila nagawang protektahan kaya ito ako...pinagbabayaran ang kasalanan ko. Nabubuhay akong mag-isa na may takot at pangamba. Kaya kung maaari sana, isama nyo nalang ako sa paglalakbay nyo?" lumungkot ang hitsura nito.
"Pwedi ka sumama pero mapanganib ang pupuntahan namin. Hindi maligno at hindi masasamang elemento kundi hari ng kadiliman. Sasama kapa ba?" Saad ni Emir.
"Buo na ang pasya ko. Sasama ako sainyo, naduwag lang ako dahil sa nag-iisa nalang ako at wala ng kakampi pero ngayon alam kung kaya kung makipaglaban dahil andyan kayo." ngumiti ito at saka nilapitan ang dalawang kambal. Binuka nito ang pakpak na kulay berde at saka sila lumipad sa ere. Tuwang-tuwa ang kambal dahil may kaibigan na sila.
BINABASA MO ANG
ZERENE's Journey and the Wizards
FantasíaAng dating normal na buhay ni Zerene ay nagbago nang mamatay ang kanyang lolo at ang pagkawala ng kanyang mga magulang. Sa tulong ng kanyang taglay na kapangyarihan, natunton niya ang Underworld kung saan nakatira ang lalaking makakapagpatibok sa p...