Ikasiyam

2 0 0
                                    

Rae pov

Effective yung ginawa ko dahil tumigil sya. Sinamantala ko ang pagtigil nya at lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko.

Nang huminto ako ay isang metro nalang ang layo nya sakin. Lumakas pa lalo ang patak ng ulan.

"Mine..." ulit ko. Humarap sya sakin at hinubad nya ang suot nyang jacket.

May kung ano sa mga mata nya na di ko mawari. Hindi kaya...

Fuck! May epekto sa kanya ang salitang iyon!

Napapikit ako ng mariin upang pigilan ang luha kong nagbabadyang tumulo. Naramdaman kong may kung ako sa ulo ko.

Pagdilat ko ay nakapatong sa ulo ko ang jacket nya at pagtingin ko sa kanya ay andun pa rin sya sa kanyang pwesto kanina.

Imposible! Saglit na saglit lang akong pumikit! Paano nangyaring nakapunta sya sa pwesto ko at bumalik sa pwesto nya ng ganun ka bilis?!

"Nothing is impossible, mine." nakakunot-noo ako.

Nabasa nya kaya ang nasa isip ko?

"Sino ka ba talaga?" ayun ang tanging lumabas sa bibig ko kahit sobrang daming tanong ang gusto kong itanong sa kanya.

"You don't need to know." malamig na sabi nya.

"I need to know! Ikaw ba 'sya'?" tuluyan nang tumulo ang luhang pinipigilan ko kanina.

"Hinahanap kana nila..." nag-iwas sya ng tingin.

"Tell me, please..." malamig nya akong tiningnan at hindi sya sumagot.

Tinanggal ko ang jacket sa ulo ko at mabilis na tumakbo sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak ako sa dibdib nya.

Hindi ko alam kung dahil ba sa basa sya ng ulan o sa kung ano kung kaya't malamig sya.

"B-bakit ang lamig mo?" bumitaw ako sa pagkakayakap at tumingin ng diretso sa kanya.

Ang putla din nya!

Wala akong mabasang kahit ano sa kanyang mga mata.

"Nag-aalala na sila sayo. Bumalik ka na doon-"

"Hindi! Sagutin mo muna ako! Sino ka ba talaga? Bakit lagi mo akong sinusundan? Bakit sa t'wing nilalapitan kita bigla kang nawawala? Ikaw ba 'sya'? Please..." nanghihina ako at nilalamig na din.

Imbes na sagutin nya ako ay hinablot nya ang jacket sa kamay ko at ibinalik ito sa ulo ko.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Bumalik ka na doon."

"Ayoko! Please, sabihin mo kung sino-"

"Ali. Call me Ali." tila huminto ang mundo ko nang marinig iyon.

Ali... He's Ali? He exists? Am I dreaming?

"A-ali?" nanginginig ang mga tuhod ko at kung hindi nya ako nasalo ay baka bumagsak na ako sa lupa.

"Careful..." nakahawak sya sa bewang ko at halos isang dangkal lang ang layo ng aming mga mukha.

Medyo hirap ako sa paghinga dahil sa aking pag-iyak.

"T-totoo k-ka?" bago nya pa ako nasagot ay dumilim na ang buong paligid ko.

Nang nagising ako ay nasa kwarto ko na ako.

Ang pagkakaalala ko ay- wait... Asan si Ali?

"Ma gising na si Ariz!" napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na yun.

"Kuya..." mahinang ani ko.

"Ano? Kumusta ang pakiramdam mo?" nag- aalala nyang tanong.

"A-anong nangyari?"

"Nahimatay ka daw sabi ng kuya mo. Kumusta na ang pakiramdam mo?" ani mama na may dalang isang mangkok ng mainit na sabaw.

"Kumain kana muna, Ariz." tumango ako at humigop ng sabaw.

"Anong nangyari, kuya?" ulit ko sa tanong ko kanina.

Nakita kaya nila sya?

"May nakapagsabi daw kay Selene na nandoon ka daw sa tapat ng cr ng girls. Naabutan ka naming walang malay at basang basa." napakunot-noo ako.

Tapat ng CR? Pero hindi naman ako dun nawalan ng malay.

"Kuya yung jacket nasaan?" tanong ko.

"Anong jacket?" natigilan ako sa kanyang tanong.

Hindi ba totoo yung nangyari kanina? Hindi eh... Totoo yun! Sigurado ako.

"Kulay itim na jacket..."

"Sinampay ko muna dahil basang basa iyon." napatingin ako kay mama nang sabihin nya iyon.

"Kanino galing ang jacket na yun? Wala kang jacket kanina at wala ka ding ganoong jacket." natigilan ako sa kanyang tanong.

"Ahmm..." nangangapa ako ng sasabihin kung kaya't napatingin ako kay mama na naghihintay din ng aking sagot. At dahil wala na talaga akong maisagot, I faked my cough. "t-tubig!" agad na inabot sakin ni kuya ang tubig.

"Azrael pakikuha nga nung gamot." agad namang tumalima si kuya sa utos ni mama.

Pagkabalik ni kuya ay pinainom nila sakin ang gamot. Makalipas ang ilang sandali ay hindi ko na namalayan ang nangyari dahil nakatulog na ako.

"Rae!" nagising ako sa malakas na pagyugyog sakin ng kuya ko. Pinilit kong imulat ang mata ko kahit antok na antok pa ako. "Binabangungot ka!"

"Huh?" mahinang usal ko.

"Kanina mo pa binabanggit yung pangalang Ali, sino ba yun?" Tila nanlamig ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Him...Where stories live. Discover now