25

6 3 0
                                    

Sa pag-ibig , hindi importante kung ano ang iyong kalagayan  .

Hindi mahalaga ang pamantayan , kapurihan at kapintasan na mayroon ka .

Maging ang iyong edad , kasarian , hitsura , ang iyong talino at maging ang estado sa buhay na mayroon ka , ay hindi na tinitignan .

Dahil kapag nagmamahal ,
walang ano ,
hindi sino ,
walang kailan ,
hindi saan ,
walang bakit
at hindi sa papaanong paraan mo ito naramdaman .

Ang importante ay ang kung ano ang nilalaman ng iyong damdamin , at hindi mahalaga kung ano ang sasabihin ng ibang tao .

Kasi kapag nagmahal ka , puso mo lang dapat ang magdikta ,
at hindi mo na kailangan ng opinyon ng iba .

#Mhaiyora❤

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon