8

8 3 0
                                    


Sa tuwing naiisip ko kung bakit kita mahal , wala akong maisip na dahilan .

Sa tuwing nakikita kitang masaya , alam ko sa sarili ko na masaya na rin ako . Kahit hindi ako ang dahilan ng kasiyahan mo .

Sa tuwing iniisip ko ang masaya mong mukha habang nakangiti ang iyong mapupulang mga labi ay labis na rin ang nadarama kong kasiyahan .

Hindi ako kailanman mapapagod na gumawa ng paraan para pasiyahin at suportahan ka .

Alam kong hindi ako ang kailangan mo , nais ko lang na malaman mo na palagi lang akong naririto , hindi lang sa oras ng kasiyahan mo maging sa mga panahon na akala mo ay iniwan ka na ng mundo .

#Mhaiyora

Tula Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon