Rae pov
"A-ali kuya?" utal na ani ko. Napabangon ako dahil doon. Seryoso ang mukha nya, pinilit kong tumingin sa kanyang mga mata kahit medyo natatakot ako.
"Oo sino si Ali?" di ko alam ang isasagot ko!
Shet na malagket!
"Kuya anong oras na nga pala?" pag-iiba ko.
"Sagutin mo muna ang tanong ko." sinamaan nya ako ng tingin.
"A-ano kuya..." nangangapa ako ng sasabihin.
"Ano? Saka kanino yung jacket? Masyado iyong malaki para sayo. Ano? sagot!" patay!
"Y-yung jacket kuya..." shet! Anong ipapalusot ko? "B-binili ko yun sa o-online kuya. T-tas ano... ahmmm w-wala nang i-ibang size k-kaya ganun." tiningnan nya akong maigi.
Sana gumana yung palusot ko...
"Sino naman si Ali?" putek! Ano sasabihin ko?
"Si A-ali kuya... A-ano... Ahmm..." mag- isip ka self! "S-sya yung ano... Yung f-fictional character dun sa binabasa ko kuya. S-super crush ko kase sya dahil n-nagustuhan ko yung personality nya." tiningnan nya ako gamit ang malamig na tingin.
"Tss, matulog kana puro kasinungalingan yang lumalabas sa bibig mo." nanlamig ako nang nya sabihin iyon.
"Kuya!" tawag ko sa kanya ng bigla nya akong talikuran.
Gustuhin ko mang tumayo at puntahan sya ay hindi ko na ginawa dahil antok na antok na ako at medyo masama pa ang pakiramdam ko. Humiga muli ako at ilang sandali lamang ang nakakaraan ay nakatulog na ulit ako.
Nagising ako at lumabas sa aking silid. Wala tao sa loob ng aming bahay, marahil ay pumasok na sa trabaho sila mama. Pero asan si kuya?
Nakita kong dumaan si nanay kung kaya't sa kanya ako nagtanong.
"Maagang umalis ang kuya Azrael mo pero babalik din daw sya mamaya." aniya.
"Sige po nay. Nag almusal kana nay?"
"Oo. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nya.
"Maayos na naman ho." tumango sya bago umalis.
Kumain ako ng almusal at uminom ng gamot. Bumalik ako sa aking silid at nagbasa nalang ng wattpad.
Mga alas onse y media ay dumating si kuya at may dala syang pagkain.
"Kumain kana." malamig na sambit nya saka dumiretso sa kanyang silid. Inilagay ko sa mangkok ang dala nyang ulam at nag sandok na din ako ng kanin para saming dalawa.
Matapos kong ihain ang mga pagkain ay nagtungo ako sa kanyang silid. Nakasarado ang pinto kung kaya't kinatok ko nalang sya at sinabing...
"Kuya kumain na tayo..." bumukas ang pinto at nakapagpalit na sya ng pambahay. Nauna syang naglakad papunta sa hapag.
Pareho kaming walang imik habang kumakain, ni hindi nya ako tinatapunan ng tingin.
"Kuya..." mahinang ani ko pero hindi sya lumingon. Tatawagin ko sana ulit sya nang mag ring ang cellphone ko.
"Hello Rae?" si Martina.
"Tine?" lihim akong napangiti nang napatingin sakin si kuya.
"Kumusta kana? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nya.
"Maayos na naman. Kayo kumusta?" binaba ko ang phone ko at ini- loud speaker para makakain ako.
"Okay lang din kami bhe. Alam mo ba may gustong manligaw kay Tine-" agad na pinutol ni Tine ang sasabihin ni Dia.
"Edi wow bhe!" natawa ako sa kanilang dalawa. Napatingin ako sa kuya ko na ngayon ay mukhang papatay.
"Kwento ko sayo sa monday bhe!" natatawang sabi ni Dia.
"Sige sige" matapos iyon ay pinatay na nila ang tawag.
Nagulat ako nang padabog na nilagay ni kuya ang pinagkainan nya sa lababo at pumunta sa kanya silid. Malakas din ang pagkakasara nya sa pinto at wari'y nais nitong gibain ang pinto.
Tss seloso talaga amp...
Nagkulong si kuya sa kanyang kwarto at nung hapunan lang sya lumabas. Hindi nya pa rin ako pinapansin at tahimik lang sya. Pagtatawagin ko naman sya'y hindi nya ako nililingon at tila walang narinig.
Pagkatapos naming kumain ay nanonood lang sila mama ng TV saglit at nagpasya nang magpahinga. Nanood ako ng TV habang si kuya ang naghuhugas ng mga plato.
Napangisi ako nang may naisip akong kalokohan.
Tiningnan ko muna si kuya Az na ngayo'y seryosong naghuhugas ng plato.
Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number ni Tine. Agad nya naman itong sinagot.
"Hello?" bati ko.
"Oh beh?"
"Busy ka?" tanong ko.
"Hindi. Bakit?"
"Wala makikipag kwentuhan lang." natawa sya sa aking sinabi. "Spill the tea na, Tine." ramdam kong napatingin sakin si kuya.
"Loka! wala lang yun!" sabi nya saka natawa.
"Sino ba dun? Sa dami ng NAGKAKAGUSTO sayo, nalilito ako kung sino sa kanila." diniinan ko talaga ang pagkakasabi ko ng 'nagkakagusto' dahil gusto kong makita ang reaksyon ni kuya Az.
Hindi nga ako nabigo dahil kitang kita ko na tila umuusok na ang ilong nya sa galit at nakatingin sya ng masama sakin. Siguro kung nakapaglalabas lang ng laser ang mata nya, kanina pa ako naging abo dito.
"Baliw!" tumawa sya ng malakas at ganun din ako.
"So sino nga?" pangungulit ko.
"Wala lang yun beh..."
"Sussss!" naputol ang pagtawa ko nang pabagsak na isara ni kuya Az ang pinto ng kwarto nya.
YOU ARE READING
Him...
RandomPaano kung may lihim na sumusunod sayo?... nagmamasid... nagmamahal... A stalker... Stalker that secretly inlove with you...