24

7 2 0
                                    

Sa araw-araw ikaw ay palaging tinatanaw . Inaabangan na ikaw ay dumaan . Lulan ng iyong malaking sasakyan hinihintay ang iyong pagtanaw .

Sa tuwing ikaw ay lilingon ako ay nahihiya . Sa tuwing ikaw ay susulyap aking puso ay nagagalak .

Hindi ko hangad ang iyong atensyon . Sa isang sulyap mo lang ay kumpleto na ang araw ko , sa isang ngiti mo ay masaya na ang mundo ko .

Salamat sa palaging pag buo ng aking mga araw . At sa pag-iwan ng mga ngiti sa aking mga labi .

Salamat sa mabilisang pagsulyap sa tuwing ikaw ay daraan at sa pag gawad nang isang matamis na ngiti na sa puso ko'y nagpapalundag .

★★★

#Mhaiyora

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon