Ikalima

2 0 0
                                    

Rae pov

Asan na yun? Haysss nawala na naman sya!

Napagpasyahan ko na bumalik nalang. Tss wala naman eh....

Pero pagharap ko...

Napakurap-kurap ako at kinusot ko ang ang aking mata.

Wait! Totoo ba to?

Yata?

Totoo ba talaga to?

Waittt!!! Di ako prepared!!!

Nasa harap ko ba talaga sya?

Ang tangkad nyaaa!!!!

Titig na titig lang ako sa kanya habang sya ay nakatayo sa harap ko. As usual, naka itim sya pero ngayon ay hoodie... Wait ano yang hawak nya?

Ngayon ko lang sya nakita ng malapitan... Ang ganda ng mata nya! Ang ganda sobra! Grabe! nahiya yung mata ko huhuness!!!

Naka- mask sya kaya hindi ko makita ang kabuuan ng kanyang mukha. Kahit di ko kita yung mukha nya halata na ang tangos ng ilong nya tapos-

"Are you done checking me out?"

Ang lamig ng bosesssss nyaaaaa!!!! Sheshhhh kahali- halina yung boses nyaaaaa!!! Ang sarap sa ears!!!

"H-huh?" He chuckled.

Haysssss ano ba to!!! Nakatunganga lang ako sa harap nya!!!! Mukha akong tanga huhu!

Inabot nya sakin ang hawak nyang brown na paperbag.

Ang puti ng kamayyyy!!!! As in sobrang puti ng kamay nya! Or I should say maputla? Di ko sure pero sobrang puti talaga.

Yumuko ako upang silipin kung anong laman nun, at isa iyong puting tela. Di ko alam kung damit yun o ano eh.

"Ano to-" pagtingin ko sa kanya ay wala na sya.

Saan na yun nagpunta? Ang bilis naman ata?

Ano tong nasa paperbag?

White t-shirt? Anong gagawin ko dito? Bakit nya binigay sakin? Para sakin ba to? Bakit ang laki? Ayyy wait may sulat!

"Change. Your bra is visible. I don't want them to stare at my property. I might kill them... F-from m-mine" waitttt! naduling ata ako haha.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko! Kalma, self. Namali ka lang ng basa.

Tiningnan ko ulit ang sulat...

'Change. Your bra is visible. I don't want them to stare at my property. I might kill them...'

-Mine

Hindi nga ako nagkakamali! Seryoso ba to???

"Hindi to totoo!" sinasampal-sampal ko ang sarili ko habang napatak ang luha ko. "Hindi to totoo, self. Hindi to totoo."

Panaginip lang to! Tama! Panaginip lang to!

Panaginip lang to diba? Panaginip lang! Diba? Self panaginip lang to, gising na.

Fuck!

Hindi to panaginip!

Totoo to! Totoo!

Wala ako sa sariling nagtungo sa CR upang magpalit. Tumingin ako sa salamin at nakitang mugto ang aking mata. Naghilamos ako upang hindi gaanong halata.

Madaming tumatakbo sa isip ko habang papunta ako sa canteen. Pakiramdam ko ay latang-lata ako. Nanghihina ako at pakiramdam ko ano mang oras ay maaari akong bumagsak.

"Ayos ka lang, bhe?" napatingin ako sa kanila. May pag- aalala sa mga mata nila.

"Ha? Anong meron?" tanong ko.

"Kanina ka pa wala sa sarili. Tulala ka lang pagdating mo. Kinakausap ka namin pero hindi ka nasagot. Ano bang nangyayari beh?" tanong ni Tine sakin.

"Sorry..." tanging nasambit ko.

Hindi ko alam kung paano yun ikukwento sa kanila dahil maging ako ay hindi makapaniwala. Hindi ko alam...

Nagtinginan sila at hindi na nila ako kinulit na sabihin kung anong nangyayari.

Hanggang sa nakauwi ako ayun pa rin laman ng isip ko. Maraming beses tuloy akong napagalitan nila mama dahil wala ako sa sarili. Halimbawa nalang nun ay nung nagsalin ako ng tubig pero dahil tulala ako kaya ayun umapaw sya, nahiwa din ako kanina habang naggagayat ako ng gulay at kapag kinakausap nila ako ang sinasagot ko lang ay 'ha?'.

Kinabukasan, puyat ako dahil hindi ako gaano nakatulog kakaisip dun. Isang tao lang ang maaari kong pagtanungan tungkol sa bagay na yun... pero nahihiya akong magtanong.

Gaya ng lagi kong ginagawa, dinaan ko si Jera upang sabay kaming pumasok sa school pero ngayon mas maaga.

"Good morning!" nakangiting sabi nya.

"Morning..." mahina at walang sigla kong sabi. Habang naglalakad kami, kung ano-ano ang gumugulo sa isip ko.

"Alam mo-" pinutol ko ang kanyang sasabihin.

"Jera, may tanong ako..."

"Ano yun?" Tanong nya. Sinalubong ko ang tingin nya saka huminga ng malalim.

"Ahmm..." hindi ko alam kung paano itatanong eh.

Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na itatanong ko yun ng personal sapagkat pag may gusto akong malaman tungkol 'dun' ay tinatanong ko ito through chat. Never pa naming napag-usapan yun na magkaharap kami o magkasama.

"Hmmm?" huminga muna ako.

"Hindi ba talaga sya totoo?" bigla syang natigilan sa aking tanong.

Him...Where stories live. Discover now