Balang araw makaka-tawa ka rin ng hindi pilit . Hindi na kailangan pigilan ang mga hikbi habang umiiyak ng nakapikit .
Balang araw hindi ka na masasaktan .
Hindi ka na nila masasaktan ng paulit-ulit dahil lang sa iilang kakulangan .
Balang araw hindi mo na kailangan mag panggap na okay ang lahat kahit ang totoo ay ang bigat bigat na nang lahat .
Balang araw hindi na pagbitaw at pagsuko ang natitira mong paraan
para tumakas sa magulong mundong tuluyan ka ng pinanghinaan .Dahil balang araw mahahanap
mo rin ang pahinga mo ..Mayroong darating upang punasan
ang mga luha at muli kang pangingitiin .Mayroong darating upang alagaan ka at pag mamahal ang paulit-ulit na sasambitin .
Mayroong darating upang maging
katuwang mo sa lahat ng pasanin .Dahil balang araw—sa halip na pagbitaw at pagsuko , mayroong darating para hawakan ang iyong mga kamay at sabay niyong haharapin ang magulong mundo nang magkahawak ang inyong mga kamay❤️
CCTO
◆◆◆
#Mhaiyora♥
BINABASA MO ANG
Tula Para Sayo
Random•Random Thoughts •Tula mula sa puso •English / Tagalog Qoutes •Himig ng pag-ibig •At Kung ano ano lang xD