Natapos din ang Saturday ko. Dumiretso ako sa mall para naman makapag-unwind ako at nang hindi ko makasabay yung ex ko at ang malandi at masangsang niyang syota na hipon.
Pumasok ako sa McDo. Bumili ako ng one piece chicken na may coke at isang large fries. Umupo ko doon sa may pinaka-gilid. Ayoko kasi ng maingay. Tsaka para makapag-isa ako. Kinukha ko yung cellphone ko. Binasa ko uli yung mga text niya sa akin.
I love you, Becca ko. Hinding-hindi kita iiwan, kasi mahal na mahal kita. At kahit sino pang babae diyan na pumasok sa buhay ko, hindi kitaipagpapalit. Kasinungalingan.
Oo, mahal ko pa rin siya. Kaya nga ako nagkaka-ganito eh. Sa lahat na lang ng makita ko, nagpapa-alala sa relationship namin. Sobrang sakit. Mahal ko eh.
Minsan mga, gusto kong itanong sa kanya kung ano ba yung nagustuhan niya sa babaeng yun eh. Kung may pagkukulang ba ako. O kaya naman ay baka may nagustuhan siya dun sa hipon na yun na wala ako. Ano ba ang meron siya na wala ako? Sana lang sabihin mo para man lang nagawan ko ng paraan. Minahal mo ba ako talaga?
"Alam mo, hindi mo siya makakalimutan kung binabasa mo yung mga text niya sayo."
Inangat ko ang ulo sa nagsalita. Si Joshua lang pala. Bigla na lang siyang sumusulpot ah. Tsaka grabe ah! Kung maka-kuha ng phone, parang ang tagal na naming magkakilala ah.
"Hahaha! Ano ba yan! Hindi ka talaga iiwan ah. Anyare?" pangaasar niya.
Kinuha ko naman yung phone ko sa kanya. "Grabe kang mang-asar ah. Parang ang close na natin ah."
Natahimik siya at nagpatuloy na lang kaming kumain.
"Gusto kong pumunta ng Antipolo," sabi ko.
BINABASA MO ANG
That Thing Called Tadhana
Fanfiction"Sabi nga ng iba, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan." Fan fiction || March, 26, 2015//completed