Chapter Five

10 1 0
                                        

Nagising ako sa sinag ng araw na sumisilip sa bintana ng kwarto. Kinusot ko ang aking mata at umupo sa kama. What happened yesterday was still blurry to me. Dahil sa pagod ay kaagad akong natulog pagka-uwi. I didn't even messaged Arthur last night.

I checked my phone and saw a lot of messages. Arthur called me 11 times last night, hindi pa kasama ang text niya na sobrang dami rin. Nagreply naman ako sakanya.

Binuksan ko din ang ilang message ni Kate, Serene at Sienna. Pare-pareho silang nagtanong kung nakauwi ako ng maayos. I replied to them that I went home safely last night.

Isa naman na nagpukaw ng atensyon ko ang iisang message ni Kiel.

Kiel:

Good morning.

Natawa naman ako bahagya sa message niya. Siyang-siya nga ito... maikli parin ang mga text niya. Walang pinagbago.

Bago ako makapag-reply ay may biglang nag-ring ng doorbell sa bahay. Nagtataka naman akong bumangon at inayos muna ang sarili bago lumabas. Suot parin ang damit ko kagabi ay binuksan ko ang gate.

Tumambad naman si Arthur na may hawak na kape at donuts sa magkabilang kamay. Tumaas ang kilay niya at tumungo na sa loob. Sumunod ako sakanya at nakitang inilapag niya ang hawak niya sa dining table.

"Hangover?" tanong niya habang binubuksan ang box ng donuts.

Umiling naman ako at umupo na sa upuan. "I didn't drink a lot last night." sambit ko.
Mukhang hindi naman siya nagalit dahil maayos naman ang ekspresyon niya ngayon.

"Uh-uh..." tumango-tango siya. "I was worried, I texted Kate but she told me that you went home already and you didn't even bother to message me, Arianne." may diin ang kanyang boses.

"I immediately went to bed after I got home. I was sleepy and I didn't think of turning my phone on." I reasoned out.

Kumuha siya ng plato sa kusina at inilagay ang donuts doon. Binuksan niya din ang isang coffee at nilagay sa tapat ko. Nakanguso naman akong tinitignan siya habang ginagawa niya 'yon. He's angry yet still making sure that I'll eat the food that he brought. Ang paborito ko pa na donuts ang dala niya kaya mas lalo tuloy akong na-guilty. He was probably worried all night because of me.

"I'm sorry, hindi ko naalala kagabi dahil sa pagod ko... At thank you sa donut at coffee." ngumiti ako sakanya.

Umismid naman siya at umupo sa upuan ng dining table. "Next time text me, okay? I wasn't able to sleep properly last night because I'm worried about you. Hindi ko naman maiwanan si Sandra dahil may inasikaso si Mama at walang maiiwan na bantay sakanya." he sighed. "Kumain ka na, I'm sure you're hungry already... Finish this, okay?" itinuro niya ang donuts na inilagay niya sa plato ko.

"Sabayan mo na ako kumain." sambit ko at nilagyan din ng donut ang isang plato sa lamesa. Inabot ko din ang isang coffee binili niya.

Pinagmasdan niya muna ako at kinain din ang inilagay ko na donut sa plato niya. We both finished the donuts and coffee without talking to each other. Kapag pagkain ay natatahimik kaming dalawa, It's like thing between us to not talk while eating something. Ine-enjoy lang namin ang katahimikan.

Tumayo naman siya at inilagay ang mga plato na nagamit namin kanina sa lababo. Tinapon ko naman ang box ng donut at ang cup ng kape sa basurahan.

"Ako na maghuhugas diyan!" sigaw ko ng makita ko na sinisumulan na ni Arthur na hugasan ang mga plato doon. Nagdala na nga siya ng pagkain tapos paghuhugasin ko pa siya? Abuso naman ako nyan. 

"Akin na... Ako na maghuhugas nito. Doon ka nalang sa sala." kinuha ko ang sponge sa kamay niya at tinulak siya papunta sa sala tsaka inilagay sa kamay niya ang remote ng TV.

Trapped In LoveWhere stories live. Discover now