A

316 4 0
                                    

Umagang-umaga dito sa Maynila pero ang usok-usok! Saan ba makakalanghap ng fresh air dito? Eh kahit saang sulok yata, kung hindi basura yung makikita mo, mapangheng eskinita naman yung mapupuntahan mo. Pumara na lang ako ng jip. Habang nasa jip naman ako, hindi ko mapigilan ang sarili kong matulala, nanaman.

Hindi ko pa rin maisip kung bakit pa ako pinalitan ng boyfriend ko sa hipon na yun. Oo nga, seksi siya pero hindi naman maganda! Kagabi, pagka-uwi ko, nakasabay ko siya sa elevator. Ang sakit kasi kasama pa niya yung syota niyang hipon. Ang lakas pa mag-PDA! Para bang hindi nila ako nakikita sa loob ng elevator.

Hanggang sa paglabas ng elevator, grabe pa rin silang magyakapan. Parang hindi sila mapag-hiwalay eh. Alam mo yung conjoined twins? Ganun sila ka-inseperatable. Kaya pagkapasok ko pa lang sa condo ko, sa kusina agad ako. Kinukha ko yung isang case ko ng vitamilk tapos ni-lock ko yung sarili ko sa loob ng kuwarto ko tapos sinimulan ko na yung marathon ko ng Disney movies. Buti na lang talaga, pwede akong um-absent sa trabaho bukas.


Natauhan na lang ako nung biglang may nagsalita sa tabi ko. "Ate, pwede ka bang umusog ng konti?"


Umusog naman ako. Pinahiran ko naman yung mukha ko. Akala ko, pawis lang. Luha na pala. Ano ba yan! Hanggang dito ba sa jip, paiiyakin ako nung ex ko?


"Ahm. Ate, bakit ka umiiyak?" tanong nung lalaking nasa tabi ko. Yung nag-pa usog sa akin kanina.

Tiningnan ko lang siya. "Oo nga pala. Ako si Joshua de Castro. Bagong college teacher lang ako diyan sa UST. Hindi ako magnanakaw. Hindi rin ako manloloko at manyak."

Sa itsura pa lang ng damit niya, hindi mapagkaka-ilang teacher nga siya sa UST. Mukhang hindi rin naman siya manloloko eh. Noong ini-abot niya ang kamay niya, tinanggap ko naman ito. "Ako si Rebbeca Sandoval. College teacher din ako sa UST. Ikaw pala yung bago."

"Oo ako yun. Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Bakit ka nga ba umiiyak?"

"Wala to."

"Walang taong umiiyak nang walang dahilan. Sabihin mo na. Mabait naman ako eh."


Sasabihin ko ba sa kanya? Eh ka-kikilala ko pa lang sa kanya ngayon eh. Kung sabagay. Kailangan ko rin naman ng kausap.

That Thing Called TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon