Ikaapat

4 0 0
                                    

Rae pov

Nagtatawanan kami habang papasok sa canteen. Agad naman naming nakita yung dalawa.

Bumili muna kami ng pagkain saka pumunta sa table na kinaroroonan nila Dia. Medyo marami ding tao ah buti nalang at may upuan pa.

"So nakilala nyo na yung pinsan ko?" Tanong ni Tine. Nagsalit-salit ang tingin nya samin ni Jiana.

"Kaklase ko sya" sabi ni Jiana

"He approached me" sabi ko nalang.

"Ahh oo nakukwento ko nga pala kayo sa kanya kaya siguro kilala ka nya" sabi sakin ni Tine.

"Yeah I remembered that she's your friend so I approached her" Alexius said.

"By the way, this is Dia Philomena" pinakilala ni Tine si Alexius kay Dia.

"Hi! Nice to meet you" nakangiting sabi ni Dia

"Nice to meet you too" ngumiti din si Alexius.

"Nasa kabilang table lang pala sya" bulong ko kay Tine. Kilala na nya agad ang tinutukoy ko. At yun yung taong kinaiinisan ko.

"Yeah nandito na sya nung dumating kami eh" bulong nya din sakin.

"Ang gwapo ng pinsan mo beb, pwede akin nalang?" tumawa ng malakas si Tine kaya napatingin sila samin.

"Why?" Nakakunot noong tanong ni Alexius.

"Sabi nya ang gwapo mo daw" nagtawanan sila habang ako naman ay halos magmukhang kamatis dito.

"Really? Thank you" kinindatan nya ako kung kaya't mas lalo akong inasar ng tatlo. Pinanlakihan ko nalang sila ng mata.

Tumayo ako kung kaya't napatingin sila sakin.

"Bibili muna ako ng juice. Papasabay kayo?" nagpasabay silang tatlo at nagbigay ng pambili.

Napalingon kami kay Alexius nang bigla syang tumayo.

"I'll go with you" nakangiting sabi nya.

"Ha?" napatingin ako sa tatlo na parang ewan tsk. Si Jiana ay nagpipigil ng tawa habang nakatingin sa pagkain nya habang yung dalawa naman ay nakangiting nagkatinginan.

"I'll go with you" tatanggi sana ako kaso naisip ko hindi ko pala kakayaning bitbitin yun lahat kase baka matapon.

"Ahh yeah sure" hindi ko alam bakit pero napatingin na naman ako sa kinaroroonan ng lalaking yun. Nakatingin din sya sakin at gaya kanina ay masama ang tingin nya. 

Anong problema nya?

"Tara na" naglakad na ako papunta sa bilihan ng juice pero kahit nakatalikod ako ay ramdam ko pa rin ang talas ng tingin sakin nung lalaking yun. Nakasunod lang sakin si Alexius hanggang sa makarating kami sa bilihan.

"Gusto mo din ba?" Tanong ko kay Alexius.

"No" umiling sya at ngumiti.

"Pansin ko ang hilig mong ngumiti ah" natawa sya sa sinabi ko.

Ang cute nyang tumawa!

"Ano sayo?" Tanong nung tindera sakin. May dalawang klase ng juice silang binebenta, may pineapple at may four season. Hindi naman palagi ganun minsan iba ang juice na tinda nila.

"Ahmm tatlong pineapple po tapos isang four season" sabi ko saka bumaling kay Alexius "ayaw mo ba talaga?" Tanong ko.

"Yeah"

Iaabot ko na sana ang 28 pesos na bayad sa tindera nang unahan ako ni Alexius na magbayad. Nagbigay sya ng 100 sa tindera.

"Huh?" Taka ko syang tiningnan. Bumaling sya sa akin nang nakangiti.

"My treat"

"Ehh? Nakakahiya naman eto na oh" pilit kong binibigay ang bayad sa kanya.

"No need." kinuha nya ang sukling iniabot sa kanya nung tindera.

"Ahh sige salamat" ngumiti ako sa kanya.

Iniabot na sa amin ang mga juice. Nakalagay lang sya sa paper cup kaya kung hindi ka mag- iingat ay matatapunan ka.

Naglakad na kami pabalik.

"Thank you talaga ha"

"You're welcome"

Huminto muna ako para uminom ng juice na four season. Medyo maraming tao sa pinaghintuan ko kung kaya't di sinasadyang nasagi ang kamay ko habang nainom ako.

"Shet!"

ARGHHHHH SHAWN CRAIG DELOS REYESSSSS!!!!! Nakakainisss kang talagaaaa!!!!!! Bwiset! Bwiset! Bwisettttt!!!!!

Imbes na humingi sya ng dispensa ay tiningnan nya lang ako gamit ang malamig na tingin.

Napapikit nalang ako sa inis nang bigla syang ngumisi ng nakakaloko at naglakad palayo.

"Are you okay?" tanong ni Alexius. Inabutan nya ako ng panyo ngunit tinanggihan ko iyon.

"Hindi na, thank you. Ayos lang naman to" pinilit kong ngumiti kahit sa loob loob ko ay gusto ko ng pumatay ng tao.

Buti nalang talaga at wala nang pasok kundi yari talaga sakin yung lalaking yun.

"Mauna kana dun sa kanila. Bibili lang ulit ako ng bagong juice" inabot ko sa kanya ang isa pang juice na nasa kamay ko.

Bago pa sya makapagprotesta ay nakapaglakad na ako papunta sa tindahan ng juice.

Habang naghihintay ako dahil may nabili pa ay napansin ko ang isang lalaki. Sya yung lalaking nakaitim!

Hindi na ako nagdalawang isip at nilapitan ko sya. Masyadong mabilis ang lakad nya kaya ang layo ng distansya ko sa kanya.

Lumiko sya kung kaya't lumiko din ako sa nilikuan nya pero pagdating ko dun ay wala na sya.

Him...Where stories live. Discover now