Ikawalo

2 0 0
                                    

Rae pov

Pinilit kong makinig sa discussion kahit naglalakbay na naman ang utak ko.

Nang matapos ang klase ko ay hinintay ko nalang sila sa tapat ng building nila.

Makulimlim ngayon at tila nagbabadya ang pag-ulan. Luminga-linga ako sa paligid. Naglalabasan na din ang ibang mga estudyante.

May natanaw akong pamilyar na pigura sa di kalayuan.

"K-kuya?" mahinang bulong ko. Nakatalikod ito sa gawi ko at hindi ko mawari kung sya ba iyon.

Nang humarap ito, saka ko lang nakumpirma na sya talaga iyon.

"Kuya!" sigaw ko saka patakbong lumapit sa kanya. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit.

"Aray naman! Namiss mo yung kuya mong gwapo?" napairap nalang ako at bumitaw sa pagkakayakap.

"Baka lipadin ka dahil sa kahanginan mo."

"Tss..." sinimangutan nya ako.

"Sya nga pala, bakit mo ko sinundo?" tanong ko.

"Bakit ayaw mo? Siguro may boyfriend kana no?"

Hayss ang issue talaga ng kuya ko.

"Wala no! Ang sabihin mo, mambababae ka lang kaya ka andito."

"Hindi no! Good boy kaya tong kuya mo." natawa nalang ako sa sinabi nya.

"Yeahhh... and the pigs can fly." natawa sya sa sinabi ko.

"Kuya Azi!" napalingon ako sa mga kaibigan kong papalapit sa amin.

"Selene..." gusto kong matawa nang halos maging korteng puso ang mga mata ng kuya ko nang makita nya si Tine.

Nagkanya- kanyang bati ang mga kaibigan ko sa kanya at binati nya din ang mga ito.

"Kumusta, kuya?" tanong ni Dia sa kanya.

"Eto gwapo pa rin" napa- face palm nalang ako dahil sa kahanginan ng kuya ko.

"Yabang mo, kuya." natawa sila sa sinabi ko.

Nawala ang ngiti ni kuya at biglang nandilim ang mukha na nakatingin kay Alexius na ngayo'y katabi at kausap si Tine.

"Boyfriend mo, Selene?" pinipigilan ko ang tawa ko dahil mukhang papatay ng tao ang kuya ko.

Seloso sya gurl!

"Naku! Hindi, pinsan ko sya." biglang umaliwalas yung mukha nya nang marinig iyon.

"Hi! I'm Rein Azrael C. Evangelista. Just call me Azi." naglahad sya ng kamay kay Alexius.

"Nice too meet you! I'm Alexius Adam Castellion." tinanggap ni Alexius ang nakalahad na kamay ni kuya at kalauna'y bumitaw din.

"Nice to meet you too, Lex... Ahmm am I allowed to call you that? Masyadong mahaba ang pangalan mo." tumango si Alexius bago sumagot.

"Yeah, sure."

Niyaya kami ni kuya sa canteen dahil manlilibre daw sya. Syempre di na kami tumanggi, lalo na ako dahil bihirang manlibre yan... napakakuripot kaya nya.

Nilibre nga kami ni kuya sa canteen. Medyo kaunti nalang ang mga estudyante dahil nagsiuwian na yung iba.

May ilang bumati kay Kuya na dati nyang mga kakilala. Dito din kase sya nag-aral dati at medyo kilala sya, masyado kase syang playboy eh.

Nagkwentuhan sila kuya at nakikinig lang ako. Wala lang di ko lang trip magsalita.

"Your brother has crush on my cousin, doesn't he?" Alexius asked.

"I don't know." nagkibit-balikat nalang ako.

May promise ako kay kuya na di ko sasabihin sa iba na may gusto sya kay Tine.

"He looked like a jealous/possessive boyfriend earlier when he asked if I was Tine's boyfriend." natawa ako sa sinabi nya, napatingin tuloy sila Jia sa amin.

Nagbubulungan lang kami kaya hindi nila naririnig ang pinag-uusapan namin.

"Share nyo naman yung pinag-uusapan nyo!" nagtawanan sila sa sinabi ni Jiana.

"Oo nga! May sariling mundo kayo dyan ah!" natatawang sabi ni Tine.

Napasimangot nalang ako dahil nang-aasar na naman sila. Si kuya naman ganun din, nakangiti sya sakin ng nakakaloko.

"Ariz, pahiram ng phone..." ani kuya Azi.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"May itetext lang ako. Naiwan ko yung phone ko sa bahay." tumango ako at iniabot ko sa kanya yung cp ko.

Nag-excuse ako sa kanila. Pumunta ako sa cr dahil naiihi na ako. Mas kaunti ang estudyante ngayon kesa kanina.

May nadaanan akong mga cr pero nakasarado na ang mga iyon kaya medyo napalayo ako sa canteen.

Paglabas ko ng cr ay nakita ko na naman sya, medyo malayo sya ngayon.

Naba-blanko ang utak ko. Hindi ko alam kung lalapitan ko na ulit sya o hindi. Nakatitig lang kami sa isa't isa, hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

Tumalikod nalang ako sa gawi nya at naglakad papalayo... pero hindi pa ako nakakasampung hakbang ay kusa akong napabaling sa kanya at nagsimulang humakbang papalapit sa pwesto nya.

Hindi ko kayang palampasin ang pagkakataon para makausap sya dahil hindi ako mapapakali kakaisip.

"Teka lang!" sigaw ko nang makitang humakbang sya papalayo sa akin.

Hindi sya huminto at patuloy lang syang naglakad.

"Saglit lang naman!" medyo mabilis ang lakad nya kaya napilitan akong tumakbo.

Takte! Hinihingal na ako! At naambon na din!

"Wait!" ayaw nya pa ring tumigil! 

Medyo lumalakas na yung ambon at patuloy pa rin sya sa paglakad palayo sa akin.

Tingnan natin kung di ka titigil dito.

"Mine..."

Him...Where stories live. Discover now