Her pov
'May mga misteryo sa buhay natin na nananatiling misteryo at may mga bagay na hindi natin inaakalang mangyayari sa buhay natin'
Basa ko sa isang linya sa librong aking binabasa.
Nyekk? Okayyy! Pero hindi naman totoo tong binabasa ko eh.
"Rae" lumingon ako nang tinawag ako ng kaibigan ko.
"Hmmm?" Lumapit sya sa akin at umupo sa aking tabi.
"Tapos na yung thesis nyo?" Tumango at nagbasa ulit.
I really love reading stories. Marami na akong nabasa and ang pinakagusto kong parte ng istorya ay kasal at ang buhay mag asawa.
Nagtanong ulit sya ng mga bagay bagay at humihinto ako sa pagbabasa upang sagutin sya. Maya maya ay tumahimik sya kung kaya't napatigin ako sa kanya. Tila malalim ang kanyang iniisip at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Shet! beh alis na muna ako, mag-uumpisa na pala yung klase ko" agad syang tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Ahhh sige babyeee" tanging nasambit ko habang nakatingin sya kanya. Ngumiti sya sakin at tumango ako.
"Bye" nagmamadali syang umalis. Sinundan ko lamang sya ng tingin at pinagpatuloy ko na ang aking pagbabasa.
Vacant ko ngayon kaya medyo marami akong oras. Wala naman akong dapat gawin kaya mas pinagtuunan ko ang pagbabasa.
Luminga linga ako nang maramdaman kong may nakatingin. Nakita ko ang isang lalaking nakaitim sa di kalayuan.
Di ko alam pero pakiramdam ko pinagmamasdan nya ako. Tinitigan ko syang maigi.
Nawala ang atensyon ko sa lalaki nang biglang umingay ang paligid.
Nang bumaling ulit ako sa kanya ay bigla syang nawala. Kinusot ko ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako.
Sinubukan ko muling magbasa ngunit hindi mawala sa isip ko ang lalaki kanina.
Hayssss! Ano ba yan?! Kababasa ko to eh! Kung ano ano na nararating ng imahinasyon ko tsk tsk tsk.
Napatingin ako sa lalaking dumaan sa harap ko at saka napairap. Tsk! Nakakainis! Napatingin din sakin yung isa nyang kaibigang lalaki at pinanlakihan ko ito ng mata.
Bumaling nalang ulit ako sa binabasa ko pero makalipas lamang ang ilang sandali ay ramdam ko na naman na may nakatingin eh.
Luminga linga ulit ako pero this time nilabas ko ang cp ko na parang may katawagan at pasimple kong hinanap kung sino yun.
Nahagip ng mata ko yung lalaking nakaitim. Agad akong tumayo para sana lapitan sya pero bigla syang nawala.
Namamalikmata lang ba ako? Pero hindi eh!
Posible kayang... Aishhh! Ano ba tong iniisip ko?!? Di yun mangyayari okay?
Pero pwede... pwedeng mangyari yun!
Nagsimula na yung klase pero iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Namalikmata lang ba talaga ako? Pero kase hindi ito ang unang beses eh... alam kong hindi ito ang unang beses pero di ko matandaan kung kelan.
"Ms. Evangelista, you're not listening, you are spacing out!" Naputol ang pag iisip ko dahil sa sigaw ng aking guro. Napatayo din ako dahil sa gulat.
"S-sorry po..." nakayukong sabi ko. Nakakahiya!
"Now answer my question" hala? Question? Anong question? May question ba? Bakit di ko alam? Takte!
"Anong question po?" nalilito kong tanong na syang naging dahilan ng tawanan ng aking mga kaklase.
Luhhh? Nakakatawa yun? Anong nakakatawa dun? Mga baliw! May tanong ba talaga?
Kahit naiinis sakin ay inulit ng teacher ko ang tanong. Mabuti na lamang at hindi gaano mahirap ang tanong at nasagot ko ito ng maayos.
Inalis ko sa isip ko ang lalaki at itinuon ko ang aking atensyon sa idini- discuss ng teacher namin.
Nang mag uwian ay naisipan kong puntahan ang mga kaibigan ko para sabay sabay na kaming umuwi. Sa kabilang building pa sila kaya pagdating ko ay labasan na din nila. Sila Dia at Tine ay sa first floor at si Jia ay sa third floor.
Hiwa-hiwalay kami ng classroom dahil iba iba ang kinuha naming strand at tanging sila Dia at Tine lang ang magkaklase.
Napagpasyahan naming puntahan si Jiana sa classroom nya. Habang naglalakad kami ay nagkukwentuhan sila Tine at tanging ngiti lang ang sinasagot ko pag tinatanong nila ako dahil wala akong maintindihan sa sinasabi nila.
Ewan ko ba pero iniisip ko ulit yung lalaki eh. Walang nakakaalam ng tungkol sa kanya. Wala akong pinagsasabihan, kahit ang mga kaibigan ko ay hindi alam ang tungkol dun. Iniisip ko na baka coincidence lang at nag- aassume lang ako.
"Okay ka lang bhe?" tinapik ako ni Dia.
"Huh?" napatingin ako sa dalawa na nakakunot noo sakin.
Di ko napansin na nandito na pala kami sa tapat ng classroom nila Jiana.
Ilang sandali lamang ay natapos na ang klase nila. Unang lumabas ang kanilang teacher at isa isa na ding lumabas ang mga estudyante.
Napatingin ako sa taong kinaiinisan ko na ngayo'y papalabas na ng pinto. Tumingin din sya sakin kung kaya't nagtama ang aming paningin.
"Ehem! Baka matunaw yan bhe!" nagtawanan ang dalawa at napairap nalang ako.
"Hintayin mo kami pre!" sinundan ko nang tingin ang papalayong lalaki.
Hindi na din kami nagtagal dun dahil lumabas na si Jia sa kanilang classroom.
YOU ARE READING
Him...
RandomPaano kung may lihim na sumusunod sayo?... nagmamasid... nagmamahal... A stalker... Stalker that secretly inlove with you...