Nandito ako ngayon sa may overpass dito sa Maynila. And no. Hindi ako palaboy. Hindi din ako adik. Hindi ako magnanakaw. At hinding-hindi din ako mahirap.
Naghihintay lang ako ng jip papauwi. Sa totoo lang, ayoko pa talaga umuwi. Makikita ko nanaman kasi ang ex kong nagawa akong palitan sa hipon niyang chix. Yung totoo, chix talaga? Eh kay panget panget nga nung babaeng pinalit niya sa akin eh.
Pumara na ako ng jip. Sumakay ako sa harap neto. Dun lang kasing walang nakaupo. Palubog na rin pala yung araw. Sobrang tagal ko na palang nag-aabang ng jip kanina. Ang dami ko kasing inisip eh. Sa sobrang dami kong iniisip, nakalagpas na pala ako sa condo ko.
"Ma, para po." Naglakad na ako pauwi.
Nakadating na ako sa lobby. Ang tahimik dito ah, infairness. Madalas kasi, maingay dito dahil dun sa mga nag-chi-chikahang mga residente dito. Malamig da kasi kaya dito pa naispang tumambay. Naka-condo talaga ako. Maniwala na. Pagka-dating ko pa lang sa condo ay dumiretso ako sa kusina ko para kunin yung vitamilk ko. Pagkatapis nun ay nag-kulong na ako sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Tadhana
Fanfiction"Sabi nga ng iba, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan." Fan fiction || March, 26, 2015//completed