5

14 3 0
                                    

Salamat noong gabing nakinig ka sa mga kuwento kong kabisado mo na.

Naramdaman kong hindi ako nag-iisa sa gitna ng maingay na mundo.

Nagsilbi kang aking paghinga sa tuwing ang bigat-bigat na.

Ipinaalala mo sa aking kaya ko.

Salamat sa mga sandaling nauunawaan mo ako,

Kahit ako mismo hindi ko maunawaan ang sarili ko.

Alam mo na kaagad kung para saan ang hindi ko pag-imik at batid mo na ang dahilan ng aking ngiti at tawa.

Hindi mo na kailangang itanong pa.

Salamat sa palagiang pagkumusta,
Kahit pa ang mundo'y masyado ng abala,

Parati mo pa rin akong naaalala,
At dahil sa'yo nakararamdam ako ng pagkalma.

Salamat sa mga paalala mong magiging maayos din ang lahat,

Sa mga pagkakataong ang isipan ko'y binabagyo ng mga bagay na negatibo.

Ikaw ang nagbibigay sa akin ng pananaw na postibo—

At ipinararamdam mong mahalaga ako.

Salamat sa pananatili.

Kahit pa tinalikuran na ako ng iba.

Salamat sa pagpili,

Kahit marami akong pagkakamali.

Sa'yo ko gustong magkuwento,

Sa kung paano lumipas ang maghapon ko.

Sa'yo lang ako nagiging kalmado.
Salamat dahil kabisado mo na ako.

◆◆◆

#Mhaiyora

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon