Rae pov
"Kanina after recess, late sya tapos dire-diretso lang sya na pumasok sa loob ng room kahit andun na yung teacher namin..." tahimik lang kaming nakikinig sa kwento ni Jia. "Nung tinawag sya nung teacher namin, nagulat nalang si ma'am nang makitang may ganun sya tapos nung tinanong sya tungkol dun ang sabi nya..."
"Sinapak ko sarili ko." napatingin kami kay Alexius nang sabihin nya iyon. Naka- straight face lang sya at wala talagang mababasang emosyon sa mukha nya. Humalagapak ng tawa si Jia na syang dahilan kung bakit kami pinagtitinginan ngayon.
"Ganyan! Ganyang ganyan yung mukha nya kanina..." natatawang sabi ni Jia at natawa din si Alexius. "edi nagulat yung teacher namin tapos tinanong nya si Shawn kung bat nya sinapak yung sarili nya, ang sabi nya..."
"Huh?! Sinapak ma'am?! Bat ko naman sasapakin yung sarili ko? Hindi ho ako baliw para gawin yun." natawa ako sa pagiging in character ni Alexius tapos may accent pa ang pagtatagalog nya.
"Para syang natauhan nun. Nainis si ma'am kaya pinapunta nalang sya sa clinic para magamot yung mga sugat nya."
"Para syang tanga..." komento ko.
"Bakit naman nya sasapakin yung sarili nya?" tanong ni Tine.
"Oo nga?" pagsang-ayon ni Dia. Sasagutin ko sana yung tanong nila na 'kase baliw sya' pero biglang tumunog ang phone ni Dia, hudyat na may tumatawag. Nag- excuse sya para sagutin iyon at umalis.
May fifteen minutes pa naman bago ang next subject ko kaya napagpasyahan kong umidlip muna. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa lamesa at ipinatong ko ang ulo ko sa mga kamay ko. Naririnig kong nagkukwentuhan sila Tine habang sinusubukan kong matulog.
"Hayaan nalang muna natin baka puyat sya." rinig kong sabi ni Tine nang magtanong si Alexius kung bat ako nakaganung ayos.
Hindi ko magawang matulog kaya umayos nalang ako nang upo pero pag angat ko ng tingin ko nahagip ng aking mata yung lalaking nakaitim sa di kalayuan.
Naputol lang ang pagtitig ko sakin nang tapikin ako ni Jiana para sabihing malapit nang matapos ang lunch break at kailangan na nilang pumunta sa kani- kanilang classroom. Di ko namalayan na nakabalik na din pala si Dia.
Sabay sabay kaming umalis nang canteen. Maya-maya ay lumapit sakin si Tine at bumulong...
"Napansin ko din yun. Sya ba yun?" alam kong yung lalaking nakaitim ang tinutukoy nya kaya tumango ako. Sinalubong ko ang tingin nya at tila malalim ang iniisip nya.
Ngayon hindi lang ako ang nakakita sa kanya kaya nasisiguro kong hindi ako namamalikmata lang.
"You okay?" Alexius asked. Ngumiti ako at tumango.
"Yeah..."
"Hatid na kita sa room mo." natutuwa ako sa accent nya. Ang cute lang hehe...
"Huh? Ahmm..." tiningnan ko ang mga kaibigan ko na ngayo'y nakangiti sakin ng nakakaloko. Nawala ang kaninang seryosong mukha ni Tine at napalitan ng mapang-asar na ngiti.
"Kami Alexius, di mo ihahatid?" biro sa kanya ni Dia.
"Ahmm..." napakamot ito sa batok.
"Just kidding." nagtawanan sila. Bago kami mapahiwalay sa kanila ay nakapaskil pa rin ang nakakalokong ngiti sa kanilang labi.
"Thanks." nakangiting sabi ko nang makarating kami sa tapat ng classroom namin.
"No problem." ngitian nya din ako pabalik saka nagpaalam. Naglakad sya patungo sa hagdan pababa.
Aksidente akong napatingin sa ibaba at nakita ko doon yung lalaki. Nakatayo sya katabi ng isang puno at nakatanaw sa gawi ko.
Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan upang puntahan sya. Narinig ko pang tinawag ako ni Alexius pero hindi ko ito pinansin.
Bumagsak ang balikat ko nang makitang wala na sya dun.
"Rae..." nilingon ko si Alexius at pilit na ngumiti.
"Yes?"
"What happened?" he asked. May pag- aalala sa kanyang mukha.
"Ahmm... Kala ko yung kakilala ko yung nakita ko, kamukha lang pala." palusot ko.
"Ohh, is that so?" tumango ako at ngumiti.
"Yeah..."
"Uhmm sorry I can't take you back to your room. My class will start anytime soon..." he gave me an apologetic smile.
"Nah, it's okay." I smiled.
"Gotta go, bye!"
"Bye!" I waved an him and he smiled at me.
Nahagip ng mata ko ang lalaki at nang lalapitan ko na sya ay nakita ko ang aming teacher na papalapit sakin.
"Good afternoon, Ms." nakangiti kong sabi. Tumango sya sakin at sinabing...
"Good afternoon."
Sumabay ako sa kanya pabalik ng classroom at nang lingunin ko ulit ang lalaki ay nandoon pa rin sya sa kanyang pwesto.
Someday, malalaman ko din kung sino ka.
YOU ARE READING
Him...
RandomPaano kung may lihim na sumusunod sayo?... nagmamasid... nagmamahal... A stalker... Stalker that secretly inlove with you...